[5]

74 1 0
                                    


INIGO

Sumasakit na ang ulo ko kay Darren. Eh lakad kasi ng lakad sa loob ng room niya at may hinahanap. Tatanungin ko naman kung ano ang hinahanap niya hindi naman sasagot.

Seriously, para lang akong wala dito.

"Tapos ka na?"

He just answered with a groan. Kaya napaupo ako sa pagkakahiga at kunot noong tinignan ito.

"Ano ba kasing hinahanap mo diyan at baka makatulong ako?!" hindi ko na mapigilang magtanong ulit.

He just glared at me at nakapamewang habang nag inhale exhale. Nagiging weird nadin tung taong to.

"Tutulungan nga kasi kita. Tch! Bahala ka diyan." humiga nalang uli ako at pinikit ang aking mga mata. Siguro mas mabuti pang matulog kesa problemahin din ang problema niyang hindi ko rin naman problema!

"I-I lost my Mom's bracelet." mangiyak-ngiyak na sabi nito kaya agad lumaki ang mga mata ko at bumangon ulit sa pagkakahiga.

"You---WHAT?!"

"I lost my Mom's bracelet!"

"Loko alam ko."

"Eh bakit ka nagtanong uli?!"

"It was just an expression!"

"Expression my ass." sungit ng gago!

That bracelet is very important to him. Its one of his memories towards his Mom. Ang Dad naman niya ay hindi siya maasikaso dahil isa itong business tycoon at kasalukuyang nandun sa Canada handling his business.

Of course I understand how he feels. Apparently one of his weakness is his Mom--- everything about his Mom. At hindi malabong magmumukmok iyan sa kwarto niya. Mawawalan iyan ng gana at baka hindi yan haharap sa media!

"Eh saan mo ba iyon nilagay?"

"I don't know!"

"Baka naiwan mo sa isang lugar?"

"I-I don't know!"

"Baka naman nanakawan ka at hindi mo namalayan?"

"Shit! I don't know!"

"Pucha pare puro ka nalang 'I don't know'. Eh malamang hindi ko rin alam kung saan nagpunta ang bracelet ng Mom mo."

Umupo ito sa kama, katabi ko at hinilamos ang mukha nito gamit ang kanyang mga palad. He's totally frustrated.

"Naalala mo pa ba kung kailan mo huling nasuot ang bracelet?" he groaned.

"Wait, let me think about it." sabi nito habang kinumot ang buhok niya at napayuko.

Jusko, mukhang ako pa ang magkakaproblema sa problema niyang hindi ko naman problema kasi problema naman kasi niya ito! Leche, paulit ulit lang?

"I think...nung araw na may mini concert tayo sa Mall. Nararamdaman ko pang suot ko iyon. Until days passed binalewala ko lang ang pakiramdam na parang wala ng kumakapit na bracelet sa wrist ko at...ngayon ko lang napansin."

"Oh? Eh sinong may kasalanan?" agad naman akong nakatanggap ng isang batok. Pucha!

"You're not helping Inigo!"

"I am helping! I just want you to realize who's fault it is afterall. So pano na yan? Maghahanap tayo nang nawawalang bracelet mo sa Mall?!"

Ang daming tao sa Mall. At tsaka, hindi rin naman kami papayagan ng Manager namin na umalis ng walang pahintulot nila. We're actually here in one of the rooms in our entertainment at hindi kami makakalabas ng basta basta.

Finally Yours [HIATUS]Where stories live. Discover now