[13]

43 1 0
                                    


INIGO

Huminga ako ng napakalalim. Nasa screen ko na ngayon ang number ng Kuya ni Lian, at isang press lang ng call ay matatawagan ko na siya.

Kagat labi akong napatitig sa phone ko. I don't know kung alam na ba niya na kalat na sa social media ang kapatid niya.

Huminga nalang ako ng malalim. Kaya ko to!

"Mukha kang timang!" Wika ng kapatid kong si Irene. By the way, gabi na at kakalapag lang ng eroplano namin dito sa Pinas at ngayon ay nasa kotse na kami. Own service ng aming company.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Ikaw kaya kumausap ng future CEO?!" Inis kong turan sa kanya.

She just gave me a duh expression. "I'm a manager, and when we have meetings of course nakakausap ko rin ang CEO."

Inismiran ko nalang siya at hindi na siya pinansin. Gagi, ako ang matanda sa aming dalawa ako pa ang under. Hoo!

"Sino ba yang tatawagin mo?"

"Yung Kuya ni Lian."

At since kilala naman niya si Lian, at ang issue right now... "Yung Liam ang pangalan?"

Tumango tango ako. Nginiwian niya ako pagkatapos.

"Ooh. I don't know about him. Napakaseryoso niya. Good luck nalang sayo." Aniya at busy na siya sa phone niya after.

Napalunok nalang ako at napahinga nanaman ng malalim.

Okay...

3... 2... 1... Call.

Umayos pa ako ng upo nang...

"Sorry, you do not have enough load to make this call. Magload na para--" I ended the call immediately.

"Gago. Wala na pala akong load."

Napalingon ako kay Irene. "Irene. Peram phone mo."

Masama naman niya akong tinignan. "Bakit sakin. May phone ka naman!"

"Wala na pala akong load eh."

She just rolled her eyes and then gave to me her phone. Mabuti nga at hindi na siya umangal pa. Anlaki pa naman ng bibig nito.

"Bilisan mo! Gabing gabi na, baka natulog nayon."

"Oo na."

I quickly typed Kuya Liam's number at hindi na nagdadalawang isip na icall ito.

Ayan calling na!

Naghintay pa ako ng ilang segundo at..

Hala sinagot na niya!!!

Maghe-hello na sana ako nang siya ang naunang magsalita.

"So you did copied my number huh?"

Huh? Nung pinagsasabi niya?

"I knew it." He said and then chuckled after. Mukhang kakagising lang niya.

Nagsisleep talk ba siya? Hala gagi!

"Why are you quiet?"

"Uhm... Kuya Liam?"

Kru...kru...kru...kru....

Hala nawala siya!

"Hello? Hello Kuya? Kuya Liam si Inigo to."

A moment of silence... And then...

"FUCK!" mura niya na inaasahan ko na.

"Bakit ka ba tumawag ng ganitong oras?" Wahaha! Nagtatagalog si Kuya.

Finally Yours [HIATUS]Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum