Chapter 5 Jealousy

5.6K 88 2
                                    

Tunog ng cellphone ang Gumising sa inaantok pang si charles. Tinignan niya kong anung oras na mag 5 na ng umaga.
Naulit ang pagtunog ng kang yang cellphone hindi niya kilala ang naka rehistrong numero.

Hello... Ang sagot ni Charles

Hello...

Charles Apo kumusta kana?

Lola kayo po pala ang aga ng tawag mo ,may ng yari po ba?

Naku... apo ko, wala naman namimis lng kita.

Matagal ka ng hindi na dalaw sa amin ng iyong lolo kami ay mahihina na ikaw na lng ang aming inaasahan Dahil ikaw lng ang nag iisang anak ni clarina ko.



Pag karinig ng pangalan ng ina ay may gumuhit na lungkot sa kanyang puso ilang taon na rin ang nakalipas ng mamatay ang kanyang ina sa car accident.
Pilit niyang winaglit sa kanyang isip ang pangyayari at sahalip ay pinasigla ang boses opo , lola pumuntahan ko kayo diyan pangako mis ko na ren kayo ni lolo wag ka mag alala bigla na lang akong darating diyan para ma sorprisa kayo ni lolo.




Naku salamat naman Apo ..


Hindi na ulit nahiga si chrales sa halip ay bumangon na siya at nag handa na para mag jogging na lamang iyon ang kinaugalian niya sa tuwing umaga kaya naman na panatiling maganda ang kanyang katawan.




Paikot ikot si charles sa pagtakbo hindi alintana ang maraming matang nakatingin sa kanya isa na dito ang babaing kanina pa titig natitig sa kanyang katawan.


Tumigil si charles sa pag takbo nagpahinga sa lilim ng punong kahoy isang babae ang lumapit sa kanya.

Hello....

Umangat ang mukha ni charles mula sa pagkakayoko.
Isang naka ngiting babae ang tambad sa kanya.

Hi ..

Na nakakunot ang noong nakatingin sa babae

Yes...

Charles Montenegro sinasbi ko na nga ba at ikaw yan . Kanina pa kitang pinagmamasdan sa pag aakalang dinadaya lamang ako ng aking paningin.
Vanessa Villamore anung ginagawa mo rito.

Ngumite ang babaing tumingin sa kanya matagal kitang hinanap Charles
Malambing at ng aakit ang boses ng babae.

Naikuyom ni charles ang kanyang kamao.



Tinignan ni Charles ang kanyang orasan mag 7 na ng umaga kaylangan na niyang bumalik sa bahay ng mga montero kung kaya nagpaalam na siya sa kausap sariwa pa sa kanya ang ginawa nitong kasalanan.


Pabalik na siya ng bahay ng mamataan niya ang isang itim na van nakahimpil ito sa di kalayuan.

Huminto siya at nag matyag sa nakaparadang van maya maya pa ay may lumabas na lalaki may hawak na sigarilyo habang nakatingin sa bahay ng mga Moreno.


Ng umalis ang van ay saka niya ipinag patuloy ang pag lakad papunta sa bahay ng mga montero.
Nadatnan niyang nasa hardin ang mag asawa.

Good morning Tita, Tito.

Uh... Lie hijo halika saluhan mo kaming mag alamusal ng Tito mo.

Sige ho Tita, Tito magpalit lang po ako ng damit basa kasi ng pawis itong suot ko.
Sige hijo hihintayin ka namin ng tito mo magiliw na sagot ng ginang.


Pagkaalis ni Charles tinanong ni mrs moreno ang kanyang asawa honey anu sa palagay mo diba napakaswerte ng babaing mapapangasawa ng batang iyan mabait at magalang.
Ngumite Si Mr. Moreno sa kanyang Asawa.


Kumakain silang tatlo ng lumabas si shiela diritso itong nag lakad papunta sa kanila.
Good morning Mommy, Daddy ska humalik sa kanyang magulang.


Bumaling ang kanyang tingin kay charles na naka titig sa kanya kung kayat isang mabilis na irap ang kanyang ibigay dito.

Hija... sumabay kanang mag almusal sa amin, Maupo ka.

Walang nagawa si shiela kung hindi pag bigyan ang kanyang mga magulang wala siyang imik habang kumakain halos hindi niya malunok ang pagkain sa tuwing pinupuri ng mga ito charles.



