12

1.2K 26 0
                                    


  Andito kami ngayong lima sa Grandstand,  nakaupo sa damuhan.
"Hindi ko feels na makipagplastikan sa kanila during play, "may halong inis na batid ni Jane habang yakap-yakap ang mga binti nito.

"Don't worry guys,  wish ni'yo sana ma-approve ang Bonfire activities natin na siyang papalit sa Theater Act, "nakangiti kong saad sa kanila.

"Bonfire, maganda 'yon" sang-ayon ni Nico na ikinatango ni Jane.

"Pero kung hindi—tatalon ako mula sa rooftop na 'yon! " biglang saad ni Nico habang nakaturo sa malayo sinundan namin ng tingin iyon atsaka siya binatukan.

"Gusto mo bang mamatay ah! " singhal ni Jane na ikinatawa naming naririto.

"Malamang hindi, dahil papakasalan ko pa si Ji-ah" ani nito sabay akbay sa akin,  napatingin ako kay Tres na nag-iwas ng tingin agad ko naman itong tinanggal ang pagkaka-akbay nito sa akin.

Naiwan kaming dalawa ni Tres dito sa Grandstand dahil may kukunin ang tatlo sa library. Ayaw pa nga sanang sumama ni Nico kaso hinila ba naman sa tainga ni Jane. HAHA!

"Tres, gusto mo? "Alok ko sa kaniya sa D'tata.

Umiling lang 'to.
Kaya wala akong magawa kung hindi kainin mag-isa iyon.

Napatingala ako nang lumapit sa amin si Mika na ikinaasim ng mukha ko,  lumayo ako ng kaunti kay Tres baka kung anong isipin ng mga ito.

Nagulat ako sa paghila patayo sa akin ni Tres at nagtatakang sumunod sa kaniya, "Tres, si Mika.. " ani ko na ikinabitiw niya sa akin sa paghawak.

"Do you want me to accompany her? " tanong nito sa seryosong tono.

Umiling agad ako sa sinabi niyang 'yon.

"Good, " wika nito sa mahinang tono.

"Huh? " ani ko.

Nagsimula na 'tong lumakad papalayo hahabulin ko na sana kaya lang may tumawag sa akin,  pagtingin ko si Teacher Gomez lang pala.

Bago ko nilapitan si Teacher Gomez ay binalingan ko si Tres na hindi man lang ako binigyan ng isang tingin.

Yumuko ako ng malapitan si Teacher Gomez bago umayos ng tayo, ngumiti ito atsaka ako tinapik sa balikat, "na-aprubahan na ang nasabing activities ni'yo. So,  I'm looking forward sa magiging resulta niyang plano ni'yo, "

Napangiti ako sa sinabi ni Teacher Gomez, "Thank you, Teacher"

Tumango at ngumiti lang ito bago ako iniwanan kaya napatalon ako sa sobrang tuwa at napatakbo patungo sa klassroom.

Pero napatigil ako ng sa hindi sinasadya ay makita ko sa isang pasilyo si Tres at si Mika na magkaharapan ngayon.

Napakunot noo ako dahil may iniabot si Mika na isang Box kay Tres.

Tinignan ko si Tres na nakatingin ngayon sa Box na hawak ni Mika.

"Huwag—"napatakip at napatago ako dahil napalakas ang sabi ko no'n.

Tumakbo ako sa kabilang hallway patungo sa klassroom at hindi ko pa nadatnan sina Jane sa loob kaya napaupo nalang ako sa Table ko.

"Ay butiking palaka! "Sigaw ko dahil sa gulat. Napatingin ako sa gumawa no'n at ang loko tawang tawa sa akin.

"Sira ka ba? Bakit mo ginawa 'yon? "Inis na tanong ko kay Nico.

"Sorry akala ko kasi wala kang kiliti sa tenga, "ani nito na natatawa.

Kinuha ko sakaniya ang feather ay inilapit lapit ko sakaniya,  sinubukan kong abutin ang tainga nito para ma-experience niya.

"Boss, oh! " sabi ni Elton sabay bigay ng librong hawak niya.

He Is From My Rivalry Class (#Watty2018)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant