7

1.2K 26 0
                                    


Napag-usapan namin kahapon ng mga kaklase ko na agahan ang pagpasok at ngayon ay kami-kami palang rito sa Grandstand, dito namin napag-usapan na magkita kita para hindi nila kami pagbintangan na nagkokodiko.

Tumayo ako sa harapan at kinuha ang kanilang atensyon, "Iba ang magbabantay sa atin ngayon dahil sa kaalam nilang Cheater ang section natin at para masigurado nila na hindi tayo gagawa ng kung ano 'man para maipasa ang exam natin. Kung maaari na bago magsimula ang Examination ay iiwan natin ang lahat ng gamit natin sa labas ng klassroom at alisin lahat ang mga gamit na nakalagay sa mga lamesa natin at ilabas din.
Tanging ballpen lang ang dadalhin natin"paalala ko na ikinasang-ayon ng lahat.

"Ang aga ni'yo atang pumasok mga bata? " sabi ng kung sino kaya napatingin kami kaliwa at nakita namin si Manong guard.

"Puwedeng maki-upo? " taning nito habang nay dalang kape.

"Opo"tugon agad ni Nico.
Ngumiti naman si Manong atsaka tumabi ng kaunti sa amin.

"So uulitin ko ang mga bag ay nasa labas ng klassroom at tanging ballpen lang ang dala"ulit ko baka kasi kalimutan nila.

"Nakapag-review na ba kayo kung hindi pa ay i-review ni'yo na ang nire-review natin" tuloy kong batid bago tumabi sa mga kaibigan ko.

"Talagang pursigido kayong maipasa ang Exam ngayon e no. "Rinig kong sabi ni Manong guard.

"Opo, para sa future. "Sagot agad ni Jane.

"Tama.. Tama 'yan" sang-ayon ni Manong.

"May hindi ba kayong naiintindihan? "Tanong ko ngunit pag-iling lang tinugon sa akin.

Hanggang sa dumating nga ang oras upang mag-take ng Exam at kagaya ng napag-usapan ay inilabas namin lahat ng gamit namin.

Nadatnan kami ni Mr. Kim na siyang nakatalagang magbabantay sa amin na prente at tahimik na nakaupo.

"Good morning, Class" bati nito nakakapasok lang. Tumayo din kami at bumati na pabalik.

"Class Monitor, kindly distribute your test papers, " utos ni Mr. Kim at binigay ang mga papel namin ng nasa sa amin na lahat ang mga test papers ay sinimulan na naming sagutan ito.

Nang mabasa ko ang mga tanong ay napangiti na lamang ako ng palihim dahil ang mga tinanong namin nila Elton ay siyang katanungan din sa test papers.

Kaya panigurado niyan ay madali na sa amin ang mga ito upang maipasa.

Medyo nahirapan ako sa ibang part pero keri lang dahil nakuha ko din naman ang tamang sagot.

NATAPOS ang ilang subjects ay parang nakawala kami sa isang kadena dahil ang mga ibang subjects na tinake namin ay sobrang hirap.

"Halos duguin na ako sa sa sobrang hirap ng Practical Research natin" tila pagod na batid ni Jane habang nakahiga ang ulo nito sa lamesa.

"Asaan nga pala ang dalawa? "Takang tanong ko dalhin hindi ko makita ang dalawa.

"Lumabas, "tugon nito kaya napadukmo ako sa lamesa.

"Grabe.. Ayoko na sa earth! "Rinig kong sigaw ng isa kong kaklase na ikinatawa naming dalawa ni Jane.

"O binili namin kayo ng pagkain, "
Napaayos ako ng upo dahil sa sinabi ni Nico. Nabilog ang mga mata ko dahil sa pagkaing nasa harapan ko. Ipinagdikit namin ang apat na lamesa para makakain kami.

"Salamat"sabay naming sambit ni Jane na ikinatingin namin sa isa't-isa at napatawa na lang. Nakita ko na napapailing na lang ang dalawa sa amin.

Nagsimula na kaming kumain mas pinili na lang daw nila Nico na dito kumain kaysa sa Canteen dahil mostly andoon daw ang mga taga Class 3.

He Is From My Rivalry Class (#Watty2018)Where stories live. Discover now