[11]

54 1 0
                                    

LIAN

"Tristan wants his son to be the next CEO of his business. Well, si Inigo naman ang panganay kaya siya ang susunod na magmana ng business nila. But then, he wants to be an artist. To which Tristan does not approve."

Nakatingin lang ako kay Dad habang nginuya ang pagkain ko.

"But because the lad is persistent, he then finally let him..." Dugtong ni Dad at sinimsim ang kape niya.

"...and let his second child, Irene be the heiress. Pero, ayaw nito magmana. Said she wants to enter a job that's related to showbiz. And there she is, being her brother's manager."

Nakatanga narin ako pagkatapos. Wow...what a fam. Saan ba nagmana ang dalawang yun at naisipan pang umenter sa mga showbiz showbiz nayan? I mean, sina Mr. and Mrs. Perez ay mga business minded tapos yung dalawa mas gustuhin pang umenter sa showbiz.

"Kung ganon Dad, sino na po ang magmana sa business nina Mr. Perez?" Di ko mapigilang magtanong.

Umakto naman si Dad na nag-iisip. "Well, I don't know. I guess they still haven't sort that thing out. Masyado pa silang busy ngayon sa bagong branch na ioopen nila today. And your Kuya and I will be there, for moral support."

Ngumuso ako. Gusto kong sumama.

But sadly, my class starts at 10:30am, tapos yung opening ay exactly 10am sharp. Huhuhu.

Nagpatuloy nalang kami sa pagkain hanggang matapos at hinatid narin ako ni Kuya sa University since hindi ako masusundo ni Neil ngayon dahil maaga siyang pumunta sa University.

DARREN

"I felt sooo bad."  I stared blankly at Inigo in my laptop screen. We're doing Skype today. Kakarating lang niya sa Italy at hanggang ngayon nagluluksa parin siya sa pagdecline niya sa mom niya.

"I'm such a bad son." Iyak niya. Yes, he cried. Kung hindi niyo naitatanong isang crybaby itong si Inigo pagdating sa mga magulang niya.

I sighed heavily. Ilang beses ko na bang narinig ang mga ito sa kanya? More like thirty plus times. He always say he felt so bad and that he's a bad son.

Bahala siya diyan. Saka na ako magsasalita kapag natapos na siya sa pagluluksa kuno niya.

I still remained quiet and stared at him blankly. Until he stopped mumbling and crying.

"You done?" I asked. He just scoffed at me.

"Wala ka man lang words of comfort diyan!" Inis niyang turan. "Bestfriend pa naman kita."

I laughed. "Dude, you know I am not the kind of guy who's affectionate. You know me."

"Oo na! Tch. Alam ko namang manhid ka!" I just chuckled.

"So? Ito lang ba ang dahilan ng pagtawag mo sakin? Ang magluksa ka lang sa harapan ko?"

"Anong magluksa?! Gago, namatayan lang? Tch." Inis niyang sabi. "I called because I wanna ask you a favor."

Kumunot ang noo ko. "Psh. You wanna ask a favor pero nang sagutin ko tawag mo umiiyak ka naman!" I then sighed after. "What?"

He pouted which disgusted me. "Sana pala kagabi ko pa tu sinabi sayo. I was about to ask you a favor to attend the opening event for me. But I guess tapos na ang opening...or maybe not, siguro may party doon. Can you go see mom and dad and congratulate them for me? And uhm...pakisabi nalang din na sorry at nang mahal na mahal ko sila. I haven't had the chance to say that to them last night kasi alam mo naman ang nangyare kagabi."

Mahabang salita niya. At habang sinasabi niya ito ay unti unti nanamang namula ang mga mata niya at may namumuo nanamang tubig doon.

Agad akong napahalakhak. Awww shit! Inigo you crybaby!

Finally Yours [HIATUS]Where stories live. Discover now