Chapter 18 Lost Angel

3.1K 41 0
                                    

Masaya si Shielang nakikipag laro sa kanyang anak ng dumating ang kanyang kaibigang si Marvin.

Hi. Shiela  napalingon si Shiela sa pinangalingan ng boses.
Marvin... ikaw nga kumusta ka na kaylan kapa nakabalik dito? ang nakangiting tanong ni Shiela kay Marvin.

Kahapon lang ang sagot ni Marvin.

Daddy .....Daddy ang sigaw ni   Charm habang tumatakbo itong lumapit kay Marvin na natatawa namang kinarga nito ang bata.

Natatawang pinag masdan ni Shiela ang dalawa masyadong magiliw sa bata si Marvin at sabik naman sa ama si Charm.

Alam ni Charm na hindi nito ama si Marvin  ngunit na nakagawian na nitong tawagin na daddy si Marvin kung kayat sa tuwing magkakasama silang tatlo ay inaakala ng lahat na   anak nga nilang dalawa si Charm.



Tuwang tumatakbo si Charm habang hinahabol ito ni Marvin .
Kapag nabutan kita may kiss ang daddy ha... Ang sigaw ni Marvin kay kay Charm.
Yes  a big..... Big Yes ang tumatawang sigaw ni Charm habang tumatakbo ito


Pumasok sandali si Shiela sa loob ng bahay upang kumuha ng pamunas ni Charm sa pawis. Nakasalubong niya ang kanyang yaya.
Anak si Marvin ba iyong naririnig kong tumatawa sa labas ang tanong nito sa kanya.



Yes yaya si Marvin nga po kakarating niya lang daw po kahapon.
Ah ganun ba bakit hindi mo muna siya papasukin para makapag almusal man lamang yong tao.


Nako yaya masyado siyang naaliw kay Charm kaya hindi niya nanaising iwanan si Charm sa labas ang naka ngiti niyang sagot sa kanyang yaya.
Napapailing na lamang ang kanyang yaya



Ng makabalik si Shiela pawisan na ang kanyang anak  at at si  Marvin kong kayat pinahinto na niya ang dalawa sa pag hahabulan. Kinuha niya si Charm at pinunasan ang likod nito   maging ang kamay nito ay nilinisan na din niya ng Alcohol kong saan saan kasi ito humahawak.


Napagod kakalaro si Charm kong kayat nakatulog itong karga ni Marvin kinuha niya si Charm at dinala sa kwarto nilang mag ina hindi niya na pansin na sumunod pala sa kanya si Marvin.

Tinititigan niya si Charm ng biglang nag salita sa kanyang likuran si Marvin .

Napakaganda niyang bata sinong mag aakala na sa dami ng paghihirap at sakit ng loob mo ay ganyan ang kalalabasang result diba?
Nilingon niya ang nakangiting si Marvin.
Oo Marvin at hindi ako nag sisisi   sa mga ngyari buhay ko kong ang kapalit naman ay ang ganito ka gandang angel sa buhay ko ang  Seryosong sagot ni Shiela .



Ilang taon kana din dito maari bang bumalik kana lang sa pilipinas at asikasuhin ang mga negosyo mo doon. Kaylangan mong magpakatatag at harapin ang buhay lalo na at may isang maganda at inosenting angel na  umaasa sayo pag isipan mong mabuti ang aking sinabi hinawakan siya nito sa balikat at tinapik ito ng marahan saka ito lumabas sa kanilang kwarto.




Panahon na nga ba para bumalik sa pilipinas at harapin ang taong sumugat sa kanyang puso o patuloy silang magtatago ng kanyang anak isa lang ang sinisiguro ko hinding hindi malalaman malalaman ni charles ang tungkol kay Charm.

Ng maalala ng lalaki ay nakakuyom niyang mga kamay habang nakatitig sa mukha ng kanyang anak matapus nitong saktan at sugatan ang kanyang damdamin ay inalisan na niya ito ng karapatan sa kanyang anak tumulo ang kanyang luha pinunasan niya ng kanyang kamay ang luhang iyon.
Ito na ang huling luha na papawalan ko Charle!!!!
ang matigas niyang bigkas sa pangalan ni Charles


Hinaplos ng marahan ni Shiela ang kanyang anak  pagkatapus ay kinumotan niya ito at lumabas na siya  para  makapagusap sila ng maayos ni Marvin .



My Billionaire's  BodyguardWhere stories live. Discover now