8

1.1K 22 0
                                    


Nagmadali kaming tatlo na pumunta sa Announcement board dahil doon nila ipapaskil ang mga nakapasa nakipagsiksikan kami para lang makita ang resulta napatalon kami ni Jane at napatakip sa bibig dahil halos ng section namin ay nakapasa.

Halos sigawan ang mauurinigan dito sa hallway dahil andito kami lahat ng Section namin ang Class 8-F.

Umalis na kami roon na may ngiti sa aming mga labi dahil nakuha lang naman naming apat ang second to fifth place pero una pa rin ang matalino at guwapo na si Tres.

'Nakakapagtaka paano sila nakapasa'

'Nagkodiko na naman sila no. '

Yan lang ang iilan sa mga naririnig namin mula sa iba pero hindi na namin pinagtuunan ng pansin pa dahil masaya kami ngayon walang makakapigil no'n.

Napagulat kaming lahat ng ibagsak ng principal ang hawak nitong libro sa teacher's table na ikinataka namin lahat.

"Magre-retake kayong lahat! " sigaw nito na ikinalaglag ng panga namin.

Nagtaas ng kamay ang Class Monitor namin, "Bakit sir? "

"Imposibleng maipasa niyo 'yon dahil lahat ng mga Teachers niyo ay pinahirap ang mga tanong... Panigurado na nagkodiko na naman kayo.. " ani nito na sa galit na tono.

"Hindi maaari 'to nagpagod tayo, "rinig kong wika ni Jane.

Nagtaas ako ng kamay, "hindi naman po maaari ang nais ni'yo ng walang ebidensyang pinapakita na nagkodiko nga ho kami pero pasensya na po hindi ho kami nagkodiko o nangopya, " paliwanag ko.

Nagtaas din ng kamay si Elton, "Tama si Jian, Sir hindi mo kami maaaring magretake hangga't walang ebidensyang pinapalabas dahil kami ay may maipapalitaw na ebidensya na hindi kami nagkodiko during Exam, " paliwang ni Elton.

Nagtaas ng kamay si Nico at tumayo, "I agree, "

Napatingin ako kay Jane ng tumayo din ito, "Class 3 na naman po ba ang nagsabi? Malamang sila 'di ba Sir? " may pagkasarkastiko na batid ni Jane na ikinatahimik ng Principal.

"No Excuses,  magre retake kayong lahat. PERIOD! " ani nito bago mabibigat na paang lumabas ng klassroom naupo ako sa pagka disbelief.

Nailibot ko ang paningin ko sa mga kaklase ko dahil may iba na umiiyak, may iba na nakadukmo at hindi na maipaliwanag ang emosyon.

Halo-halo na ang emosyon na naririto sa klassroom.

Napayukom ako sa inis na nararamdaman bago tumayo at aakmang aalis ng tawagin ako ni Jane, "Saan ka pupunta? "

"Kay Tres, " maikling saad ko bago magdaling lumabas ng klassroom at magtungo roon.

Pumasok ako ng walang pasabi na halos lahat ay nakatingin sa akin, "Tres, mag-usap tayo" sigaw ko.

'Sino ba siya para sundin ni Tres'

Rinig kong sabi ng iba pero bagkus ay na kay Tres ang paningin ko.

Tumayo si Tres at nauna ng lumabas kay sinundan ko ito. "Tres,  tulungan mo naman kami, " tanging nasabi ko ng makaharap ko ito dahil nagbabadya na ng tumulo mgaluha ko.

"Cheat is Cheat" ani nito habang sa iba nakatingin.

"Tres naman... Nag-aral kami ng maayos rito pero yang mga kaklase mo ang nagsimula at nagsumbong na nagcheat kami. Tres naman maniwala ka sa akin" saad ko sa garalgal na boses.

"Its your section fault—" ani nito atsaka tumingin sa akin, "Ginawa ni'yo noon kaya hindi malayong gawin ni'yo ulit ngayon, " sabi nito na nagpabagsak ng balikat ko at tuluyan ng bumuhos ang luha ko.

He Is From My Rivalry Class (#Watty2018)Where stories live. Discover now