[4]

53 1 0
                                    

LIAN

Walang nagawa ang dalawa at hinatid nga ako sa Mall. Si Mae ay abala sa pagtext kay Kuya para sabihing malelate ako ng uwi mamaya. Si Neil naman ay nakabusangot habang nagdadrive.

Pero ako?

Ay nako tinanong niyo pa. Eto nakangiti parin at walang pakealam sa mundo. My Darren obsession thingy is controlling my body again...ugh! And I didn't even bothered to stop it...because I sometimes enjoyed it. Hahaha.

Narating narin namin ang Mall kahit sobrang traffic at ako ang unang bumaba. Leche! Naririnig ko na yung boses niya kahit nasa labas lang kami ng Mall.

"Iiiih!!! Mae, Neil, bilisan niyo namang bumaba diyan please!"

"Ugh! Eto na eto na!" inis na sabi ni Mae. Si Neil naman ay kunot noong bumaba sa kotse niya.

At dahil matagal talaga sila ay nauna na akong pumasok sa Mall. Ugh! I'm dying to see my soon to be boyfie.

Patakbo akong naglibot libot sa loob ng Mall, hinahanap ang stage at may crowds na nakapalibot. At hindi naman ako nabigo sa paghahanap dahil nasa gilid lang pala ng entrance ang stage.

And there I saw Darren...with Inigo Perez, his best buddy.

Wala na akong sinayang na oras at nakipagsiksikan sa mga tao at tumili na parang wala ng bukas.

"UWAAAAA! DARREN MY LOVES!" I shouted at the top of my lungs. Hindi naman nagpapatalo ang iba dahil todo tili naman sila.

Napasimangot nalang ako. Mas umapaw pa ang boses nila sa boses ko. Paano na ako mapapansin ni Darren niyan? Tsk! Sana pala ay bumili muna ako ng megaphone dito sa Mall.

"DARREEEEEN!!!"

"INIGOOOOOO!!"

"DARREN! DARREN! DARREN!"

"INIGO! INIGO! INIGO!"

Abaa! Magpapatalo ba ako sa kanila?!

"DARREEEEENNNN WOOOHHH! HUSBY KO YAN!" sigaw ko at yung iba namang mga fans na malapit lang sakin ay napalingon sa gawi ko. And I was like 'what-are-you-lookin'-at' expression.

Inirapan lang nila ako at itinuloy ang pagsigaw ng pangalan nila. Abaa! Bawal mangarap te? Ha? Bawal?! Leche! Kung makareact din ang mga tu parang boypren nila yang nasa harapan nila.

Lol...at kung makasalita naman ang lola niyo parang hindi rin ganun. Hahaha.

Ngayon ko lang nalaman na may bago palang open na store dito sa loob ng mall at may konting program, tsaka sila nina Darren at Inigo ang mukhang kinuha ng owner para makuha ang atensyon ng mga customers. Wow ... ang mahal naman ng bayad nila sa dalawang international artists na'to. Or maybe kamag-anak nila ang nag-open ng business. Mm...

Hinahanap ko sina Mae at Neil at nakita ko naman sila malapit lang sa entrance. Si Mae nakatutok nina Darren at Inigo, at si Neil naman ay nakabusangot parin ang mukha. Ano bang meron sa lalaking ito na halos araw-araw nalang ay nakabusangot ito?

"GOOD EVENING EVERYBODY!" nabaling sa stage ang atensyon ko dahil sa sigaw ni Inigo sa mga fans. Gabi na pala? Patay talaga ako kay Kuya at Dad nito pag late akong nakauwi. Malapit na kasing mag-8, langya naman kasi yung traffic kanina kaya natagalan kami. Plus si Neil na ang bagal magmaneho kaya naconsume ang time ko. Tapos tatapusin ko pa ang mini concert nilang ito kaya mukhang late talaga akong makauwi nito.

Well...its natural for us college students na umuwi ng gabi eh kasi sometimes aabot sa gabi ang classes namin. But the fact na alam ni Kuya ang schedule ko for the whole sem ay mukhang malabong hindi ako pagalitan nito. Dinamay ko pa ang dalawa na malelate sa pag-uwi. Huhuhu...ang sama ko bang kaibigan?

Finally Yours [HIATUS]Onde histórias criam vida. Descubra agora