Halos hindi siya pansin ng kanyang sariling magulang kung hindi laging si charles .
Hindi nakatiis si shiela nagpaalam siya sa kanyang magulang na mauna ng pumasok sa loob ng bahay.


Sa kwarto niya pinakawalan ang sama ng loob sa kanyang magulang bakit mas matimbang pa si chales sa mga ito samantalang siya ang anak.
bakit mas binibigyan ng subrasubrang pansin ng mga ito si charles samantalang kamakailan lamang nito nakilala si charles.


Dumaan ang araw at buwan mas lalong napalapit ang loob ng mag asawa kay Charles kahit ang mga sikretong bagay ay nalaman ng lalaki maging ang pagkakalugi ng negosyo ng mag asawa.


Nagtaka si Shiela maghapong nasa loob ng study room ng araw na iyon ang kanyang daddy at si charles hindi niya alam ang ng yayari madalas ay ang kanyang daddy at si Charles ang mag kasama sa loob ng study room nito.


Halos wala ng panahon ang kanyang daddy at mommy sa kanya na lalong nag bigay sa kanya ng dahilan para magalit kay charles.
Inagaw na nito ang pansin ng kanyang mga magulang.



Sa study room masinsinang nag uusap ang dalawang lalaki. Halata ang bigat ng problima ni mr. Moreno kong paano masolusyonan ang problimang kinakaharap niya.



Nanatiling nakatitig lamang si charles sa mga papelis sa kanyang harapan. Ng biglang natigilan at nagunot ang kanyang noo dahil sa kanyang nabasa.

Gabi na ng sila ay lumabas ng study room. Kumain muna sila ni mr. Moreno bago ito pumanhik sa kwarto nito.

Lumabas si charles sa hardin para lumasap ng sariwang hangin at makapag isip ng solusyon sa problima Ni Mr. Moreno.
Naagaw ang kanyang pansin sa ingay ng tubig na nangagaling sa swimming pool dumaan siya sa gilid na bahagi ng malagong halaman para alamin kong sino ang naliligo sa oras na iyon.



Bila siyang natigilan at mapalunok ng makita ang kagandahang nakalatag sa tubig.
Si Shiela ay balik balik ang paglangoy sa magkabilang dulo ng swimmingpool ng mapagod ay nag pahinga siya ipinikit ang mga mata.




Nangunot ang noo ni charles ng mapansing hindi gumagalaw si shiela ng halos mag kalahating oras na .

Naidlip na ang kanyang diwa ng biglang may nagsalita.


Hindi mo ba alam na maaring magkasakit ka sa ginagawa mo ang walang ka ngite ngiting wika ni charles.



Ng Idilat ni shiela ang kanyang mga mata ay tarantang dinampot ang roba na nakasampay Sa gilid ng swimmingpool.

Anong ginagawa mo dito ng bubuso ka anu?


Nagdilim ang mukha ni chales sa sinabi ni shiela.
Hindi ko pag iintresang busohan ka hindi kita type Shiela kahit maghubad kapa sa hapan ko walang emotion na wika ni charles.



Nag init ang mukha ni shiela sa sinabi ni charles mabilis na umangat ang kanyang palad dumapo ito sa pisngi ni Charles.

Hinawakan ni charles ang kanyang pisngi saka lumapit sa napa atras na si shiela.

Ms. moreno kapag inulit mo pa ang pananampal sa akin hindi mo magugustuhan ang gagawin ko..

Malapit na malapit ang mukha ni charles kay shiela na nakaawang ang mga labi sa pagkagulat.
Ng matauhan si shiela ay agad siyang tumakbo papasok sa loob ng bahay.



Ng pumasok na si shiela sa loob ng bahay ay napag pasyahan ni charles na pumasok na para maka pag pahinga. Hindi niya alam kong hangang kilan niya itatago ang nararamdaman sa babaing wla naman ni katiting na pag mamahal sa kanya bagkos ay puno ng galit ang nasa dib-dib .



Bali baliktad sa higaan si shiela iniisip niya ang ng yari kanina sa gilid ng swimming pool bakit siya nasaktan sa sinabi ni charles may naramdaman siyang kurot at lungkot sa kanyang puso.

My Billionaire's  BodyguardWhere stories live. Discover now