Chapter 3 Parents

6.5K 81 1
                                    

Dalawang linggo ang nakalipas ngunit naroon parin ang kaba ng kanyang mga magulang para sa kaniyang kaligtasan

Umalis na sa kaniyang trabaho si shiela sa halip ay pinamahalaan na lamang niya ang nigosyong kanilang pinagtutulungan na palaguin ng kaibigang si marissa.

Maaga siyang umuwe ngayong araw dahil tumawag ang kaniyang magulang na umuwe siya ng maaga may sasabihin daw ang mga ito sa kaniya na importanting bagay.

Pagkarating sa bahay ay hinanap niya ang kaniyang ina sa sala ngunit wala ito pumunta siya ng kusina at kaniyang nakita ang yaya niya na matagal ng naninilbihan sa kanina mula pa sa kaniyang pagkabata.

Yaya nakita mo po ba sina Mommy at Daddy?

Naku shiela nandiyan kana pala nagbilin ang iyong mommy na papuntahin kita sa hardin kapag ikaw ay dumating na,
may pag uusapan yata kayo na mahalagang bagay.

Ah ganun po ba!

Yaya maiwan ko muna kayo puntahan ko sina mommy mukha yatang mahalaga nga itong pag uusapan namin.

Ah, sige hala puntahan mo na sila at kanina pa sila nag hihintay sa iyong pag dating.

Nag lakad na si shiela pa punta sa hardin para makapag usap sila ng kanyang mga magulang.

mommy ...

Agad na napalingun sa kaniya ang kaniyang Mommy at Daddy.

Anak dumating kana pala halika maupo ka.

Naupo sa bakanting upuan si shiela sa harap ng kaniyang mga magulang.

Daddy mommy ano po ba ang ating mahalagang pag uusapan.

Anak kami ng iyong ama ay kumuha ng mag bodyguard mo para sa iyong kaligtasan.

Pero mommy kaya ko naman alagaan ang aking sarili! halata ang pag tutul sa kaniyang boses sa disisyon ng kaniyang mga magulang.

Anak para ito sa iyong kaligtasan nag aalala kami ng iyong Mommy sa tuwing ikaw ay lalabas ng bahay, sana ay iyong maunawaan ang bagay na ito.

Kahit na masama ang kaniyang loob at tutol sa plano ng kaniyang mga magulang ay nakuha na lamang niyang manahimik para Hindi na humaba pa ang kanilang pag uusap.

Mag iisip na lamang siya ng bagay para umurong ang body guard na kinuha ng kanyang mga magulang .

Maagang naligo at nag bihis si shiela para pumunta sa kaniyang kaibigan na Si Marissa gusto niyang gumala at maglibang na kasama ang kaniyang kaibigan.

Nag text ito sa kaniya na daanan na lamang niya ito.

Nasa kahabaan na siya ng kalsada papuntang San Martinez ng biglang tumirik ang kaniyang kotse.

Ano ba yan wala pa naman tao dito madalang ang pagdaan ng sasakyan sa lugar na ito.

Anung gagawin ko! Ang mahinang himutok ni shiela.

Kalahating oras bago may dumaan na sasakyan agad niya itong pinahinto sa pamamagitan ng pag harang at pagkaway.

Babae ng sakay nito nakataas ang kilay na nag bukas ng bintana
Hoy , babae umalis ka diyan sigaw nito hindi ako intresadong tumulong sa taong hindi ko kilala.

Agad naman siyang tumabi na nawalan ng pag asa.

Sabay ang pagsara ng bintana ng sasakyan ay pagpapaharurot palayo ng may ari ng kotse na iyon.

Maya maya pa ay may isang sasakyan na dumaan agad itong tumigil sa tabi ng kaniyang tumirik na kotse,

Matipuno ang lalaki Matangkad,Makinis na mamula mula ang balat na maputi subalit halatang sa sunog araw.

Tinignan niyang ang sasakyan nito isang lumang lumang at kinakalawang na owner type jeep.
Bumaba ang lalaki na nakapag patulala sa kaniya sa taas niyang 5'5 ay halos niyukuan lang siya ng lalaki agad itong kumuha ng tools at kinalikot ang kaniyang kotse.

