Chapter Five

4.3K 210 15
                                    

Fifty Shades of Grey.

Tamad ko'ng sinarado ang unang libro bago nag angat ng tingin sa Adviser naming si Mr. Nikolai na kakatapos lang mag turo. Naalala ko na si Knight ang nag regalo saakin nito noon. I haven't done reading the first book of the story yet, pero may natutunan ako tungkol sa isang bagay.

Sex. Or.. maybe, not just ordinary sex.

Usap usapan din sa school na ito daw ang best selling sa national bookstore kaya halos hampasin ko ang pinsan ko noon dahil isang erotic story pala itong iniregalo niya. This isn't my first time reading something like this. May mga nababasa din ako noon na romance yung meron BS pero mukang malala 'to.

Why is this book so interesting anyway? When in the first place, I don't even know if the book is worth reading. I just got curious.

Siguro dahil sa kalagitnaan ng pagbabasa, habang tumatagal 'ay parang nagugustuhan ko na din.

"Ashrelle, let's go!" Sigaw ni Knight mula sa pintuan ng classroom namin. Nakaramdam ako ng pangamba kung makikisabay ba ako o mauna nalang katulad ng nakasanayan.

Tatlong taon na simula ng interaksyon namin ng kapatid ko. Hindi ko inaasahan na habang tumatagal, 'ay ganoon din ang sobra sobrang pag-iwas niya saakin.

Hindi ko talaga siya maintindihan. Pareho kaming nakapag enrolled dito sa University of Batangas. Wala akong ka-close o kakilala man lang isa sa mga kaklase ko'ng babae. They've been avoiding me like I have some horrible disease. Bumuntong hininga ako bago inayos ang mga gamit. Pare-pareho kaming grade 10 na mag pipinsan lalong lalo na si Yusei. Dapat 'ay College nako ngayon pero dahil home-schooled kami pareho, wala din ako nagawa. Yun nga lang, si Aries lang ang k-klase ko habang sila Knight at ang kapatid ko 'ay nasa kabilang room.

"Ready?" Ani ni Aries habang nakangisi kaya pinitik ko ang kanyang ilong.

"Come on..." Walang gana kong sabi.

"Hey, para saan 'yon!"

"That's for being—"

Napahinto ako sa paglabas ng classroom ng bigla akong nakabangga ng kung sino.

"Ouch, oh my god my mascara!" Reklamo ng isang babae. Mabilis akong nag angat ng tingin at nakita kong tatlo silang magkakasama.

"Xyren, tara na." The other girl said. Matangkad ito habang yung isang babae 'ay tahimik lang na nakakunot ang noo parang kinakahiya ang dalawang kasama.

"S-sorry. I didn't mean-"

"Are you blind? Hindi mo ba nakikita ang dinadaanan mo?!" She said irritated.

Bago pa ako makapag salita 'ay humarang na si Aries sa pagitan namin bago sinamaan ang tatlo.

"Cassandra pag sabihan mo yang mga kaibigan mong masyadong demanding." Sabi niya sa babaeng 'Cassandra' ang pangalan. "Xyren and Fate, watch your mouth. Pinsan ko ang kausap niyo kaya kung ayaw niyo ng gulo, better leave. Now." He threatened.

Umirap si 'Xyren' habang yung Fate naman 'ay biglaang kinuha sakanya ang mascara at walang sabi sabing dumeretso sa cafeteria.

Humarap saakin si Cassandra. "Ako na ang humihingi ng paumanhin. I'm sorry for what they did..."

Ngumiti ako ng tipid. "It's ok. Hindi kasi ako tumitingin sa dinadaanan."

Tumango ito at tahimik na sumunod sa dalawang kaibigan.

"Who are they?" Tanong ko ng makapunta na kami sa locker.

Maganda ang school. Hindi nga lang ako sanay sa makipag kaibigan at siguro ayun ang pinaka ayaw ko sa sarili ko. Wala pa kong nasasalihan na Club dahil don samantalang ang mga pinsan ko, madami ng nagagawa.

Yusei (Coralde Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon