CHAPTER 4.2

179 2 0
                                    

"France maging masaya ka sana."nakangiti sambit ng lalaki.

"I'm sorry Aphro alam kung pinaasa kita dahil pumayag akong maging girlfriend mo kahit na alam kung may mahal akong iba."sagot ng batang babae.

Ginulo-gulo ng lalaki ang buhok ng babae at ngumiti.

"Kasalanan ko yun kasi pinikot kita kahit na alam ko naman na mahal mo talaga sya. Basta pagbumalik ako dito at hindi parin kayong dalawa aagawin kita at sakin ka magpapakasal."aniya at lumapit ito sa babae.

Marahang halik ang iginawad ng lalaki sa kanya ngunit naging mapusok iyon. Habang naghahalikan ay inihiga ng lalaki sa kama ang babae habang di pinuputol ang halikan nila.

Napabangon agad ako at Pawis na pawis na bumangon. Tumulo ang luha sa mata ko. Pakiramdam ko ang dumi-dumi ko. Bakit hinayaan kung may mangyari samin ni Shanon kahit hindi ito ang pinag-alayan ko ang sarili ko. Alam kung mahal ko sya pero pakiramdam ko hindi ako rapat-rapat sa kanya.

Ang sakit-sakit sa dibdib na akala ko sa kanya ko inalay ang lahat mali pala ako.

Paano nga ba naging kami ni Shanon? Naging kami ba talaga? O pinagkasundo lang ako sa kanya.

Bakit nalilito na ang puso ko ng makita ko si Aphro. Kahit ayokong paniwalaan na may nangyari samin base sa halikan namin nung bata pa ako my nangyari samin.

Ang dumi-dumi ko.

"Bakit ka umiiyak?"nag-aalalang tanong ng nagising na si Shanon.

"Stop crying makakasama yan sa baby natin."aniya at niyakap ako.

"Bakit di mo sinabi sakin?"tanong ko sa kanya.

Gulat itong tumingin sakin.

"Naalala mo na?"tanong niya.

"Oo! Na hindi ikaw ang lalaking unang pinag-alayan ko."sagot ko sa kanya habang humahagulgol.

"I'm sorry Cha. Hindi na naman mahalaga ang nakaraan mo diba? Ang mahalaga ay ang ngayon at ang baby natin."sagot niya.

"Tumingin ka sakin Cha! Mahal mo ako diba? Walang mali kung hindi ako ang naka-una sayo ang mahalaga sakin ako ang huli mo. Aalagaan ko kayo ni France Shann."iginayak niya paharap ang katawan ko sa kanya at hinalikan ako.

"Pero naguguluhan na ako Shannon dahil nakita ko sya."napakagat labi ako ng makita ang gulat sa kanya.

"Nagkita kayo ng lalaking yun?"tanong niya.

Tumango ako bilang sagot. Hindi ko makita ang expression sa mukha ni Shannon ngayon. Kakaiba ito pero nawala rin agad.

"Ang mahalaga Cha ako na ngayon ang nagmamay-ari sayo. Hindi ako papayag na makuha ka nya sakin lalo na't my anak tayo."sagot niya.

"I'm sorry dahil hindi kita maalala at hindi ko ma-alala ang lahat kaya naguguluhan na ako sa nararamdaman ko."

Yumakap ako sa kanya.

"Cha alagaan mo lang ang anak natin sapat na yun."sagot niya at tinugon ang yakap ko.

Inihiga niya ako sa bisig niya. Humarap ako sa kanya at hinalikan siya. Gusto kung ma-alala ang lahat ng ala-ala nya.

Si Aphro muli ang nakita ko ng halikan siya kaya lumayo ako sa kanya.

Bakit ang gulo? Bakit nag-iba lahat ng nakita ko sya? Anong naging parte nya sa nakaraan ko?

Si Shannon nga ba ang tunay na mahal ko? O itinatak ko lang sa utak ko na siya ang minahal ko noon.

FAKE BOYFRIEND (Del Cara Series 4)Where stories live. Discover now