CHAPTER 4

196 3 0
                                    

Hindi ko sinabi kay Shanon na uuwi ang bestfriend niya rito gusto kasi ni Shane na surprise iyon kay Shanon na uuwi dito sa pinas ang bestfriend niya.

Pumayag siya na mamasyal kami ni Shane yun ang paalam ko sa kanya mabuti nalang at busy sya sa kompanya nila at sa kompanya namin dalawa. Hati kami sa pinamana ng magulang ko sakin at hindi naman ako tutol dun dahil balang araw magiging asawa ko rin naman sya.

Habang nakatayo si Shane na may hawak na placard at ako naman ay nakaupo sa gilid dahil 4 na buwan na ang baby ko nangangalay ako sa pagtayo.

Lumapit ang isang maganda babae kay Shane na may bitbit na batang lalaki. Nasa edad na 4 na gulang.

"Ate Rose grabe mas lalo kang gumanda."bati ni Shane.

Tumayo ako at lumapit sa kanila.

"Shane at Cha ang laki na rin ng ginanda nyo mga dalaga na talaga kayo. Wow! Cha may asawa kana pala pareho tayong dalawa mag 21 palang ako nung mabuntis ako ng ama ni Roshan."nakangiting sabi nito habang hawak ang kamay ng anak nya.

Ang swerte ng asawa ni Ate Rose bukod sa maganda na mukhang maalaga pa.

"Mamaya na ang chikahan Ate. Kain na muna tayo ginugutom na rin siguro si Baby Roshan."aya ni Shane samin.

"Sige sa dinner restaurant nalang tayo
magkwentohan nakaka excite naman malaman kung sino ang mga love life nyo."aniya at gumayak na sa paglalakad.

Nasa mall kami ngayon ng Del Cara habang kumakain sa Filipino Restaurant. Nag-angat ako ng tingin dahil parang na-aalala ko ang lalaking nagseserve samin.

"Aphro?"sambit ko.

Hindi ko alam kung bakit naisatinig ko ang pangalan na iyon nagulat ako ng ngumiti ito sakin.

"Na-aalala mo na ba ako?"malambing na tanong niya.

"Ah? Pangalan mo ba yun?"takang tanong ko sa kanya.

"Kuya Aphro! Ngayon lang kita nakita ulit dito."sabat ni Shane.

Tumingin ako kay Shane ng nagtatanong.

"Hindi mo sya ma-alala sya lang naman ang 1st boyfriend mo."aniya na nabilaukan ako.

Impossible!!

"It's okay France! Masaya akong makita ka na masaya na sa mahal mo kahit hindi mo ako na-aalala. Basta mag-iingat ka palagi."aniya at tumalikod samin.

Bakit may kirot sa dibdib ko. Makita ang mata nya na malungkot.

"Paano kami nag-hiwalay?"tanong ko kay Shane.

"Hindi ko alam sis na naghiwalay kayo? Nung na-aksidente ka nga bumalik siya dito kahit na kaka-alis lang niya dito sa pinas nun eh. Pero bumalik din agad siya sa US nun tapos kada buwan dumadalaw siya sayo. Natigil lang yun bigla at ngayon nandito na pala sya sa pinas."aniya.

"I know him too. Siya yung palagi namin nakikita ni Shanon dati na naghahatid sayo."sabat ni ate Rose.

Gustong-gusto ko na talaga ma-alala ang lahat pakiramdam ko ang gulo-gulo ng pagkatao ko. Posible kaya na sya yung lalaking napanaginipan ko.

Kung ganun hindi pala si Shanon ang naka-una sakin. Pakiramdam ko ang dumi-dumi ko.

"bat ka umiiyak?"nag-aalalang tanong ni Shane.

"Napuwing lang. Uwi na tayo Shane pagod na ako."sagot ko.

"Ate Rose dun ka nalang muna sa Del Cara Mansyon total kami lang ni Shun ang nandun habang naghahanap ka ng bahay."aniya at binalingan si Ate Rose.

"Asan na si Shanon nakatira?"takang tanong ni Ate Rose.

Ngumiti ng matamis at nginuso ako.

"Magkasama na sila ni Cha sa iisang Condo."nakangiting sagot ni Shane sa kanya.

Kita ang gulat at pilit na ngiti nito.

"Ah!Sige Tara na para makapagpahinga kana sa condo nyo bukas ko nalang kaka-usapin si Shanon upang mangamusta sa bestfriend ko."sagot nito.

Pakiramdam ko talaga my mali sakin. Bakit nung makita ko ang itsura ni Aphro my kakaiba akong nakita. Siguro dahil pagod lang ito.

FAKE BOYFRIEND (Del Cara Series 4)Where stories live. Discover now