[10]

73 2 0
                                    

LIAN

"Wow." Ang naiusal ko nalang nang makita ang nagraramihang tao sa loob.

"Maybe this explains why there are many people in the party. Since Mr. Perez is the father of an international artist, Inigo." Sabi ni Kuya na inilibot rin ang paningin sa buong room.

Napailing nalang ako. "So? Saan kayo ni Dad nakaupo?"

"Ah." Sabi nalang nito saka ako hinatak sa table na nasa unahan. Mukhang ang table nila ay malapit lapit lang sa stage.

"Char ah? Nasa special table ba kayo nakaupo?" Tawa ko nang makitang papunta kami sa malaking round table at naiiba ito sa ibang table dahil maganda ang pagkakaskirting nito kesa sa ibang tables.

Kuya chuckled. "I told you, Mr. Perez is Dad's business friend. Kaya malamang magkakasama sila sa iisang mesa."

Napasinghap ako. So uupo ako sa mesa kung saan dun din nakaupo ang papa ni Inigo?! Homaygash. Teka lang, ang dami kong ganap ngayon hindi ko madigest lahat!

Namalayan ko nalang na pinaupo ako ni Kuya sa isang vacant seat malapit lang din sa kanya.

Napalunok ako. Nakakahiya naman tu.

Nakapormal lahat tapos ako nakauniform! Parang ako ata itong naliligaw dito.

"Who's this beautiful lady? Your girlfriend, Liam?" Napako ang tingin ko sa isang lalaking medyo kaedad ni Dad. Matanda pero gwapo rin hahaha.

Pero teka! Ano yung sinabi niya? Ako, girlfriend ni Kuya Liam?

"Ah hahaha! No sir. This is my sister, Lian." Mabilis na explain ni Kuya. Pilit naman akong ngumiti at tumango tango na sumang-ayon sa sinabi ni Kuya.

"Oh. Sorry, my bad." Tawa nito. "Ngayon ko lang din napansin na magkamukha pala kayo." Dagdag niya.

Hindi ko siya kilala pero may kutob akong ito ang papa ni Inigo. Kasi medyo magkahawig din sila ni Inigo eh.

Ramdam kong siniko ako ni Kuya. Nilingon ko naman siya. "What?" Bulong ko.

"Greet him. That's Mr. Perez." Bulong niya pabalik at para naman akong napaso sa kinauupuan ko. Mabilis akong tumayo at napabow sa kanya.

"Oh my gosh, sorry po. Hindi ko po alam na kayo po pala si Mr. Perez. Happy birthday po pala." Mabilis kong sabi at nakangiwing tinignan si Mr. Perez.

Gulat itong nakatingin sakin. Siguro nagulat sa biglaan kong pagtayo at pagyuko.

Napakagat labi nalang tuloy ako. Nakakahiya naman yung ginawa ko.

Napatingin ako kay Kuya at kita kong napaface palm ito sabay iling iling. Sorry na okay! Nakakahiya naman kasi, pumasok pasok pa ako sa party na to hindi ko naman alam ang mukha ng birthday celebrant. Tapos nandito naman pala sa harapan ko si Mr. Perez.

Seconds pass and Mr. Perez let out a smile. "Thank you. Umupo ka iha." Sabi niya at saka naman ako umupo.

Nahihiya nalang tuloy ako.

"Lian?" Napalingon ako sa kaliwa kung saan nandoon galing ang boses. Lumiwanag agad ang mukha ko. "Dad."

Agad umupo si Dad sa kaliwa ko kung saan may vacant seat doon. Ngayon ko lang napansin na wala pala si Dad sa table kanina.

"Paano ka nakapunta dito?" Nagtatakha nitong tanong.

"I saw her outside the dressing room. Ugh...long story Dad. We'll just talk about it later." Si Kuya na ang nagsabi.

Tumango tango nalang si Dad. "Oh...okay."

"I didn't know that you have a daughter, Sam." Singit ni Mr. Perez. Tumawa naman si Dad. "Sinabi ko na sayo noon. Hindi ka lang nakinig."

Finally Yours [HIATUS]Where stories live. Discover now