Chapter Two

5K 220 3
                                    

"Come on, Yu, kailan ka ba mag papatuli?" Nakangiwi ko'ng tanong sakanya bago umupo sa swing.

Pagkatapos naming maligo kanina 'ay kumain muna kami ng tanghalian bago lumabas ng bahay. Buti nalang at pinayagan kami ni Manong Guard dahil sa subdivision kami nakatira at malapit lang ang playground dito. Mabuti nalang, makulimlim pa ang panahon at walang katao tao.

"What?" He spat like I said something ridiculous.

"Ang sabi ko, bakit hindi ka pa nag papatuli? malapit na ang pagbukas na libreng patuli doon sa pasig Yu, ah. Eksaktong birthday ko na 'non." Inosente kong sabi pero mas lalo lang dumilim ang kanyang ekspresyon sa hindi malaman na kadahilanan.

"Ayokong mag patuli." Giit niya.

Kumunot ang noo ko. "Why?" Pinaningkitan ko siya. Naalala ko ang sinabe ni Knight kapag daw hindi nagpapatulo ang isang lalake, ibig sabihin bakla daw yon. I gasped. Don't tell me... "Y-yu are you gay--"

"I'm not a fucking gay, Ashrelle!" Sigaw niya halatang naiirita kaya napatigil ako sa paggalaw ng swing habang gulat na gulat na nakatingin sakanya. A-anong... n-nag mura siya? Alam na alam niya siguro ang tumatakbo sa isip ko pero hindi makakatakas sakin ang pagmumura niya.

Sa galit ko'y nasampal ko siya. Hindi masyadong malakas, pero biglaan ang pamumula ng kanyang pisnge dahil sa maputi ang balat ni Yusei.

Linapitan ko siya pero umiwas ito at tumayo na mula sa magkatabi naming inuupuan na swing.

"Y-yu-"

"Ayokong pumayag kasi natatakot ako. Hindi dahil sa pag patuli, Ashrelle. Natatakot ako na makaramdam ng kakaiba kapag tumagal at lumaki na ako," Bulong at pag amin niya habang nakatalikod bago niya ako biglaang yinakap sa gulat. "I'm sorry... I'm sorry for the curses, ate. Hindi ko naman sinasadya..."

Hinawakan ko ang kanyang balikat bago linayo ng konti ang pagitan ng katawan namin. Ngumiti ako sakanya bago pinunasan ang kanyang luha. Kapag palagi akong nagagalit, ganito ang magiging reaksyon niya. Nakakapagtaka lang na kapag pinapagalitan siya nila Mommy at Daddy dahil sa pakikipag away niya sa mga pinsan namin, hindi ko man lang siya nakitang umiyak. Kahit siguro masugatan siya o mapilayan hindi mo siya makikita ng ganito parati lang itong nakababa ng tingin habang nakasimangot at bubulong bulong ng kung ano.

"Ikaw talaga... sige ganito nalang. Hindi ba't pupunta tayo ng tagaytay nila Mom at Dad pati ang mga ibang pinsan natin para sa birthday ko?" Sabi ko sakanya bago ko siya nakitang tumango at tumitig habang nakayakap pa din siya saaking beywang. "Sasamahan ka ni Ate sa pasig. H'wag ka mag alala Yu, sasama natin si Kuya Knight mo. Ayos ba 'yon sayo?"

Sumeryoso kaagad siya. "Pero bakit si Knight, hindi ba't supot pa siya hanggang ngayon?"

"S-supot?" ngiwi ko.

"Tss... wala. Just... promise me that you'll come with me." Bumalik nanaman ang pagkalamig ng kanyang ekspresyon. Tumango ako bago nagbuntong hininga. Ang hindi ko lang talaga maintindihan sa kapatid ko, una, babalik ang pagkaisip bata niya kapag nagagalit ako pero kapag si Knight ang usapan o sa ibang bagay, parang nag iiba ang pag uugali niya. Pero sanay na ako kaya ayos lang sakin.

Nakita namin ang isang nag titindang ice cream. Buti nalang may dala akong pera kaya bumali na ako at para din kay Yu bago kame mag gala sandali. Masaya akong nag k-kwento kay Yusei tungkol sa mga alaala namin dito habang siya'y nanatili ang titig saakin at tahimik na nakikinig.

"Yu kamusta na kaya yung mga nakakalaro natin dati..." I trailed when the happy memories of our childhoods came into my thoughts. I hope they're safe and happy. I missed them so much. Hindi ko na maalala ang mga pangalan ng iba pero alam kong sobra ang pagiging masaya ko dati. I remember playing with someone and she said, she wants me to be her best friend forever... but I already forgot her name. I guess that's the best but the saddest part of my childhood... naalala ko ang masasayang alaala namin pero hindi ko na maalala ang pangalan.

Yusei (Coralde Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon