Chapter 15. Letter

3.3K 46 4
                                    

Matapus ng may mangyari sa kanilang dalawa ng kanyang asawang si charles ay naging malamig na ang pakikitungo sa kanya ni Charles na labis na ikinalulungkot ni shiela bihira na rin umuwe sa kanilang bahay ang kanyang asawa lagi na lamang itong madaling araw kong umuwi. Hangang sa naging isang linggo,dalawang linggo at ngayun mag iisang buwan na hindi ito nagpapakita sa kanya hindi rin sila nakapag usap ng maayus lagi na lamang itong late na kung umuwi at sa umaga pagka gising ay nag mamadali itong umalis na para bang may iniiwasang bagay . Bumuntong hininga si shiela at tahimik na nag isip.

Iniiwasan yata nitong ungkatin niya ang ng yari sa kanilang dalawa at ayaw nitong matali sa kanya ng mahabang panahon kong kayat umiiwas ito at maging siya ay nagsawalang kibo na lamang at nagbubulag bulagan sa pag iwas ng asawa.

Si Charles ay sinisikap na iwasan ang kanyang asawa ayaw niyang bangitin sa kanya ni shiela na may mahal na ito at nais na nitong makipag hiwalay sa kanya.
Hindi niya kayang iwan siya ng kanyang asawa mahal na mahal niya ito lalo pa niya itong minahal ng malaman ang katutuhanang siya ang nauna dito at sa totoo lang nasayahan siya sa nalaman.

Natakot siya ng magising na wala na ito sa kanyang tabi hindi na rin siya kinibo ni shiela mula ng may mangyari sa kanila hindi na rin siya pinaghahanda ni Shiela ng almusal o ayusin ang kanyang susuoting uniform naging tahimik at umiiwas na lamang ito maging sa pag tulog ay nilagyan na ng boundary na unan ang kama nila. At natatakot siya na isang araw ay sabihin nitong palayain na niya. Kung kayat minabuti na lamang niyang umiwas na din muna magpakita sa asawa at lumipat sa kanyang condo.

Dito sa condo niya ibinubuhos ang kanyang lungkot ilang bisis din niyang sinundan ang asawa sa pakikipagkita nito sa kangyang boyfriend nasasaktan siya sa tuwing nakikitang masaya ang dalaga sa kasama nito na ni minsan ay hindi nga yata ng yari sa kanilang dalawa ang ganoong ka sweet na relasyon. Malungkot na dinampot ni Charles ang bote ng alak na nasa kanyang harapan at inisang lagok ang laman nito saka siya mapait na ngumiti.

Makasarili nga yata siya pagkat ayaw niyang pakawala ang babaing ibang lalaki ang tinitibok ng puso nito,masama bang maging sakim isang bisis na siyang nag paraya at para sa kanya madali lang ang naging disisyon niya sa unang babaing nanakit sa kanyang puso pero pag dating kay shiela hindi niya kakayaning mawala ito sa buhay niya. Pero di rin niya makakayang maging malungkot ang buhay nito sa piling niya pagkat iba ng mahal nito. Nakatulog si Charles sa kalasingan at pag iisip kong anu ang magandang disisyon para sa kanyang asawa.

Naging madalas ang pakikipag kita ni Shiela kay Marvin nitong nag daang mga Araw nais niyang makalimutan ang kanyang asawa sa pamamagitan ni Marvin na ang nais ay maging masaya siya at nag eenjoy naman siya sa kanilang Bonding ni Marvin tulad ngayon magkasama silang nanood at kumain sa labas ngunit ang kanyang isipan ay abala sa kanyang asawa.

Napapatawa si shiela sa mga kwento ni Marvin habang kumakain nakakalimutan niya saglit ang kalungkotang kanyang nadarama ng bigla parang may nakakapasong titig siyang naramdaman agad siyang lumingon sa gawi kong saan niya naramdaman ang mga titig isang nakaupong lalaki ang kanyang nakita.

Biglang pumasok si charles sa isip ni shiela ng makita ang lalaki sa dulong bahagi ng restaurant, kinurap niya ang kanyang mga mata upang masigurong ito nga ang kanyang asawa ngunit parang bula na wala ang lalaki sa dulong bahagi ng misa at isang lalaki ang nakita niyang nag lakad palabas ng restaurant agad siyang tumayo at hinabol ang lalaking palabas ng restaurant at ng maabutan ay agad niyang  hinawakan ang kamay nito.

Sandali Charles mag usap muna tayo agad niyang hinawakan ang lalaki sa kamay,

Miss, do I know you? Wika ng lalaki
Na agad siyang nilingon.

Ahhh ....I'm sorry a.....akala ko kasi kakilala kita napapahiyang pag hingi ng paumanhin ni shiela sa lalaki.

Shiela ok ka lang ba? ang tanong ni Mavin ng makabalik siya sa misa nila
Namumutla ka anong ng yari saan ka ba galing ?

My Billionaire's  BodyguardWhere stories live. Discover now