CHAPTER 2.3

226 4 0
                                    

Kinabukasan ay nagising ako. Bumaba ako sa hagdanan para magluto ngunit may na-amoy akong hindi ka-aya aya kaya naman nagmadali akong nagtungo sa banyo upang magsuka.

Wala akong kinain kagabi
kaya puro tubig lang ang lumabas. Nagtakip ako ng ilong at nagtungo sa kusina upang malaman kung ano ba yung na-amoy ko.

Napakunot ang noo ko ng makilala ang taong nakatalikod habang nagluluto.

"What are you doing here? Diba sabi ko ayokong makita ka pa!"asar kung sabi.

"Anak natin yan. Condo ko parin to at boyfriend mo parin ako."sagot nya habang inahain ang niluto nya.

"Throw it!"sigaw ko matapos ma-amoy na naman ito.

Nagmadali akong pumunta sa lababo at dumuwal tubig na naman ang lumabas. Hinimas-himas ni Shanon ang likod ko.

"Sorry! I don't know na ayaw mo na ng vegetable omelette. Madalas ko naman lutuin ito sayo."aniya.

Uminom ako ng tubig na inabot nya tyaka sya hinarap. Magkadikit na ang katawan namin dahil hindi naman sya umusod para magbigay ng distansya.

"I don't like to see you! I don't like your smell and I don't like anything about you. Leave me alone."matapos kung sabihin iyon nilapat nya ang labi nya sa labi ko.

Tinulak ko siya pero kahit kunti ay hindi sya umusad mas lalo pa nyang diniin ang labi nya kaya naman sa inis ko kinagat ko ang ibabang labi nya.

Napalayo sya at kita ang dugo sa bibig nya. Napasobra yata ang pagkagat ko.

Umalis agad ako sa pagitan nya.

"Kasalanan mo yan. Ang landi mo kasi."sigaw ko at nagmadaling nagtungo sa kwarto ko.

Tinawagan ko si Shane.

"Shane I need you. Andito na naman ang kuya mo."sambit ko matapos nyang sagutin ang tawag ko.

"Sorry Sissy may ginagawa kasi ako ngayon."sagot niya.

"Ano ba wag ka kasing malikot. San ba galing yang mga pasa mo."rinig ko sa kabilang linya.

Hindi ko nalang sya sinagot pinatay ko nalang ang cellphone ko.

Hindi ko rin naman mapapapunta siya dito malamang kasama na naman niya si Shun kahit na lagi itong masungit sa kanya at pinagtritripan  sya. Magka-iba talaga sila ng ugali ni Shanon. May pagkakahawig sila dahil kambal sila pero mas matino lang talaga si Shanon may pagkacreepy lang.

Naligo ako at nagbihis ng simpleng dress tyaka sandals hindi na kasi ako pwede mag-heels dahil na maselan raw ang pagbubuntis ko.

Flashback...

"Ms. Atom congratulations you are 5weeks pregnant."balita ng doctor.

"What? Paano nangyari yun nagpipills naman ako."tanong ko dahil nagpipills naman talaga ako.

"Baka may nakaligtaan kang araw na hindi uminom at nagkataon filter ka nun bawal na ang uminom ng pills sayo ngayon. Reresetahan kita ng mga vitamins para sa buntis at wag mong kakaligtaan ang pag-inom nito. Base sa observation ko ay maselan kang magbuntis kaya naman bawal ka rin magsuot ng matataas na takong. Mas makakabuti kung alam din ito ni Mr. Del Cara para naman may katuwang ka sa pagbubuntis mo."paliwanag niya.

"Rica I won't and don't you ever dare to tell him. We broke up 2weeks ago at tahimik na ang buhay ko."sagot ko sa kanya.

"Ibang klase ka talaga France."naiiling na sambit nito.

End of flashback...

Bumaba ako matapos kung mag-ayus.

FAKE BOYFRIEND (Del Cara Series 4)Where stories live. Discover now