PROLOGUE:

740 8 0
                                    

"Kuya Shanon I like you!"pagtatapat ko sa kanya.

Noon pa man gusto ko na sya. Si Samantha lagi kung kasama sa mansyon nila at dito rin ito nakatira  5yrs ang agwat namin pang apat ito sa magkakapatid si Samantha Shane kaedaran ko lang 16 yrs old. 6 silang magkakapatid at lahat sila biniyayaan ng ganda at kagwapohan. Kaya naman habang tumatagal nagkakagusto ako sa kanya.

Bigla itong tumawa sa pinagtapat

"Young lady your so funny."anito at hawak-hawak ang tyan. Na para bang sobrang nakakatawa ang pinagtapat ko. Naiiyak na ako sa sinabi nya.

"Hindi nga siguro kita gusto mahal na yata kita."dugtong ko na mas lalong nagpahalakhak sa tawa niya.

Seryuso ako sa pinagtapat ko sa kanya dahil gusto ko talaga siyang maging boyfriend baka kasi maagaw siya sakin 21 na siya impossible kasing hindi ito mag gigirlfriend.

"I know I am handsome young lady. But your to young para sabihin yan sakin.Mag-aral ka muna."sagot niya.

"I want you to be my boyfriend!"sabi ko at inaabot ang bracelet na gawa ko. Tinulungan ako ni Shane gumawa nun sabi ko sa kanya na gusto ko ang kuya nya at boto raw sya sakin.

"Sorry! young lady pero soon mawawala rin yang nararamdaman mo. Your just amazed at me."anito at seryuso na itong nakatingin sakin.

"So you reject me ah?"tanong ko sa kanya hindi ko na mapigilan ang luha sa mata ko.

"Yes! Young lady bawal pa kayong magboyfriend dalawa ni Shane pareho kayong kapatid para sakin."sagot nya.

Na mas lalong nagpakirot ng dibdib ko. Ano bang mali sakin? Ano bang kulang? Bakit hindi nya ako mapagbigyan.

"I hate you! Kuya Shanon you will regret this."sigaw ko at hinagis sa kanya ang bracelet.

Rinig ko ang pagtawa niya habang lumalabas ako ng bahay nila. Alam kung kahit bata pa ako mahal ko na sya. Pero hindi siya naniniwala sakin at akala nya biro lang ang lahat ng sinabi ko.

Bakit nga ba sayo ako nahulog? Hindi ako susuko kasi mahal kita kaya humanda ka dahil mamahalin mo rin ako Shanon Del Cara.

Tumakbo ako patawid sa bahay namin dahil sa pagreject nya sakin. Ayokong makita ako ni Shane na umiiyak kaya uuwi nalang ako. Hindi ko napansin ang mabilis na sasakyan at naramdaman ko nalang tumilapon ako. Narinig ko pa ang mga ingay ng tao sa paligid kasama ang boses ni Shanon.

Mamatay na ba ako? Paano ko pa papa-ibigin sya?

Pumatak ang munting luha sa aking mga mata bago tuluyang nagdilim ang paningin ko.

***
"Shanon Del Cara Series 4"

FAKE BOYFRIEND (Del Cara Series 4)Where stories live. Discover now