Chapter 16 Care

3K 43 13
                                    

Buo na sa loob ni Shiela na puntahan ang kanyang asawa sa office nito isang buwan na din na hindi ito nagpapakita o tumawag man lamang sa kanya.
Matapus maligo at mag bihis ay nagmamadaling  pumunta sa  garahe ang dalaga gusto niyang makausap ang kanyang asawa at malaman dito mismo kong bakit ito hindi na nag papakita sa kanya maaari naman sabihin na lamang nito na ipawalang bisa na ang kasal ng tuwiran  hindi iyong basta na lamang ito umalis at hindi na bumalik sa kanilang bahay.

Narating ni Shiela ang opisina  ng kanyang nasirang ama napag alaman niya na dalawang linggo ng  hindi nagagawi roon ang kanyang asawa.

Matamlay na nagpaalam at  palabas na sana  si Shiela ng opisina ng biglang nag salita  si Nida ang dating secretarya  ng kanyang ama.

Maam Shiela .. ....

Agad si Shielang  napalingon sa secretarya .

Ahh... Bakit?

Maam sa pagkakaalam ko po ay nasa condo niya ngayon nag stay si Sir Chales.

Condo? Napakunot ang noo ng dalaga paanong nagkaroon ng condo ang kanyang asawa gayong isa lamang itong pangkaraniwang body guard o baka naman unti unti na itong kumukuha ng pera sa kumpanyang pinapatakbo dahil na rin sa  huling kasulatan  at kagustuhan ng kanyang mga magulang na ito ang magpatakbo  ng negosyo.

Yes, Ma'am sa condo po ni sir Charles siya nag stay ngayon kc doon ko po pinadala yong mga report at for signature na kaylangan ni Mr. Sy.

Maari ko bang malaman kong saan?

Mabilis na kumuha ang Secretarya ng ng papel at saka sinulat ang address ni Charles.

Katatapus lang maligo  ni Charles ng Tunog ng doorbell   wala siyang  inaasahang bisita kong kayat nangunot ang kanyang noo.

Lumapit siya sa pintuan at binuksan upang alamin kong sino ang  bisita

Hi .... Charles

Vanessa...

Gulat na wika ni Charles hindi niya inaasahang pupuntahan siya ng kanyang dating nobya. 
Mula ng magkita sila ng kasal nila ni Shiela ay hindi na ito   nagpakita sa kanya  kong kaya't nagtataka siya  sa dating nobya kong bakit siya nito pinuntahan.

Charles how are you? Ang nakangiting tanong ng dalaga.

Anong kaylangan mo  bakit ka narito?

Hi tinatanong  ba yan sa visita  Don't you remember na dito rin ako tumira dati diba , Any way Can I Come with you ? Ang malambing na tanong ng babae .

Napabuntong hiniga na lamang si Charles sa narinig  alam niyang hindi siya titigilan Ni Vanissa kong patuloy niyang hindi kakausapin  ang  dalaga.

Sige pasok ka..

Ohhh..  Charles   Thank you.

Mabilis na yumakap sa kanya si Vanessa sabay halik sa kanyang mga labi.

I miss you Charles  I'm so sorry for everything .

Hindi kumibo si Charles dahan dahan niyang tinangal ang mga braso ng dalaga na nakapulupot sa kanyang Baywang. Ngunit nagpumilit ang dalaga mas lalo nito hinigpitan ang pagkakayakap kay Charles hinilig pa nito ang ulo sa balikat ng binata. Kong kayat napilitan si Charles na  humakbang paurong para makapasok sila ni Vanessa.
Ng maisara ang pinto ay agad niyang  tinangal ang nakakapit na braso ng dalaga.

Kitang kita ni shiela ang pag yakap at pag halik ng  babae kay Charles.
Tumulo ang mga luha ni Shiela sa nasaksihang tagpo, kaya pala hindi na umuwe si Charles pagkat may   ibang babae  na sa buhay nito.
Para siyang sinaksak ng ilang bisis sa nakita bumalik siya  sa kanyang sasakyan.
Ngayon ay alam na niya kong  bakit hindi na ito umuwe ng bahay  ang asawa masaya na ito sa iba.

My Billionaire's  BodyguardWhere stories live. Discover now