CHAPTER 2

241 3 0
                                    

Habang kumakain na Ice Cream nawawalan ako ng gana dahil sa haliparot na kanina pa sinusubuan ng ice cream si Shanon.

Naduduwal talaga ako sa nakikita ko. Nag sign ako kay Shane na pupunta ako sa CR.

"My Goodness! Bilisan mo."sambit niya.

Patakbo akong pumunta sa Cr para sumuka. Nakaka suka naman kasi ang mga pagmumukha nila. Fuck! Di ko dala yung bag ko para tuloy akong nirape ng 3maligno.

Pabalik na ako sa kanila pero yung paningin ko ay parang umiikot kaya naman napapikit ako ng husto. Anong nangyayari sakin.

Bago pa man ako bumagsak naramdaman kung may sumalo sakin pero hindi ko na talaga kayang dumilat at unti-unti ng nawala ang malay ko.

Nagising ako sa puting kwarto. Nasa tabi ko si Shane habang si Shanon naman papasok sa pinto.

"Gosh! Cha pinakaba mo ako. Kumakain ka ba ng gabihan mo kaasar ka talaga."naiiyak na sabi ni Shane iiling-iling ako sa reaksyon nya napaka OA.

"How's my baby?"tanong ko kay Shanon.

Yung kaninang umiiyak si Shane ngayon ay nagulat na.

"Tang na! kala ko sinakyan mo lang yung sinabi ko." sinamaan ko sya ng tingin.

Kaya ko nga ako makikipagbanding sa kanya para malaman nya.

Tumaas ang isang kilay ni Shanon.

"Kailan mo balak sabihin sakin to?"may himig ng galit sa mata nito.

Kailan ko lang rin naman nalaman malay ko bang may mabubuo kaya siguro grabe ang pag kaasar ko sa kanya nung nakaraang araw.

"You gave me my 3fucking years freedom right so it doesn't matter to you."sagot ko.

Mas lalong nag-alab ang mata nito sa galit.

"No! Hindi na ako papayag dahil sakin yan at ako ang ama nyan hindi ako papayag na makahanap ka ng ibang ipapakilala sa kanya." pakiramdam ko umuusok sa galit ang lalaking ito.

Paki ko naman.

"Dun ka sa haliparot mo!! Nasan na ba yun bat ka pa nandito."balik sigaw ko sa kanya.

Hinawakan ko ang tyan ko at nagkunwaring nasasaktan.

Nag-iba ang expression ng kanyang mata at lumapit sakin pero agad ko syang pinigilan.

"No! Don't come to me with your fucking dirty clothes. Maamoy ko lang ang haliparot mo."sigaw ko.

"Cha! Calm down! Don't stress your baby to much baka mapano ang pamangkin ko."nag-aalalang saway sakin ni Shane.

Tumango ako at tumalikod.

"Shane can you please make him out? I don't want to see that bastard."mahinanon ngunit bakas ang galit sa aking tono.

"Kuya magpalit ka muna ng damit sa condo mo. Ako na muna ang magbabantay kay Cha dito."malumanay niyang sabi sa kanyang kuya.

Narinig ko ang pagsara ng pintuan kaya humarap muli ako kay Shane.

Ngumiti ako sa kanya habang di na mapigilan ang tawa.

"Hey what are you laughing?"nagtatakang tanong niya.

"Masaya lang akong wala sya sa harapan ko. Natatawa kasi ako sa reaksyon nya kanina nung nagkunwari akong sumasakit tyan ko. Ang epic ng mukha nya."sabi ko habang naiiyak sa tawa.

Sya naman ay naiiling iling sakin at hindi makapaniwala sa ginawa ko.

FAKE BOYFRIEND (Del Cara Series 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon