CHAPTER 4.3

177 2 0
                                    

Maaga akong nagising pero ang totoo hindi na talaga ako nakatulog na pagtapos ng panaginip na yun.

Kaya naman ako ang nagluto ng breakfast namin. Matapos kung magluto ay pupunta na sana ako sa kwarto para gisingin si Shannon ngunit may nagdoorbell sa labas ng pintuan namin. Kaya naman nagmadali akong pagbuksan yun.

"Goodmorning!!"bati ni Ate Rica kasama si Roshan.

"Goodmorning din pasok."sagot ko at binuksan ng maluwag ang pinto.

"Nagluto ako ng almusal!"aniya at nilahad ang paper bag na bitbit.

Tinanggap ko yun at inayos sa lamesa.

"Gigisingin ko lang ang asawa ko."sagot ko.

Dumiretsyo na ako sa kwarto namin ni Shannon at tinapik siya.

"Shan gising! May bisita tayo."bulong ko sa kanya.

"Hmmm.. 5minutes!!"bulong niya.

"Dali na Shan!"kulit ko sa kanya. Hinalikan ko ang labi nya para magising ng tuluyan.

Natawa ako ng kinabig niya ang batok ko at siniil ng halik.

"Hey!Tama na ang bago ng hininga mo."sambit ko.

"Hindi naman ah!"lumayo siya bahagya at inamoy ang hininga nya.

Napatawa lang ako sa ginawa nya dahil bumusangot ito habang bumabangon.

"Dali na may surprise ako sayo."sagot ko.

"Okay Tara na!"aniya at tumayo.

Tumaas ang isang kilay ko.

"Anong tara na? Huy my may bisita tayo tapos naka boxer ka lang."tanong ko.

Sumilay ang ngiti sa labi ni Shanon.

"Napakapossive naman ng missis ko."aniya at muling niyakap ako.

"I love you!"bulong ko.

"I love you to missis ko."sagot niya at hinalikan ang balikat ko.

Ngayon ko lang narinig ang katagang yan sa kanya. Kaya napangiti ako.

"Kinilig naman ang missis ko tara sabay tayong magshower!" hatak niya sakin.

Nagpatianod lang ako sa kanya. Naramdaman ko ang bawat damping niya sakin. Siya ang nagsasabon sa katawan ko.

Bigla kung na-alala na may bisita pala kami.

"Mister may bisita tayo sa labas baka naghihintay nayun."kagat labi kung sabi.

"Mabilis lang to Missis ko."bulong nya at pinasadahan ako ng halik sa labi.

Sabay kaming bumaba ni Shannon na bagong ligo. Nahihiya ako kay Ate Rose dahil natagalan kami.

"Rose?"nagtatanong na sambit ni Shannon.

"Hi!"maiksing sagot nito.

Mabilis na bumaba si Shanon at niyakap ito. Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib. Mali na magselos ako kay Ate Rose dahil mag bestfriend sila normal lang naman na manabik siya sa bestfriend niya diba?

"Kain na tayo."aya ko sa kanila.

Bumitaw sa pagkakayakap si Shannon kay Rose at humarap sa batang lalaki na naglalaro sa upuan.

"Sino sya?"tanong ni Shannon.

"Roshan anak ko."may lungkot sa tinig nito kita ang pagtatanong sa mata nito kay Rose.

Nginitian lang siya ni Rose na para bang sign language ito. Nagulat ako ng yumakap si Shannon sa bata.

"Hi! Little kiddo."aniya sa bata.

Kumawala si Roshan kay Shannon sa takot at masamang pinukulan ng tingin ito.

"Pasensya kana Shannon mailap kasi siya sa iba naninibago pa."nagtago sa likod ni Ate Rose si Roshan.

Tahimik lang kami sa pagkain si Shannon ang nagligpit ng pinagkainan.

"Mister sa kwarto lang ako."paalam ko sa kanya. Tumango lang siya sakin.

Nahiga ako at ipinikit ang mata ko.

FAKE BOYFRIEND (Del Cara Series 4)Where stories live. Discover now