Chapter Four

4.5K 226 22
                                    


It was our last day here in Tagaytay. Babalik na kami mamayang gabi dahil bukas ng umaga, pupunta na kami ni Yusei at Knight sa pasig para samahan ang kapatid ko.

Mukang mag gagabi na kaya naramdaman ko agad ang lamig at simoy ng hangin na tumatama sa muka ko. Nakita ko ang mga Tito ko na nagiinuman habang ang mga pinsan ko naman nasa taas at nagkkwwentuhan.

"Ashrelle, dalaga kana h'wag muna mag b-boyfriend ha?" Si Tito Richard habang umiinom ng alak.

Umupo ako sa tabi ni Yusei na tahimik lang din na nakikinig at nakatanaw sa malayo. Syaka lang siya lumingon saakin ng maramdman niyang lumapit ako.

"Oo nga pala Milla at Henry, wala ba kayo balak lumipat ng bahay para makapagaral na itong dalawang bata?" Tanong niya kila Daddy at Mommy.

"Ayun nga ang pinag uusapan namin, Salem. Pero wala pa kami mahanap na lilipatan."

Linapag niya ang iniinum na may alak bago natutuwang nagsalita. "Meron kami nahanap sa batangas! Maganda din ang university doon kaya baka sila Knight at Aries doon din mag-aral alam mo naman na sa Alfonso Cavite lang kame kaya ayos na din." Kwento ni Tito na ikinatango naman ni Dad na parang sobra interesado niya. Patuloy sila sa pag uusap.

Humarap saamin si Tita. "Kamusta naman ang pag-aaral niyo Ashrelle at Yusei?"

Ngumiti ako bago tumango. "Ayos lang naman po, Tita."

"Not bad." Si Yu bago binalik ang tingin sa labas.

Tumawa si Tita Salem bago kinuha ang isang baso at nagpatuloy sa pagtatanong.

"Kung sakaling makapasok na kayo sa school, may balak ba kayo na sumale sa isang sports or any hobby that you love?"

Now that I think of it. "Gusto ko po sana sumali sa Club Art..."

Biglang napalingon samin si Mommy narinig ata ang pinaguusapan.

"She's very good at drawing and painting, Salem. Kahit noong bata pa siya ayan ang hilig niya." Mom said proudly.

Tumawa silang lahat habang namumula ako. Ngumuso ako na napalingon kay Yusei na may nigiti sakanyang labi.

"Ikaw, Yusei. Sila Knight at Aries mahilig sa basketball you should try that baka ayun talaga ang para sayo at pareho din kayo ng mga pinsan mo." Si Tito, inaalok siya.

Nagkibitbalikat lang ang kapatid ko.

Napatawa si Dad. "May mga nagkakagusto na din sakanyang mga girls paano nalang kaya kapag pumasok na siya sa school."

"Kahit saan naman pumunta itong bunso niyo habulin pa din ng babae!" Tuwang tuwa sabi ni Tita Salem.

Tumawa ulit silang lahat kaya napatawa na din ako. Habang si Yusei 'ay busangot na ang muka.

"Wag muna maging chic boy, Francisco, ha. Mag focus sa pag aaral. Ikaw din, Ashrelle." Payo ni Tito Richard kaya tumango ako.

"Opo, Tito."

Ganoon ang nangyare sa buong maghapon. Puno ng kwentuhan at tawanan habang ang mga pinsan ko 'ay patuloy pa din sa paguusap.

"Wala ba tayong naiwan?" Tanong ni Mommy ng maayos ko na ang mga gamit ko. Tumango ako bago bumaling kay Yusei na nakaupo malapit sa aking kama at matiim na nakatitig saaking kamay. Alam ko'ng kanina pa siya patingin tingin sa singsing na binili niya doon sa mga tindahan ng souvenirs. Ngayon ko lamang napagtanto na mayroon din siya kaya parehas kami.

"Ikaw, Yusei, anak. Ayusin mo na yang mga nakakalat mo'ng gamit. Tulungan mo din ang Ate mo."

Nagbuntong hininga ito bago tumayo. Tinulungan ko na siyang mag ayos kaya napatitig siya sakin hanggang sa matapos. Pumasok si Dad sa kwarto. Nagulat ako ng seryoso niyang tinignan si Mom bago ko ito nakitang tumango na parang may pinag uusapan silang dalawa.

Yusei (Coralde Series #1)Where stories live. Discover now