Chapter Fourteen

4.8K 210 39
                                    

WHY AM I HERE?

Busangot ang aking muka ng makarating sa school court. Kaonti pa lang ang mga taong nag sisipuntahan dahil siguro'y manonood ng laro. Ginala ko ang tingin sa taas ng bleachers at napangiwi sa padami ng padaming tao. Hindi ko makita sila Clariza. May mga nakakasalubong pa akong kakilala pero yung iba, hindi na dahil sa ibang school na ang mga ito.

"Couz!" Boses iyon ni Knight.

Yakap yakap ang sarili, nahagip ko ang paningin ng mga pinsan ko sa pahabang upuan kasama ang mga ibang players. Ayoko man pumunta ngunit sa huli 'ay lumapit ako. Medyo na conscious pa ako dahil nadaanan ko ang mga players na nasa ibang school at nakatingin saakin.

Napahinto lamang ako ng may pamilyar na tumawag saakin isa sa kanila.

"Ashrelle?"

Napaawang ang aking bibig ng makitang si Kenny 'yon! Naka blue t shirt siya at jersey short. Pinag lalaruan niya ang hawak ng bola habang papalapit sakin. Liningon ko muna ang mga pinsan ko pero naabutan ko silang nakatalikod at nakikipag usap sa mga ka team nila. Kabado akong hinanap ang matang kanina pa nakatitig saakin at halos bumilis ang pintig ng aking puso ng madilim na nakatitig saakin si Yusei. Kaagad akong umiwas.

"I didn't expect to see you here! You're gonna watch your cousins?" Ngisi niya ng makalapit kaya agaran ang pag lingon ko.

"O-oo. Yinaya lang kasi ako dito, e. Kaya baka hihintayin ko sila pag tapos ng laro."

"Oh, sana panoodin mo din ako," He whispered playfully.

Ngumiti ako sakanya. "Mapapanood din naman kita e."

"No, Ashrelle. What I mean is-"

"May problema ba tayo dito, Ken doll?" Natigilan lang ako ng marinig ang boses ni Knight at walang sabi sabi na inakbayan ako. Nasa gilid ko naman si Aries na nakapamulsa.

"Are you hitting on her?"

"U-uh-"

"Uy, Long time no see Ken doll." Pangangasar ni Aries. Oh my god! I suddenly felt the tension here. Mas lalo lang akong kinabahan ng makita kung paano unti unting nawala ang ngiti ni Kenny. Shit. This is not good.

"Bro, ano bang problema niyo? Stop calling me that! Hindi na tayo mga bata ngayon para sa ganyan.

"Why?" Si Knight na hindi maalis alis ang ngisi o galit kung ngumiti. "Naaasar ka ba? Kasi kung ako tatanungin mo, makita ka lang ngayon, ang sarap ng basagin 'yang pag mumukha mo." He said. He must be joking! This jerk has to be joking!

Napamura ako sa aking isipan. I don't know if that was supposed to be a joke or not. God! These idiots need to stop! Hindi ako makapaniwalang ginagamit pa din nila Knight at Aries ang ginawang pangalan kay Kenny para sa pangangasar.

"Ano bang problema mo?" Asik niya.

"Marami. H'wag no nang tanungin pa." Mariin na sabi nito. Nakita ko kung paano malaglag ang panga ni Kenny sa sinabe niya. Alam kong kapag ganito sila, biruan lamang. Walang seryosohan pero dahil sa nakikita ko ang galit sakanilang dalawa at matinding tensyon, hindi ko nakayanan mag isip ng kung ano at pigilan si Knight.

Nawala lang ang tensyon ko nang marinig namin ang boses nila Clariza, Mae at Sheila. Nagpapasalamat ako dahil papalapit sila dito kaya inalis ko na ang mahigpit na pag kaakbaay saakin ni Knight. Tinignan ko sila at naghiwalay na ng landas pero ang titig sa isa't isa 'ay nandoon pa rin.

"Hi, Ashrelle! Akala ko talaga hindi ka pupunta. Pinayagan ka?" Tanong saakin ni Mae.

I smiled awkwardly. "O-oo.."

Yusei (Coralde Series #1)Where stories live. Discover now