Chapter 11 Wedding

4K 56 3
                                    

Napag disisyonan nila Chales at Shiela na sa huwes na lamang mag pakasal dahil darating din naman ang araw na sila ay maghihiwalay.

Hindi pa man ng yayari ang bagay na iyon ay may kalungkutang nadama si Shiela, pilit niyang winaksi sa kanyang isipan ang bagay na iyon ang mahalaga ay makuha niya ang kaniyang mamanahin pagkatapus nilang mag hiwalay ni Chales ay babalik na lamang siya sa kanyang tiyuhin.

Samantalang matamang pinapanuod ni Charles si Shiela na nakaupo sa harden. Maylungkot siyang nakikita sa mga mata ng dalaga alam niyang labag sa kalooban ng dalaga ang pagpapakasal sa kanya pero lang alang sa huling habilin ng mga magulang nito at sa manang makukuha ay kailangan nitong mag sakripisyong pakasalan siya may hapding naramdaman si Charles sa isiping iyon. Inignura na lamang niya ang bagay na iyon ang mahalaga sa kanya ngayon ay makasama niya ang babaing sa umpisa at unang kita pa lamang niya ay minahal na niya sayang nga lamang at wala itong nararamdamang pagmamahal sa kanya.

Pumasok na si shiela sa loob ng bahay upang maligo at magbihis darating na kasi ang mag kakasal sa kanila ni Chales ano mang oras lihim lamang ang kasalang iyon ilang piling bisita at kaibigan lamang ang kanyang inimbita kasama na doon ang kaniyang kaibigan na si Marissa na nagulat sa biglaan niyang pagpapakasal nauna pa siyang ikakasal dito.
Tutol si Marissa sa kanyang disisyon pero ng ipinaliwanag niya kong bakit ay nagsawalang kibo na lamang ito at sinuportahan kong anu man ang kaniyang plano atleast maykaibigan siyang handang dumamay sa kanya.

Pagbaba ni Shiela ng hagdan ay nakaayus ang lahat maging ang kaniyang yaya ay abala din sa pag mamado sa ibang tauhan upang masiguradong maayos ang lahat hinanap ng kaniyang mga mata si Chales ngunit hindi niya ito makita.

Isa isa ng nagdatingan ang mga taong nais sumaksi sa kaniyang kasal kabilang na duon ang huwis na magkakasal sa kanya ngunit kahit anung gawin niya hindi niya makita si Chales. Lihim siyang lumabas ng bahay upang hanapin ito.

Ng makalabas ng bahay ay nakita ni Shiela ang naka talikod na si Chales may kausap itong magandang babae parang may kung anong tumarak sa kaniyang dibdib ng mga oras na iyon lalo na ng yumuko ang lalaki upang halikan at yakapin ang babaing kausap nito hindi na niya hinintay na makita ang iba pang pangyayari mabilis siyang tumalikod at umalis upang wag ma saksihan kung ano man ang nais gawin ng lalaki sa kausap nito may luhang pumatak sa kaniyang mata sa hindi niya ma lamang dahilan. Pilit niyang tinatanong ang kaniyang sarili kong bakit siya apektado sa kanyang nakita ano ngayon kong may babae ito!
Ano naman kong may mahal na ito! na kaya lamang magpapakasal sa kanya ay dahil sa perang makukuha nito.

Ipinikit ni shiela ang nag uulap na maga mata at pilit pina sigla ng kaniyang mukha ng may makas alubong na bisita. binati siya nito at na agad naman niyang tinugon na may ngiti sa kaniyang labi.

Dumating na ang oras upang mag simula ang huwes na mag kakasal sa kanila.
Nakangite ang mga piling bisita habang nakatingin sa kanila ni charles halatang nasisiyahan ang mga ito.
May isang lalaki at babaing hindi niya kilala narinig niya ang mahinang bulungan ng mga ito. Napaka swerte niya sa kaniyang mapapa ngasawa honey gwapo, responsable at higit sa lahat madatong itong si Chales humahagikhik na tawa ng babae sa tingin niya ay asawa nito.
Nagunot ang kanyang noo sa narinig aba't binabaligtad pa ng mga ito ah.. Siguro alam ng mga ito ang milliong million na ibinigay ng kaniyang mga magulang kay chales kaya ito nakapag sabi ng ganun. Binaling niya kay Chales ang kaniyang paningin nagtama ang kanilang mga mata.

