Chapter Three

4.5K 218 10
                                    

"Happy birthday, Ashreylin Veníse Coralde!" They shouted my name as I finished blowing out my candles. Dumating na ang kaarawan ko kung saan ang pag punta namin sa Tagaytay kasama lahat ng mga iba kong pinsan pati na din ang mga kaibigan nilang si Kyle at Xander. Habang sila Mommy at Daddy naman ay hinahanda na ang mga pagkain sa cottage. I blushed when they all greeted me. I'm not expecting anything, I only want a simple birthday party with my family and I'm content with that but Mom insisted to invite all of my cousins even my tita and tito to be here and I am thankful for everything.

"Dad, mag papalit lang po ako ng damit," Pagpaalam ko. Wala kasi akong balak na maligo sa dagat ngayong pinagkakaabalahan ng mga pinsan ko ang pagliligo.

Pumasok na ako sa hotel mag isa. May mga nakakasalubong pa akong ibang tao dahil sa second-floor pa ang kwarto namin. Nang makarating, binuksan ko na ang aking bag bago nag palit ng short at garterized na crop top. Ito nalang ang panliligo ko kung sakaling kasama ko maligo si Yusei. Masisira lang ang araw ko kapag kasama ko sila Knight, Aries at Kyle dahil sila ang pinaka makulit saamin. Mag kakahiwalay ang kama naming apat dito. Si Mommy, Daddy, ako at si Yusei. Sila Tito Richard at Tita Salem naman, pati ang mga ibang pinsan ko 'ay sa kabilang kwarto. I packed all my things and the good thing was that I brought my sunscreen. I need these because I'm always sunburned. Pareho kaming maputi ni Yusei pero yun nga lang, mas maputi talaga siya at kahit simpleng pag kapit lang sa braso niya, magbabakat ang pamumula doon.

I giggled.

Lumabas na ako bago tuluyang bumaba.

"You're now sixteen, Ashrelle! Happy birthday." Keira, one of my closest cousins said. Siya lang ang nag bubukod tangi kong pinsan na babaeng sumama sa birthday ko. The rest, puro mga lalaki ko ng pinsan. Si Zia, ang isa ko pang ka-close na pinsan noon 'ay nasa ibang bansa kaya binati niya nalang ako sa skype noong nakaraang gabi.

"Boys, h'wag masyadong maingay. Mamaya na kayo maligo pagkatapos kumain." Si Tita Salem bago bumaling sa gawi ko at ngumiti saakin. "Ashrelle, nandoon sa van ang regalo namin sayo. You should open it after this..."

Tumango ako. "Salamat po, tita."

"Don't worry my ugly cousin! H'wag mo din kalimutang buksan ang gift ko, ah?" Sabi ni Aries kaya inirapan ko siya.

"Wait what about me? Pinag hirapan kong bilhan si Ashrelle ng isang box ng underwear para naman sa susunod, kapag nawala may extra ka!" Proud na sabi ni Knight na ikinatawa nila.

Umingos ako dahil sa kahihiyan. "Shut up, Knight! Mind your manners and don't you dare. Baka naaalala mong ikaw mismo ang nag bigay sa aso namin kaya yun nagka butas butas!" Naiinis na sabi ko.

"Whoa, bruh. Easy! I'm just kidding!" He said while laughing so hard.

Biglang pinisil ni Kyle ang aking pisnge. "You're so cute. Kumain ka na. Kaya hindi ka tumataba e."

Umiling nalang ako at pumula ang pisnge. Napansin kong tahimik si Keira na kumakain pero naramdaman ko ang patingin tingin ni Knight sakanya. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o hindi pero noon ko pa talaga napapansin itong dalawa na hindi ko man lang nakikitang nag usap o mag pansinan na parang hindi sila mag pinsan. Baka hindi talaga sila close at alam kong normal lang yun sa mag pipinsan. I shrugged my shoulders trying to brush it away. Natanaw ko sila Yvo, Xander at ang kapatid ko na nag lalakad papunta saamin kaya tumayo ako sandali para salubungin sila.

"Yu, saan kayo galing?" Tanong ko.

Binati ako ng dalawa bago dumeretso sa cottage kung saan patuloy sa pag uusapan ang mga pinsan ko. Pansin ko na tirik na tirik ang araw dito sa beach at ang alon ng dagat 'ay rinig na rinig ko. Ang pag kakaalam ko, we will spend the three nights here in Tagaytay. Desisyon iyon ni Daddy para naman makapag bonding kami ng mga pinsan ko.

Yusei (Coralde Series #1)Where stories live. Discover now