Chapter 10 Feelings

4K 49 3
                                    

Mahihinang katok at tawag ang gumising kay shiela.

Sino yan?

Maam Shiela pinapatawag po kayo ni Sir Charles ang wika ng katulong na kanyang napagbuksan ng pinto.
Ah.. Sige po..
Susunod na lamang ako mag papalit lang ho ako ng damit nakangiting wika ni shiela sa bago hang katulong na alanganing tumango sa kanya.

Ng makaalis ang katulong ay mabilisang pumasok ng banyo Si Shiela para makapag palit ng damit

Bakit kaya ako pinatawag ni Charles bumilis ng pintig ng kanyang dibdib ng maalala ang lalaki.

Natanaw ni Charles ang pababang si Shela sa hagdan kung meron man nadagdag sa dalaga ay lalo itong gumanda at lumakas ang karisma nito napalunok si Charles sa kanyang naisip bumaba ang kanyang tingin sa makinis na leegs ni Shiela. Nagtama ang kanilang mga mata sa pagkakataong iyon.

Namula ang mukha ni shela ng makitang nakatitig sa kanya si Charles.
Binaling niya sa ibang direksyon ang kanyang tingin hindi niya matagalan ang mga matang iyon ni charles pilit niyang kinakalma ang kanyang sarili habang papalapit kay Charles na nakaupo sa harap ng mesa.

Nakakunot ang noo ng naka tayong si Shiela sa harap ni Charles na naging blanko at seryuso ang ekspresyon ng mukha nakapinid ng mga labi nito dagling ring nawala ang kislap ng paghanga sa mga mata.
Tumayo ito at hinila ang upuan para maka upo Si shiela sa tapat ng kanyang kinaupuan.

Tumikhim muna si Charles para tangalin ang bara sa kanyang lalamunan.

Shiela ...

Yes ..ang wika ni Shiela

Pwede ba nating pag usapang ang tungkol sa tistamentong binasa ng abogado ng inyong pamilya?

Dagling napatitig si shiela kay charles ng mga oras na iyon.

Anung pag uusapan natin Charles tungkol sa kayamanang iniwan sakin ng aking mga magulang na may kondisyong nakakabit sayo ha.. Chales ang itigil at hayaan na lamang na walang mapunta sakin kahit isang centimo sa perang pinaghirapan ng aking mga magulang kapag hindi nasunod ang huling habilin sa akin ng aking mga magulang.
Ganun ba charles! Ang sumbat ni Sheila sa garagal na tila hindi mapigilang pagiyak na boses. Halata ang labis na kalungkutan at sakit ng kalooban.

Samantalang naikuyom ni charles ang kanyang mga kamay ng oras na iyon pinipigilan niya ang emosyong at awa sa kanyang kaharap na nais kumawala.

Maari nating gawan ng solusyon ang bagay na ito kung papayag at kong gugustuhin mo lang ang plano ko. Handa kitang tulungan Shiela para malutas ang problema mo seryusong paglalahad ni charles kay Shiela.

Anong ibig mong sabhin?
Anong Plano mo?

Magpakasal tayo .. Ang dimagundong na boses ni chales

Ano?

Ang wika ng nabiglang si Shiela. Tumahip ang kanyang dibdib sa hindi malamang dahilan.

Magpapakasal tayo ang pag ulit ni Shiela sa tinuran ni Charles nababaliw kana ba Charles ?
Hindi kita boyfriend at hindi mo ako girlfriend mag papakasal tayo na hindi natin mahal ang isa't isa.

Kasal ang maiaalok kong tulong sayo Shiela mag papakasal tayo at mag sasama bilang mag asawa pagkatapus na mailipat sayo ang mana mo ay papawalan natin ng bisa ang kasal.

Mag sasama tayo sa iisang kwarto  para mapaniwala ang abogado ng iyong mga magulang na nasunod ang kanilang huling habilin kong ayaw mo ng solusyon na inaalok ko sayo wala akong magagawa.

kunting oras na lang mapupunta na sa kawanggawa ang ma manahin mo sayong mga magulang.

Hindi ma kapag salita si Shiela sa tinuran ni Charles ng oras na iyon pagtulong ba ang nais nito o ang perang ibibigay ng kanyang mga magulang dito kong sana man lang sinabi nito na mahal siya nito di siya mag dadalawang isip na mag pakasal dito.

Hintayin ko ang sagot sa inaalok ko Shiela.

Sige puma payag na ako ang wika ni Shiela sa mahinang boses.

Lihim na ikinatuwa si Charles sa tinuran na iyon ni Shiela, kanina pa siya  kina-kabahan  na baka hindi ito pumayag sa kaniyang inaalok sa kanya wala siyang ibang choice kong hindi tangapin na lamang kong ano ang magiging disisyon nito sa inaalok sana niya dito pero ngayon ibang tuwa ang kanyang na ramdaman sa sa oras na ito kong pwede lamang na lumundag siya sa harap nito ay ginawa na niya kanina pa.

Ang kislap ng mata at ngiti sa mga labi ni Charles ay naglaho ng binaling niya ang kanyang mukha sa kausap naging seryoso ito sa mga binabangit na salita halatang pinag aaralan nito ang mga kondisyong binibigay kay shiela Gaya na lamang na kailangan nitong umaktong totoong asawa sa kanya sa panahong di pa napapawalang bisa ang kanilang kasal.

Lihim namang kinabahan si Shiela sa mga kondisyon ni Chales.
Magagampanan ba niya ang kanyang obligasyon dito na hindi na iinlove natatakot siya sa kanyang sarili baka masaktan lang siya kong mamahalin niya ito alam niyang pera lamang niya ang habol nito gaya ng pag gamit nito sa kanyang mga magulang para humingi at mabigyan ng bahagi sa kayaman niya.

My Billionaire's  BodyguardWhere stories live. Discover now