CHAPTER 6.1

184 3 0
                                    

Dinala ako sa puntod ng mga ito. Sunod-sunod ang luhang lumalabas sa mata ko habang hinihipo ang mga ito.

"Chan at Shan Del Cara. Date of birth December 25 2014, Date of Death December 25 2014."basa ko sa nakasulat.

"I'm sorry babies! Hindi kayo napagtanggol ni mommy."bulong ko habang patuloy na umiiyak.

"Baby sila ang mga kuya mo paglabas mo ipapakilala kita sa kanila. Promise this time lalaban ako para sa magiging anak namin."

"Tell Shannon the truth Cha."sambit ni Shun.

"He's with her true love. Bumalik na si Ate Rose. Kasama ang anak nila si Roshan."sagot ko dito.

"Anak ni Shannon si Roshan?"gulat na tanong nito sakin. Tumango ako.

Narinig ko si Shannon na kausap si ate Rose.

Flashback...

Didilat sana ako kaso hindi ko tinuloy dahil narinig ko ang boses ni Shannon.

"Rose please! let me make a time to him anak ko sya! I feel it kahit ipagkaila mo pa. Tinatanggi mo dahil buntis si Cha. Rose I want to make it up to my Son. Yes! Rose I'm sorry that I didn't wait for you. Rose please let's talk." huling rinig ko bago siya lumabas.

Ayoko ng marinig pa ang iba kaya hindi ko na sya sinundan.

End of flashback..

"Anong gagawin mo?"tanong nya sakin.

"Hindi ko alam Shun napapagod na ako. Nung pinilit ko ang gusto ko nawala ang mga bata sakin kaya hahayaan ko nalang si Shannon sa gusto nya. Gusto ko syang palayain. Ayoko na syang bigyan pa ng obligasyon kung maaari ayoko ng malaman nya to. Hindi nya alam ang nangyari samin noon ang alam din naman nya si Aphro ang ama ng mga bata."sagot ko sa kanya.

"Ikaw ang bahala ayokong mangielam hanggat maaari. Pero sa pagkakataong ito gusto kung alagaan kayo ng pamangkin ko."aniya.

"Intindihin mo nalang si Shane nuh at tyaka kaya ko naman alagaan ang sarili ko. "sagot ko sa kanya.

"Okay! Tara!"aya niya at nilahad ang kamay sakin.

"Saan?"takang tumingin ako sa kanya.

"Kalimutan mo muna lahat ng problema mo para di ma stress ang baby natin. I act like Shannon today like your husband to be."ngiting sagot nito.

"Ganun?"natatawang sabi ko.

"Mas gumaganda ka pag nakangiti."aniya at marahang hinila ang kamay ko.

"San tayo pupunta?"tanong ko.

"San mo gustong pumunta?"balik tanong niya sakin.

"Gusto kung kumain ng icecream choco na may blue ketchup."sagot ko.

Hindi nakahanap si Shannon nun ice cream na blue lang ang dinala nya. Ang sama ng loob ko nun.

"Yun lang pala sige bibili tayo."aniya at binaybay namin ang daan patungong grocery store.

Pumunta kami sa stanti ng mga ketchup at kumuha ng sampong UFC coloured ketchup blue. Nakangiti lang akong sinusundan sya.

Sya palang kasi ang nakahanap ng blue ketchup kahit si Aphro noon red ketchup at choco ice cream ang binili sakin.

Kumuha rin siya ng 2 2liters ng Choco icecream.

"Dalian natin. Excited na akong kainin yan."sambit ko.

"Sa bahay tayo. Pupunta andun si Shane mag-isa."aniya.

Siguro kasama ni Shanon si Ate Rose ngayon at kausap ito.

"Sige."sagot ko ng may munting ngiti.

FAKE BOYFRIEND (Del Cara Series 4)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن