10

1.2K 28 0
                                    


"What? " gulat na tanong kila Papa.

Tumingin ng nanlilisik si Papa sa akin na naging dahilan para mapayuko ako.

"Sa ginawa mo ay siyang nagpapatunay na hindi ka—"naputol ito ng sumingit si Mama sa usapan. "Hon, pakinggan mo muna ang anak mo kung bakit niya ginawa 'yon"mahinahong batid ni Mama kay Papa.

Tumingin sa akin si Mama na nagsasabi na magpaliwanag ako. Humugot muna ako ng lakas bago magsalita,

"Ma, Pa hindi ba nagpaalam ho ako na magagabihan ho ako dahil sa gagawin naming group study. Pa,  maniwala naman po kayo sa akin,  hindi ko ho magagawa ang pinagbibintang nila sa amin. Pa, nagpakapagod at nagpuyat ho kami para lang dito sa Exam, pinag-usapan namin na magkita-kita ng maaga sa Grandstand para makapag-review, pinag-usapan din namin na ilagay lahat ng gamit sa labas ng klassroom para walang mandaya sa mismong Exam. "Mahinahon kong paliwanag.

Bagkus na may sasabihin si Papa ay iniwan niya kami nila Mama dito sa sala na nagpabigat lalo ng dibdib ko.

Napayuko na lang ako at naramdaman ko ang isang kamay ni Mama na humahaplos sa likod ko. "Ma, maniwala kayo sa akin nagsasabi ako ng totoo" batid ko.

"Tumingin ka sa akin, nak"utos ni Mama kaya agad akong tumalima.

"Sabihin mo sa akin sa mata sa mata na hindi mo ginawa iyon, "sabi ni Mama. Kaya huminga ako at hinawakan ang mga kamay nito atsaka ako tumitig sa mga mata nito.

"Ma, hindi po namin magagawa iyon" saad ko na hindi natitinag sa titig ni Mama bigla akong yinakap ni Mama na nagpaluha sa akin.

"I believe in you, " she whispered.

"Thank you, Ma" I told.

Pagkalabas ko sa bahay ay siyang pagkakita ko kay Tres.

Hindi ko na lang sana ito papansinin ngunit ay napatigil ako dahil sa sinabi niya.

"Lets go, " ani nito bago ako bigyan ng isang tingin.

Eto na naman daw po ang puso ko, napapikit ako bago ako nagmadaling sumakay sa bisikleta ko atsaka sumunod sakaniya.

Sabay na kaming pumasok, sabay pa kaming naglakad patungo sa kaniya kaniyang klassroom.
Napakagat ako sa ibabang labi dahil sa bilis nang tibok ng puso ko na tila nakikipagkarera sa bilis.

"Tres, "pagtawag ko,  huminto naman ito sa paglakad.

"Sabay tayo umuwi mamaya, " sabi ko sa mahinang boses.

Nakita ko itong tumango na ikinapigil ko sa pag-ngiti. Pumasok ako sa loob ng klassroom na nasa sa akin lahat ng atensiyon.

Naglakad ako patungo sa upuan ko katabi si Jane.

"Anong gagawin natin mukhang hindi pa tayo makakapag-enroll next school year, " ani ni Jane

"Huwag kayong mag-alala kaming bahala ni Elton dyan, "biglang winika ni Nico sabay akbay nito kay Elton na agad namang tinanggal ni Elton.

"Class, seat down, " wika ni Teacher Lu.

Kaya dali-daling nagsibalikan ang mga kaklase ko sa kani-kanilang puwesto.

"Sir, "pagtawag ni Teacher Lu na nakatingin sa may pintuan. Pumasok ang Principal na ikinasinghap naming lahat dahil sa takot at kaba na kung anong maaaring sabihin nito tungkol sa hindi namin pag-enroll next school year.

Nagulat kaming lahat ng yumuko ito, "Please forgive me, students"panimula nito bago umayos ng tayo at pumunta sa gitna.

"Dapat pinakinggan ko muna kayo,  I'm very sorry. Napatunayan na pinaghirapan ni'yong mag-aral ng mabuti para maipasa ang inyong Final Examination at maraming Teachers ang nakapansin sa pagbabago ng inyong performances sa klasr naging active kayo sa recitation, laging matataas ang nakukuha sa bawat quiz ni'yo.  Ako'y humihingi ng despensa sa nangyari napatunayan ni'yo na hindi naging ang lahat sainyo lalo na ang masasamang salita na lagi niyong naririnig mula sa kapwa estudyante bagkus ay nagsumikap, nag-aral at nagkaisa kayo sa pag-aaral. Ngayon ay binabawi ko ang sinabi kong hindi kayo makakakapag-enroll sa susunod na school year, " mahabang paliwanag nito na ikinatahimik at ikinagulat naming lahat.

