Chapter 12 Wife

4.3K 63 7
                                    

Unang araw  nila bilang mag asawa hindi makuhang tumingin ni Shiela sa tulog na si Charles sino ba naman kasi ang makakakuhang tumingin sa lalaking nasa baba ng kanilang kama naka hubad ito habang tulog hindi inaasahan ni shiela na ganoon ang umagang kaniyang kamumulatan ang buong akala niya ay sa sofa ito matutulog ngunit sa baba ito ng  kanilang higaan natulog tinignan niya ang sopa  maliit lang ang sofa kumpara sa mahaba nitong mga biyas . Siya na din ang sumagot sa kanyang mga katanungan kong bakit ito sa baba natulog.

Hindi na muna siya kumilos baka kasi magising ang lalaki nag kunwari siyang tulog  hinila niya ang kumot na nasa paanan niya ngunit sa kaniyang maling pagkilos ay sumabit ito sa kabilang tagiliran ng kama kong kaya't sa pag aakala niyang  makukuha niya sa isahang hila ay ubod lakas niyang  hinila ito.
Ang  hindi niya  inaasahan ay  biglang natangal ang kumot na nakasabit sa kabilang gilid   sa lakas ng pwersa niya sa paghila ay sumama siyang bumagsak sa nakahigang si Charles sa baba ng kama.

Ughhh...

Ang lumabas sa lalamunan ng nabiglang si Charles ng imulat  niya ang kaliwang  mata na animoy may kikindatan ay si Shiela  ang kaniyang nakita nag pupumilit itong bumangon sa kaniyang mga bisig ,May pilyong ngiti  ang sumilay sa labi ni Charles nag kunwari siyang tulog at nanaginip ng oras na iyon sa halip na pakawalan ang asawa ay kinulong  niya ito sa kaniyang mga bisig.

Hindi makahuma Si Shiela  na naginip ang kanyang asawa  humigpit ang pag kakayakap sa kaniyang baywang  paano siya makakaalis ngayon na hindi nito namamalayan lalong nag init ang kaniyang katawan  sapagkat  mag kalapat ang kanilang katawan ng nakahubad na  asawa  napaka nipis ng kanyang pagtulog kaya damang dama niya ang init ng katawan nito.

Ang sarap palang mabilango sa mga bisig ni Charles  ang pumasok na  pilyang bahagi ng kanyang isipan nag eenjoy na si Shiela habang ninanamnam ang panibagong pakiramdam na ngayon lamang niya  naranasan sa halip na mag pumilit na umalis ay niyakap niya ang kanyang asawa ipinikit  niya ang kaniyang  mga mata.

Hmmmm ... Gusto ko lang naman maranasan ang ganitong pakiramdam ang mayakap  siya kahit sandaling panahon lamang  hanga't hindi pa nalilipat  ang mga naiwan mga magulang ay nais niyang maging masaya kahit sandali lamang sa piling ng kaniyang asawa.

Asawa nga ba?

Ang sumbat ng kaniyang isipan.
Alam mong pag nakuha na niya ang binigay ng iyong mga magulang ay mawawalan na din ng bisa ang inyong kasal sa isiping iyon ay may kumurot sa puso ni Shiela bigla siyang natauhan kung kaya't pinilit na makawala sa bisig ng asawa.
Tumayo at nag madaling lumabas ng kwarto so shiela.

Si Marissa ang kaniyang nabungaran palabas din ito ng kabilang kwartong inuukupa nit,o  tinignan siya ng kaibigan mula ulo hangang paa napako ang mga mata nito sa gusot gusot niyang buhok..

Hoy... Ano iniisip mo ang wika ni shiela sa kaniyang kaibigan para matigil ang kung anong mali at malisyusong  nasa isipan nito.

Isang pilyang ngite ang lumabas sa mga labi ng kaibigan ...hmmmm mukha yatang itinuloy mo my dear friend  ang na udlot mong pag papantasya kahapon  hehehe...  Ang humahagikhik na tawa ng kanyang kaibigan.

Mag tigil ka nga marissa... Grrrrrrr.... kahit kailan wala akong pag tatangi sa  Charles na yan di ko siya type at di ako sa kanya maiinlove kahit kaylan!
Lagay mo yan sa kukuti mo hmmmp.... Nakairap na wika ni Shiela. Pero sa kaibuturan ng kanyang puso at isipan ay kabaligtaran ng kaniyang sinasabi.

Oo na.... Sige na napaniwala mo na ako, Uso na ngayon ng tulak ng bibig kabig ng dibdib hahahhha..
Wika ni Marissa sa kaibigan sabay ang talikod nito  sa kaniya at nag lakad   palayo tinahak nito ang hagdan.

