Chapter 8 Beloved

4.3K 59 2
                                    

Hindi parin matangap ni shiela na wala na ang kanyang mga magulang .
Sa bawat araw na nalalapit ang pag hatid sa mga ito sa huling hantungan ay lalong nag papabigat sa kanyang kalouban.

Mommy ,Daddy bakit ninyo ako iniwan ang daya ninyo iniwan ninyo ako. ang lungkot ko, mommy daddy saan ako mag sisimula ngayung wala na kayo.

Panay ang agos ng luha sa kanyang mga mata, labis-labis ang lungkot at awa ng yaya ni shiela habang nakikita niya ang kanyang alaga sa kaawa-awa nitong ka lagayan.

Dios ko kong pwede lang na sa akin na lang ng yari ang bagay na ito ay ta tangapin ko na sasaktan ako ng labis na nakikita ko ang aking alaga sa kanyang kalagayan ngayon.

Lumapit siya kay shiela upang punasan ang luha sa mga mata nito.
Shiela anak ta tagan mo ang loob mo anak, na sasaktan ang iyong mga magulang na makita ka sa ganyan ka lagayan.

Yaya bakit kila mommy pa ng yari ito ang dami namang masasamang tao bakit sa kanila pa tanong ng lumuluhang dalaga.

Anak maaring may dahilan ang panginoon kong bakit ng yari ito tangapin mo ng maluwag sa dibdib mo alang alang sa katahimikan ng kaluluwa ng iyong mga magulang .

Yaya hindi ko kaya.... