CHAPTER 5.1

182 1 0
                                    

"Aalis kana bukas?"tanong ko sa kanya.

Tumango ito.

"Mag-iingat ka dun."sagot ko sa kanya.

"Ikaw ang mag-iingat maging ang baby nyo."tugon niya.

"I'm sorry Aphro."mahina kung sabi.

"Matagal mo ng tinapos ang relasyon natin France at to be exact nung araw pa na magpapa-alam ako sayo na pupunta akong US. Ngayon aalis na ako nakukunsensya ka parin ba?"mayhalong lungkot sa tono nito.

"I'm sorry."tanging sagot ko.

"Sabihin mo na sa kanya at panagutin mo siya jan sa baby nyo kung hindi babalik ako dito at kukunin kayong dalawa."seryusong sabi niya.

"Hindi niya alam Aphro."kagat labi kung sabi.

"Dapat nyang malaman lasing man sya nung kinuha nya ang kabataan mo may pananagutan parin sya sayo. Kung ako sana France."aniya.

"Sorry!"sagot ko ulit.

"Tama na ang kakasorry mo."aniya at ginulo-gulo ang buhok ko.

"Bili mo ko ng Choco Icecream at blue ketchup."malambing kung sabi.

"Ang weird talaga ng buntis!"naiiling niyang sabi.

"Love mo naman ako eh."sagot ko sa kanya.

"Tama mahal kita."aniya ng may ngiti sa labi.

"Aphro s-"pinutol nya ang sasabihin ko.

"Don't France give me this day total bukas aalis na ako."sagot niya.

Napamulat muli ako at sunod-sunod na lumuha. Na-alala ko na ang lahat. Yung baby ko. Napahawak ako sa tyan ko. Hindi pala ito ang unang beses ako nagbuntis sa iisang lalaki pero nasan na ang baby ko?

Bumangon ako at agad na lumabas para magtungo sa kusina sana ngunit hindi ko inaasahan ang pangyayari. Dalawang taong naghahalikan na para bang sabik na sabik sa isa't isa gusto kung sumugod ngunit hindi ko ginawa bumalik ako sa kwarto.

Tinawagan ko si Shane..

"Shane I need you."mahina kung sabi.

"France?"tanong ng lalaki sa kabilang linya.

"Bakit nasayo ang cellphone ni Shane?"tanong ko.

"Naiwan niya dito sa coffee shop nagmamadali kasi siya kanina."maiksing sagot nya.

"Are you crying?"dugtong niya.

"I'm sorry Aphro."bulong ko.

"Na-aalala mo na ako?"

Tumango ako na para bang nakikita nya ako.

"I need some one to talk."sagot ko sa kanya.

"Come here to my coffee shop."sagot niya.

Binaba ko ang tawag alam ko kung san nagtatambay si Shane na coffee shop kaya di ko na tinanong kung saan.

Nagbihis ako. Huminga ng malalim bago lumabas.

"Nakabihis ka Cha?"tanong ni Shannon.

"Pupuntahan ko lang ang phone ni Shane naiwan nya kasi sa Coffee Shop. Ma-iwan ko muna kayo para makapagbonding naman kayong magBESTFRIEND."paalam ko sa kanila.

Hindi ko na hinintay ang sagot ni Shannon.
Gusto kung limutin ang pagtataksil ni Shannon sakin. Ayoko rin malaman nilang nakita ko yun.

Sumakay ako sa taxi at tinuro kay Manong kung san ang coffee shop Mr. A coffee shop. Sa kanya pala itong tinatambayan namin dati pa ni Shane ngayon ko lang nalaman.

Pagbaba ko binayaran ko agad at pumasok sa coffee shop. Naka-upo ito habang nakasandal kita ang mangilang-ngilang babae na napapatingin sa lalaking walang paki sa mundo. Nang mapansin niya ako agad itong ngumiti. May narinig akong tumili dahil sa pagngiti niya.

Lumapit ito sakin at nagulat ako ng halikan niya ang pisngi ko. Alam kung normal lang iyon pero namula parin ako sa ginawa nya.

Narinig ko agad ang bulong tulungan.

"Ang swerte naman ng asawa nya ang yummy."bulong ng isa.

"Bagay naman sila eh maganda at pogi malamang ay maganda o pogi rin ang pinagbubuntis nyan." sabat nung isa.

Maharan namang hinila ni Aphro ang kamay ko.

FAKE BOYFRIEND (Del Cara Series 4)Where stories live. Discover now