Chapter Twelve

5.3K 205 29
                                    

"That's mine!"

Kaagad ako'ng napadilat ng marinig ang boses ni Knight. Halos papikit pikit na ako dahil sa inaantok na din. Nang makarating kami sa bahay, sa labas pa lang ng subdivision 'ay doon namin nalamang nag hihintay sila sila Aries, Yvo, Tita Salem at Tito Richard. Ang mga iba ko'ng pinsan 'ay baka bukas na sila pumunta.

Madaming pasalubong saamin si Tita Grace, halos hindi ko na din masabayan lahat ng pinag aagawan nila. Si Yusei naman, mapupungay na ang mata habang pilit na sinusuot ang t-shirt na binigay ni tita. Syaka lamang ako napaayos ng upo ng tinawag ako ni Mommy.

"Ashrelle, anak. Tignan mo kung kasya ito sayo," Sabi niya habang binibigay saakin ang isang off shoulder na kulay puti.

Umiling ako bago humalik sakanyang pisnge. "Susukatin ko nalang po bukas. I'm really-"

Naputol lang iyon ng mag salita si Yvo.

"I'm tired." He said while yawning.

"Dito nalang ako matutulog, tita." Si Knight na kaagad na humiga sa sofa namin. Linagay ko na lahat sa paper bag ang mga pasalubong at sabihin sana na matutulog ng bigla akong tawagin ni Tita Grace.

"Darling, come here." Masayang sabi niya. Sila Tita Salem at Tito Richard naman 'ay mukhang masayang nag uusap sa sala. I don't know what to do when I see that packages we're full of chocolates and stuff that tita's wanted to gave us.

"B-bakit po?"

Nagulat ako ng bigla niyang kinuha ang aking pulsuan. Doon ko lamang napagtantong may isinuot siya saaking gold bangles.

"I know you love that kind of stuff, kaya binili kita niyan nung nasa california pa ako." Masayang sabi niya saakin.

Napaawang ang aking bibig habang nakatulalang napatingin sa bangles na binigay niya bago siya kaagad na yinakap.

"Thank you, tita!" Masayang sabi ko. Halos nawala na ata ang antok ko sa saya. Noon pa man, gusto ko na mag pabili ng ganito kaya nakakapagtaka na alam ni Tita 'iyon.

Naramdaman kong kinalabit ako ng mahina ni Yusei kaya napabaling ako sakanya. Tinignan niya ba ang bangles na bigay ni Tita.

"Ashrelle... we should go to sleep." Mahinang sabi niya saakin bago kinukusot ang sariling mata nito at bumaling kay Tita Grace. "...and thank you tita."

"You're welcome..." Natigilan siya at tinignan kaming dalawa. "Sandali, magkatabi kayong matulog?"

Nakagat ko ang sariling pangibabang labi bago unti unting tumango. Biglang kumalabog ang puso ko na parang naramdaman ko siyang natigilan.

"Alright. Ayusin niyo na ang mga kinalat niyo at matutulog na tayo. It's already 11PM. Mamaya niyan hindi kayo magising ng maaga." Narinig kong sabi ni Daddy.

Tumayo si Tita Salem. "Mukhang mauuna na kami. We can't stay here because tommorow, we're going to cavite."

Tamad na bumangon si Knight. "But mom, gusto ko matulog dito-"

"Knight." Pagbabanta ni Tito Richard kaya walang ginawa si Knight kundi tumayo at kaltukan si Yvo na malapit ng humilik sa sofa.

"Get up! Ihahatid ka pa namin sa bahay niyo."

"Tsss..." Ngiwi ni Yvo.

Narinig ko'ng nagbuntong hininga si Tita Grace kaya napabaling kami ni Yusei sakanya na tahimik lang sa gilid.

"Hindi kayo mag tatabi mamaya." Seryosong sabi niya saamin.

"But-"

Umiling siyang tumingin kay Yusei.

Yusei (Coralde Series #1)Where stories live. Discover now