Lumilipad ang isip ni Shiela ng mga oras na iyon. Nakatayo siya sa harap ng nagkakasal sa kanila ni Chares ngunit ang kaniyang isipan ay nasa babaing kausap nito kani kanina lamang. Napakurap siya ng biglang ginagap ni Chales ang kanyang kamay nakatitig ito sa kanya ng mariin ng sabihin ng paring maari ng halikan ni Chales ang kanyang kabiyak dahan dahan bumaba ang mukha ni Charles upang halikan siya napapikit na lamang si Shiela upang nam namin ang unang halik na
kanyang natikman sa lalaking mahal na yata niya. Palakpakan ang nag pamulat sa kanyang mga mata nasalubong niya ang nanunudyong titig at ngite ni Chales nag init ang kanyang mga pisngi na binaling sa ibang deriksyon ang tingin. Maging ang kanyang kaibigan na si Marissa ay may panunudyo sa mga mata nito agad siyang umirap dito.

Hindi napigilan ni Marissa ang kaniyang sarili na tudyuin ng palihim ang kaniyang kaibihan na si shiela napabunghalit siya ng tawa ng bigla siyang irapan ni Shiela, upang pagtakpan ang pag kakapahiya nito alam niyang na nadala ito ng emosyon sa halik ni Chales. Masaya siya para kay Shiela
Ngunit nag aalala siya sa kaniyang kaibigan alam niyang kunwari lamang ang kasalang nagaganap kung kayat nag aalala siya sa damdamin nito paano kong ma inlove ito sa asawa at dumating ang panahon na kaylangan na nitong tapusin ang kanilang ugnayan ayaw niyang masaktan ang kanyang kaibigan.

Inalalayan Ni Chales ang kaniyang asawa, magkasama nilang inistima ang mga bisita nakipag tawanan at kwentuhan sila sa mga ito hangang sa hating gabi na isa isa ng nasipag uwian ang mga bisita liban lamang sa kaibigan nitong si marissa na umakyat sa inuukopa nitong silid.

Halata ang pagod sa mukha ng kaniyang asawa kong kaya't ng umalis na ang kahuli-hulihan nilang bisita ay sinamahan na ni Charles ang kaniyang asawa sa bago nilang silid.

Nag alangan si Shielang pumasok sa kanilang silid ni Charles Matutulog ba sila sa iisang kama. Nakatitig sa kaniyang mukha si Chales at mukhang na hulaan nito ang kaniyang iniisip .

Dito na lamang ako sa sopa matutulog kailangan nating ipakitang nag sasama tayo bilang normal na mag asawa hangat hindi pa na ilalagay sa pangalan mo ang lahat na naiwan ng iyong mga magulang seryusong wika ni Charles kay Shiela.

Tumango na lamang...
Si Shiela kinuha niya ng tuwalya at pumasok sa banyo.

Itinapat ni Shiela ang kanyang katawan sa tubig, marahang ipinikit ang kanyang mga mata habag iniisip ang buong pangyayari hindi niya namalayang nakaidlip na siya sa tubig.

Sa labas ng banyo hindi mapakali si Chales hindi niya mapihit ang banyo naka dalawang katok na siya ngunit walang Shielang Sumagot lagaslas ng tubig ang kaniyang naririnig mayamaya pa ay na pag pasyahan niyang kunin sa baba ng duplicate ng susi. Palabas na sana siya ng kwarto ng biglang bumukas ang pinto ng banyo ang namumutlang si Shiel ng kanyang nalingunan.
Halatang na babad ito sa tubig ng subra inabot ito ng mahigit sa tatlong oras saloob ng banyo.

Nag alala siya lumapit sa kaniyang asawa na abala sa pag papatuyo ng buhok.

Hmmmm... Tumikhim si Chales upang kunin ang atensyon ng asawa.
Shiela okey ka lang ?

Haaa. Nagtaas ng mukha si Shiela

Sabi ko kong okey ka lang ba?

Ahh oo okey Llllannng ....aaaako Charles ang nagkanda utal na sagot ni shiela sa asawang hindi makatingin.

My Billionaire's  BodyguardWhere stories live. Discover now