"Wala bang magre-react or any violations? " tanong ng Principal.
Nagkatinginan kami ni Jane at nagkayakapan sa sobrang saya.

Naghiwalay lang kami ng muling nagsalita ang Principal, "Ngayon ay magpapatawag ako ng Meeting with parents bukas para humingi ng paumanhin sa nangyari  and thanks for Tres for open up again this issue" saad nito.

Na ikinaiyak ng iba kong kaklase.
Napabaling ang atensyon ko kay Teacher Lu na mangiyak-iyak na rin.

"Okay, Class. Iiwanan na namin muna kayo."paalam ni Teacher Lu bago nila kami lisanin.

Nagsimula ng mag-ingay ang mga kaklase ko at nagsitakbuhan ang mga kaklase ko sa labas kaya nakisunod na kami nadatnan namin sila na nakapamilog sa open ground.

Nagkatinginan kaming apat at patakbong nakisali rin.

Nagsisigaw kami ng, "ho! ho! "

----

Teacher Lu Pov.

Napalabas kaming lahat sa Class 3 dahil sa ingay sa open ground,  pagtingin namin ay sumalubong sa amin ang nakapabilog na mga estudyante ng Class 8.

"Gani'yan ba kalaki ang naging epekto sa nangyari? " dinig kong saad ng Principal, tumango ako bilang tugon.

"Teacher Lu, baba na po ba ako para bawalan sila? "Tanong ng isa sa mga Class 3 kaya napatingin ako rito. Magsasalita na sana ako ng inunahan ako ng Principal.

"Hayaan ni'yo sila, "tanging nasabi nito bago muling tumingin sa mga bata na may ngiti sa mga labi.

---

Tres pov.

Napalabas kami dahil sa ingay na nanggagaling sa labas.

Nadatnan naming nag-iingay mula sa labas ang mga Class 8.

I secretly smiled when I see her brightly faced.

"Tres, "pagtawag ng kung sino,  napatingin ako rito.

"I'm sorry, "Mika told.

"Its already done, " tugon ko bago bumalik sa loob ng klassroom.

---

Nakasandal ako ngayon sa wall ng Class 3 at hinintay na lumabas si Tres.

Napa-angat ako ng tingin nang lumabas na si Teacher Kim sa loob sumunod na ang mga taga Class 3, kaya tumayo ako at lumapit sa klassroom nila.
Napangiti ako ng makita siya kaya lumapit agad ako rito, "Hi Tres, "

Tumango lang ito na lalong nagpangiti sa akin.

Hindi pa man kami nakakalayo ay may tumawag sa kaniya, "Tres, "kaya napatingin ako doon sa tumawag.

"Tres,  hindi ba may napag-usapan tayo na sasamahan mo ako sa pagpunta sa National Bookstore, "ani nito na nakay Tres lang na nakatingin na ikinanguso ko.

Napatingin ako kay Tres dahil hindi pa ito sumasagot.

Tumingin muna ito sa akin bago kay Mika, "You have a foot,  you can go there with or without me, "saad nito sa malamig na tono na konti nalang ay ikahalakhak ko dahil sa naging reaksiyon ni Mika. Priceless.

At nauna ng lumakad si Tres.

Tinignan ko ito at tinaasan ng kilay atsaka nginitian ng nakakaloko.

Atsaka ko hinabol si Tres.

"Tres, nabalitaan ko na in-open mo daw ulit ang isyung nangyari sa amin, " sabi ko.

Tumango lang ito. "Bakit? "Tanong ko.

"Mika is the one who cause this messed. " ani nito na ikinatigil ko sa pagpedal.

"Seryoso? "Sigaw ko dahil nakalayo-layo na ito ng kaunti sa akin kaya hinabol ko siya.

"Pero bakit niya iyon ginawa? "Tanong ko pero nagkibit balikat lang ito.

Tumigil na ako sa pagtatanong baka kasi mainis ito sa kakulitan ko.

He Is From My Rivalry Class (#Watty2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon