[8]

56 2 0
                                    

LIAN


Padabog akong umupo sa bench.

"Oh? Nandito na ako. Akala ko ba hindi tayo magkikita sa public?" Nakasimangot kong sabi kay Inigo.

Yumuko lang ito at inayos ang cap niya. "Relax Miss Sheckered." Aniya at tumawa pagkatapos.

"Wala ka yata sa mood ngayon ah?"

Nainis naman ako sa sinabi niya. "Hindi ba halata?!" Inis kong turan sa kanya.

Itinaas naman niya ang dalawa nitong kamay. "Whoa, chill! Anong meron at mainit ang ulo mo ngayon?"

Tumahimik lang ako pero ang mga mata ko ay masamang nakatingin sa malayo.

Neil Monte you idiot!

It's been a week now. Talagang iniiwasan niya ako ah? Matapos nung tinext ako ni Inigo ay nagalit nalang siya bigla!

And after that, he left kasi may pupuntahan pa daw siya. And his face! So emotionless!

Like what the hell is happening to him?!

He never texted me, ni chat! Wala! Walang tawag tawag kahit kamustahin man lang ako.

At ang mas nakakainis pa! Hindi niya ako sinundo!

Arrrghh! We really need to talk!

Ayokong magtuloy tuloy ito. Mayghad we've been friends for more than a year now, and he will act up like this?!

Parang wala lang kaming pinagsamahan ah? And even Mae doesn't know why is he acting like that.

"Miss Sheckered, calm down. Kulang nalang ay matutunaw na ang kotseng yun." Sabi nakin ni Inigo.

Narealize ko nalang na nakatitig pala ako ng masama sa kotseng hindi lang din malayo sa amin.

I then sighed.

"Okay, kakalma na."

"Buti naman. Wanna talk about it?"

Umiling ako. "Huwag na. Away magkaibigan lang namin 'to."

"Okay then."

I sighed again then faced him. "So? Ano nang plano mo? Paano naman natin mahahanap ang bracelet ni Darren my loves."

Kahit nakamask at cap si Inigo ay alam kong ngumiwi ito. "You like him that much do you?" Walang pag-alinlangang tumango ako.

"Okay uhm...first. Kailangan nating halughugin ang bag mo." Aniya at kinuha ang shoulder bag ko. Mabilis ko namang tinampal ang kamay niya sa bag ko.

"W-what the hell Inigo?!" Inis kong sabi sa kanya. "Don't you know that women's bag are sacred?!" Kumunot ang noo niya. "No, why?"

I sighed. "People can see lot of stuffs in here that they don't wanna see. Specifically men, and you are a man." Nakasimangot kong sabi sa kanya.

He then shrugged. "If there's a condom, I don't mind."

Napanganga ako at mabilis na hinampas ang bag ko sa kanya.

"Don't be a pervert!"

"Eh sabi mo lot of stuffs that we don't wanna see-"

"I meant girly stuffs! Lipsticks, powders, make-ups even sanitary napkin. You get it now? Kaya huwag mong basta bastang kunin ito."

"Oh. Okay I get it now."

I tsked. "And do you know what also makes this sacred?"

"What?"

Finally Yours [HIATUS]Where stories live. Discover now