[9]

69 1 0
                                    


LIAN

"Walang wala talaga ako sa mood. I'm soooo lazy todaaaayy...." Reklamo nitong katabi ko. Si Mae. Ayan kasi, ibinigay lahat ng energy sa pagcoconcert niya sa bahay ni Neil kahapon kaya pagod!

I wonder kung pagod din si Bangky ngayon?

Oh, speaking of the devil.

"Hello everyone." Aniya at umupo sa tabi ni Neil na kaharap ko. Hm...mukhang okay naman siya? Siguro malakas ang katawan niya dahil varsity naman kasi siya.

"Oh? Napano si Mae?"

"Sinagasaan ng dump truck." Tawa ni Neil.

"Pagod ang Lola niyo. Napagod sa concert niya kahapon." Tawa ko narin.

"WAHAHAHA!" Halakhak ni Bangky at hinampas hampas pa ang mesa. "Ayan kasiii! Karma mo yan, karma! Ayaw makishare ng mic!"

I saw Mae glared at Bangky. Tapos inirapan nalang niya ito at isinubsob ang ulo sa mesa.

"Pfftt...kumain na kayo?" Tanong ni Bangky at inilagay ang bag nito sa mesa.

"Hindi pa, hinintay ka na namin." Sagot ko na. Ngumisi naman si Bangky.

"Wow...I feel loved. Nakakatouch." May paiyak iyak nitong sabi dahilan na napatawa kami, except kay Mae na mukhang nakaidlip na.

"Ako na oorder. Ano palang gusto niyo mga ma'am at sir?"

Tumawa muna kami bago sabihin sa kanya ang order namin. As for Mae, kami na ang nag-order ng pagkain niya. Same lang naman ang mga orders niya eh.

Nang umalis na si Bangky ay tumahimik agad ang atmosphere namin. Nakaidlip naman kasi si Mae kaya walang maingay ngayon.

Wala naman akong topic na sasabihin kay Neil...oh wait, meron pala.

Tumikhim ako para kunin ang atensyon ni Neil which is, gumana naman.

"N-nakauwi na ba sina Tita?" Tanong ko sa kanya. He just gave me a soft smile. "Oo, mga 6am sila nakauwi." Sabi nito.

"A-ano namang sabi nila tungkol sa...tungkol sa mga pasa mo?" Hiyang ngiti kong sabi. He then chuckled. "Hindi pa nila nakita."

Nakahinga naman ako ng maluwag dun pero, KAHIT NA!! Nasa iisang bahay naman kasi sila kaya malabong hindi nila makikita iyon.

"Nang makauwi na kasi sila ay diretso kwarto agad sila para matulog ulit. Pagod na pagod sila kaya hindi ko muna sila kinakausap para naman makapagpahinga sila."

"A-ah..."

"Takot kang malaman nila ang mga pasa ko?" He grinned. Napairap tuloy ako sa kanya at tsaka napabuntong hininga.

"Ikaw naman kasi eh. Kasalanan mo kung bakit ka nagkaganyan!" Inis kong turan sa kanya na ikinatawa lang niya.

"I know. Kaya nga hindi ako lumaban sayo nung karatehin mo ako eh." Iling iling niyang sabi at napa 'tch' nalang ako.

"Anyway, hindi ba nagtaka ang mga classmates mo o profs mo kung bakit ka may mga pasa?"

"Of course nagtaka sila. Maging sina Manang Cortiz nga ay nagtaka eh." By the way, si Manang Cortiz ay isa sa mga maids nila. Parang head ng mga maids narin siya.

Napasinghap agad ako. "A-anong sabi ni Manang Cortiz? Nagalit ba siya?" Kinakabahan kong tanong.

Alagang alaga ni Manang Cortiz iyang si Neil, na kapag nalaman niyang may masamang nangyare sa pinakamamahal niyang alaga ay daig pa si hulk. Magagalit talaga siya, kahit kaibigan ka pa ni Neil.

Finally Yours [HIATUS]Where stories live. Discover now