CHAPTER 3.3

191 2 0
                                    

Nandito ako kay Shane ngayon at nakangiti ito sakin.

"Balita?"tanong ko sa kanya.

Niyakap nya ako.

"Malapit na ang anniversary namin ni Shun at My 2months nalang ako para paghandaan yun."aniya at kita sa mukha nito ang saya.

Iba talaga pag-inlove nagulat talaga ako noon na may secret affair ang magkapatid. Hindi talaga ako makapaniwala kay Shane nung pinagtapat nya at nung araw na nakita namin si Shun sa mall pinagseselos nya ito dahil ayaw pansinin ni Shane si Shun. Pero nagkabati sila nung nasa hospital ako at sinundo nya si Shane.

Tapos ilang araw nun pinagtapat nya sakin na matagal na silang magboyfriend/girlfriend ayaw nya lang raw sabihin dahil baka husgahan ko raw sya pati na ang mga kapatid na kinalakihan nya.

Samantha Shane Del Cara adopted child. 5years old ito at sila Shanon ay 10 kaya mulat na sa kanila na kapatid kapatid lang nila ito. Hindi kasi magka-anak ng babae ang mga magulang nila Shanon noon. Pinagtapat sakin ni Shane raw yun noon 12 kami. Kasi nakita nya ang pag-iiba ng expresyon ko ng malaman ang relasyon nila.

"Ano naman ang pag-hahandaan mo?  Dapat sya ang maghanda non dahil sya ang lalaki."mataray kung sagot.

Well hindi ko naranasan yun kay Shanon kumakain kami sa labas pero yung date na sayo lang buong araw ng atensyon nya hindi pa. Hindi ko nga alam kung kailan ang ang anniversary namin.

"2years na kayo ng kapatid ko na magkasama tapos wala ka man lang bang naging effort sa 1st anniversary nyo?"tanong nya sakin.

"Pano ko malalaman na anniversary namin eh wala nga akong ma-alala."sagot ko sa kanya.

"Ang gulo naman kasi ng sitwasyon mo kay kuya Shanon sis. Buntis kana Lahat-lahat hindi mo parin na-aalala ang lahat. Wala ka naman kasi sinabi sakin noon na naging kayo nagulat nalang ako na ititira ka niya sa iisang bahay matapos kang gumising sa pagkakakuma. Yung bracelet pa na gawa mo suot niya kaya ang alam ko ay naging kayo."dirediretsyo niyang litanya isa lang ang pumasok sa isip ko at nagpangiti sakin.

Ibig sabihin pala non mahal niya ako? At ako ang tinuturo niyang babae na nagbigay ng bracelet na nagsabi ng simbolo ng pagmamahal ko sa kanya.

Napangiti ako bigla.

"Huy kinikilig ka naman. Nga pala sis hindi mo pa na-aalala pero my ate tayo noon na bestfriend ni kuya Shanon si Ate Rose sya yung napakabait at maganda nating ate bukas ay uuwi dito sa pinas."nakangiting balita ni Shane.

"Siguro ma-aalala ko sya pagnagkita kami. Unti-unti ko na kasing na-aalala ang lahat."sagot ko sa kanya.

"Susunduin natin sya bukas para makabonding natin sya. Ibabalita na rin natin sa kanya na buntis ka kay kuya Shanon paniguradong matutuwa yun dahil ikaw ang nakatuluyan ng bestfriend nya."nakangiti sabi nito.

Napangiti rin ako sa sinabi nya. Hindi na ako matatakot pa na mahalin sya ng lubusan pagna-alala ko na ang lahat malalaman ko rin kung kailan ko sya sinagot at malalaman ko na rin bakit ako na-aksidente.

FAKE BOYFRIEND (Del Cara Series 4)Where stories live. Discover now