[7]

57 1 0
                                    

LIAN


"Bye Kuya!"

"Bye!"

Patakbo akong lumabas ng bahay dala ang mga gamit ko. Naghihintay na kasi si Neil sa labas.

Paglabas ko ng gate ay kita ko na siyang nakasandal sa kotse niya habang naghintay sakin.

"Wala si Mae?" tanong ko nang makalapit na ako sa kanya. Kita ko kasing walang ibang tao sa loob ng kotse niya.

"May sarili yung driver. Tsaka matanda naman na yon, kaya na niyang pumunta sa school." tawang sabi niya kaya napatawa nalang ako. "Ang harsh mo sa pinsan mo."

"Mm? Harsh nga rin siya sakin eh."

"Hindi ba siya magagalit? Diba usually kayo naman talaga ang magkasama papuntang school."

"Hindi yon." ngiting napailing nalang ako matapos niya iyong sabihin.

Sumakay na ako sa front seat at sumakay narin siya sa drivers seat. Not to waste time, agad na nagmaneho si Neil patungong school namin.

"So? Kumusta ang family outing niyo?" pag-umpisa ko ng topic.

"Its great. Though hindi ko masyadong na-enjoy kasi wala ka dun."

I scoffed. "Wow Neil Monte! Kailangan pa talaga ako dun? Family outing nga diba? Bobong to!"

He chuckled. "Mas gusto ko ngang kasama ka eh. Kesa dun sa pinsan kong walang alam kundi ang mag-ingay."

"Tsh! Oh tapos? Anong mga ginagawa niyo sa outing niyo?"

"We went hiking, then snorkeling, then we played volleyball. Gusto ko ngang mag sky diving eh kaso si Mae naman sigaw ng sigaw na ayaw niya nun."

"Eh hindi ba nakakatakot ang mag sky diving?"

"Psh! Ano bang nakakatakot dun?"

I rolled my eyes. "Hambog!" Sinuklian niya lang ako ng tawa.

"Tapos? Ano pang ginagawa niyo?" dagdag ko pa.

"Uhm...siyempre hindi mawawala ang pulutan at maligo ng beach."

Napa 'oh' nalang ako. Shocks! Ang saya siguro kung nakasama pa ako sa outing nila. Kung yayain ko namang mag-outing sina Kuya at Dad ay alam kong hindi makakasama si Dad. Ewan ko lang kay Kuya, baka maglalandi lang yon. Hehehe. Ang bad ko.

"Eh ikaw? Anong madalas gawin mo dun? Yung ikaw lang mag-isa?"

"Mm...nagtext at nagtawag sayo. Yun lang naman ang madalas kong ginawa dun maliban sa mag-drawing eh." napa 'ah' naman ako. Ah? Nasabi ko na ba sa inyong ang galing niyang gumuhit, at hilig niya ang magguhit?

Dzuh! Lian, sinabi mo nang Architect ang kinuha niya diba? Malamang mahilig at magaling si Neil sa drawing.

Ang bobo ko rin minsan. Hehehe.

"Ikaw? Kumusta ka nung wala kami?" tanong niya.

"Wala naman. Isang araw ko lang nakasama si Bangky, yung katawag kita non lang kami nagkasama. Kasi busy siya sa pagiging varsity niya for the rest of the day." tumawa naman ito. "Nakahiligan mo na talaga ang pagtawag sa kanyang Bangky ah?"

"Oh shut up."

"Hahaha."

Nakarating narin kami sa school at nagparking naman si Neil. Sabay kaming pumasok sa building at nagsimulang maglakad sa hallway, nang biglang may sumingit sa gitna namin ni Neil.

"Wow! Hinintay ko pa ang pinsan ko sa'min dahil kukunin niya ako at nang sabay na kaming papasok sa school. At dahil ang tagal ng gwapong pinsan ko ay nagpahatid nalang ako sa driver namin. Limang minuto akong naghintay dito sa hallway tapos...tapos...ETO ANG MAKIKITA KO?!!!" nagulat naman ako nang tumaas bigla yung boses ni Mae. Maging si Neil ay nagulat at napahawak sa kanang tenga niya.

Finally Yours [HIATUS]Where stories live. Discover now