Ms..... Tawag pansin ng lalaki sa kanya.
Tapos na ang sasakyan at saka pakisarado ng bibig mo baka ma pasukan ng langaw.
Mukha yatang gwapong- gwapo ka sa akin pasado na ba ako sa iyo?
sabay halakhak ng lalaki.

Aba't presko pala ito, Ang wika ni shiela na bilang namula Ang mukha sa sinabi ng binata.

Hoy lalaki hindi ka gwapo!

Antipatiko ka !

Bwisit!

Presko at mayabang inis niyang sagot na pasigaw.
Agad siyang bumunot ng pera sa wallet niya limang daan at bigay ito sa lalaki tinignan naman ito ng lalaki ng inabot niya may gumuhit na ngiti sa mga labing kinuha nito ang pera.
Kulang ito dalawang libo ang hinihingi kong bayad mahal ang labor ko.

Aba't buwisit talaga itong lalaki na ito.
Muli siyang kumuha ng karagdagan at inabot ito sa lalaki.

Salamat....Ms. Makakabili na ako nito ng masarap na ulam sabay ang pag kindat.

Agad kumulo ang dugo ni shiela padabog na binuksan at pumasok sa kaniyang kotse.

Samantalang si Charles ay tatawa tawang sumakay sa kaniyang owner type jeep.

Hindi mawaglit sa kaniya ang magandang mukha ng dalagang kaniyang kausap kanina.

Tanghali na ng narating ni shiela ang bahay ng kaniyang kaibigan.
Nag hihintay na sa kanya si marissa pagkarating ay agad niyang binalita ang ng yare syempre pa hindi niya sinabi ang tungkol sa lalaki.

Tayo na pag aya niya kay marissa.
Para mawala ang namumuong iniis niya ng maalala ang lalaki kanina.

Paikot ikot sa mall ang mag kaibigan namili at nag sukat ng mga nagugustuhan.

Kumain sila habang kwentuhan sa isang restaurant mag alas 10:00 na ng gabi ng kanilang maisipang umuwe.
Dumaan mona si shiela sa bahay ng kaniyang kaibigang si marissa para maihatid Ito saka siya umuwe.

Naabutan niya ang kaniyang mga magulang sa sala nanonod ang kaniyang mommy habang ang kaniyang Daddy ay abala sa pag babasa sa mahalagang documento sa computer nito.

Daddy ,Mommy humalik siya sa mga magulang.

Kumusta ang lakad ninyo ng iyong kaibigan anak nag enjoy ba kau?
Ang tanong ni mrs. Moreno sa kaniyang anak.

Oo naman po, mommy bakit po.
Wala naman anak,
Gusto ko lang masiguro ang iyong kaligtasan sa bawat araw na umaalis ka kinakabahan ako.

Napatingin sa kanila Si Mr. Moreno.
Anak bukas ay mag sisimula na magtrabho si lie sundin mo ang mga sinasabi niya para sa iyong kaligtasan wika ng kaniyang ama.

Oo nga pala anak mabait na bata si lie kaya alam kong magkakasundo kayong dalawa si mrs Moreno na bakas ang tuwa sa kaniyang mata.

Sige po Mommy, Daddy papasok na ako sa kwarto ko ang tanging sagot na lamang niya sa kaniyang mga magulang.

Kinabukasan ay hindi na nag abala pang mag hilamos man lang si shiela.
Maging ang kaniyang nakatalilis na damit pantulog ay hindi na niya pinagkaabalan pang ayusin total wala namang lalaki sa loob ng kanilang bahay maliban sa kaniyang daddy.

Ang karamihan nilang kasama sa bahay ay babae.
Tatlong katulong at kaniyang yaya.
Nag mamadali siyang bumaba sa hagdan at pumanhik sa kusina.

Isang lalaki na naka tiimbagang habang nakatingin sa kaniya madilim ang anyo nito.

Yan ba ang pa welcome mo sa iyong body guard wika ng lalaki na walang iba kong hindi ang lalaking nag ayos ng kaniyang kotse kahapon.

Abat.. Hoy lalaki!
Anong ginagawa mo dito binayaran na kita wag mong sabihin kolang pa ang dalawang libong binayad ko sayo kahapon wika ni shiela na nagigil na gigil.

Hindi niya napansin na kanina pa nakabukas ang kaniyang damit pantulog.

My Billionaire's  BodyguardWhere stories live. Discover now