Chapter Thirteen

4.6K 164 52
                                    

Considering and wishing for something else is hard. Lalo na kapag hinihiling mo na sana hindi nalang nangyari ang lahat ng 'to. Hindi ko alam kung paano kami umabot sa ganitong punto na halos maling mali na. Na kahit mali, hinahanap hanap pa din ng sarili ko.

Kinabukasan, naging mapayapa ang araw naming mag pipinsan lalo na kay... Yusei. He seems so happy for whatever reason. Hinayaan ko nalang siya at halos sumasabay na din siya saakin pag pumapasok o umuuwi. Ni, hindi ko nga alam kung nag a-attend ba siya sa practice ng kanilang basketball sa mga araw na 'yon.

"H-hi."

Napaangat ako ng tingin habang kumakain ng burger. And there she was, Clariza Roque standing in front of me.

"May I help you with something?" Kunot noo kong tanong. Mag isa lang siyang lumapit saakin habang tanaw ko ang kanyang dalawang kaibigan sa kabilang table, tila nag bubulungan habang tumatawa.

Lumingon siya sa kaibigan bago saakin. "Can I... uh, sit with you?"

Nakaawang lang ang aking bibig bago unti unting tumango kaya ng mag sasalita pa sana'y naunahan niya na ako at bilis bilis na tumabi saakin.

"Oh, you're Ashrelle. Right?" Excited niyang sambit.

"U-uh, oo—"

"I knew it!" She giggled. Nagulat ako ng biglaan niyang hinawakan ang aking kamay. "Ashrelle, I-I was thinking if... kung pwede sana ipakilala mo ako sa k-kapatid mo?"

Kaagad akong natigilan sakanyang sinabe. Sa kapatid ko? Bakit niya gustong makilala si Yusei? Siguro 'ay nakita ang gulat at pag kagulo saakin kaya nag salita ulit siya.

"I really like your brother." Pag amin niya na mas lalo ko'ng ikinatigil. Parang mabibingi na ata ako sa narinig ko pero dahil sa nakikita ko kay Clariza, ramdam na ramdam ko'ng totoo nga ang kanyang sinasabe.

I was right.

"Please, Ashrelle. Tulungan mo ako sakanya! Promise, I'll pay you back something good in the end I just...." Tumigil si Clariza habang kagat ang labi bago namumulang umiwas. "I want him."

"I-I'll try." Pilit na sabi ko. Hindi ako makapaniwala na biglaan ang pag lapit niya saakin ngayong nasa cafeteria ako mag isa. Dapat 'ay kasama ko si Aries at Knight pero dahil sa pinatawag sila ng couch nila sa basketball habang nag k-klase, ako nalang muna ngayon mag isa.

Tumili si Clariza bago ako yinakap. "Thank you, Ashrelle! I'm sorry if I'm forcing you. It's just... I like him siya pa lang ang first crush ko." Masayang ani niya. I can feel the confidence in her in how she talks about my little brother. I bit my lips before staring at her. I really can't deny that Clariza is very beautiful. Tan skin, pouty lips, she's not very tall but isn't the slim trim type either that would catch the eyes of everyone. She was like a version of Nina Dobrev or maybe... she could even pass as a Viktoria's secret model in that kind of way. I'm quite fair. Slim body and boring looks compared to Clariza. Kaya lang naman siguro ako nasasabihan ng maganda nila Mommy at Tita Salem ay dahil sa mahaba ko'ng buhok. Iyon ang nag dadala saakin kung paano nadedepina ang itsura ko kaya siguro kapag nag pagupit ako, baka mag mukha na akong binigwasan ng paulit ulit.

"Come!" Nagbalik lang ako sa huwisyo ng biglaan niyang hinila ang kamay ko kaya agaran ang pagkuha ko sa bag at natirang pagkain sa tray.

Muli akong linukob ng pagkailang ng hila hila niya ako papunta sa dalawa niyang kaibigan na ngayo'y huminto sa pagtatawanan ng makarating kami.

"Ashrelle si Sheila at Mae, kaibigan ko." Sabi niya sa dalawang kaibigan na binati kaagad ako ng ngiti.

"Is she...." Si Shiela na tinuro turo ako.

Yusei (Coralde Series #1)Where stories live. Discover now