Abat ..... Luka lukang babaing ito .
Naiiling Si Shiela habang sinusundan ng tingin ang kaniyang kaibigang si  Marissa wala siyang maililihim sa kaniyang kaibigan  halos lahat ng kilos niya ay alam na yata ng babae kong ano ang kanyang nararamdaman napangiti siya sa isiping iyon.

Samantala matagal ng nakatayo si Charles sa likod ng pinto.  Hangang ngayon ay naririnig  parin niya ang pinag usapan ng mag kaibigan o mas tamang sabihin na stock yata ito sa kaniyang pandinig
Para siyang binuhusan ng malamig na tubig sa narinig ang buong akala niya kapag kasal na sila ni Shiela matutunan din siyang mahalin ng babae nalungkot si Charles sa isiping iyon.

Naligo muna siya at nagbihis bago bumaba  hinanap niya ang kaniyang asawa hindi niya ito matagpuan naisipan niyang silipin ang dati nitong silid doon niya natagpuan ang kanyang asawa  halatang bagong ligo lamang ito nakasuot ito ng  bistidang pula simpling bistida lamang ito pero lumutang ang magandang hubog ng katawan ng asawa, nakatanaw ito sa bintana, kaya't hindi nito na pansin ang kaniyang pag pasok Ng kwarto.

Hmmmm.....  Tumikhim siya para agawin ang atensyon ni Shiela na agad naman napalingon ng marinig ang kaniyang pag tikhim.

Anong ginagawa mo dito sa silid mo hindi ba dapat ay sa silid kana nating dalawa naligo? Seryosong wika ni Charles sa asawa .

Ahhh. ehhhh..  Nag isip ng maidadahilan Si Shiela  sa kaniyang asawa na hindi nito mahahalata, hindi niya pweding sabihin kay Charles na naiilang siya dito..

Ahh...nag mamadali kasi ako saka wala    pa doon sa silid natin itong ibang damit ko kaya dito ko na naisipang maligo at mag bihis.
Ang pagdadahilan ni Shiela sa mahinang boses.

Kung ganoon halika na sabay na tayong mag almusal .
Siya nga pala  may mga regalo ng pala sa atin kabilang na ang honeymoon trip sa hongkong gagamitin ba natin iyon? Gusto mo bang mamasyal sa hongkong ?

Nag isip Si Shiela sa sinabi ni Charles. Kong gagamitin naming dalawa ang honeymoon trip at pag stay sa hotel mas lalo lamang akong mapapalapit kay charles  baka  mainlove ako  dito ng husto at pag nainlove ako masasaktan lamang ako, saka may mahal na itong iba  kaya hindi ako pweding umasa na baka mabago pa  ang lahat .. Na mahalin din ako nito at saka anong malay ko kong gagamitin lamang niya ako para kunin lahat ng ari-arian ng aking mga magulang ang  mga pag aalinlangang pumasok sa isip ni Shiela.

Ahhhh.... Charles  saka na lang siguro natin gamitin iyon may mga mahalaga pa tayong kailangan ma isa ayos .

Sige ikaw ang bahala ... Mabuti pa mag almusal na muna tayo.

Narating nila ang kusina  natatakpan ang mga pagkaing nasa mesa tinangal nilang magkatulong ang mga takip pagkatapus nilang matangal isa isang ininit ni Shiela ang mga pagkain.
hindi siya sanay pero sinikap niyang pag silbihan ang kaniyang asawa para wala itong masabi sa kanya.

Samantalang nakangiting pinanunood ni Charles ang kanyang asawa sa ginagawa nito, mukha yatang gaganahan siyang kumain ngayong may asawa siyang maganda at maalaga ngingiti ngiti niyang wika sa sarili.

Ang tagpong iyon ang nalingunan ni Shiela biglang namula ang pisngi nito. lumapit ito sa kanya at pinagsalin siya  ng juice sa kaniyang baso, rice at ulam sa kaniyang plato  larawan ito ng isang ulirang asawa  ng matapus nito ang lahat ay naupo ito  sa kaniyang tabi.

Kahit naiilang ay sinikap ni Shiela na gampanan ang pagiging asawa niya  kay Charles. Nagkwentuhan sila habang kumakain,  kinikilala nila ang isat isa  ito ang unang araw nila bilang mag asawa kaya't nais niyang maging masaya man lamang sila kahit pakunwari lamang ang kanilang kasal at pagiging mag asawa.

My Billionaire's  BodyguardWhere stories live. Discover now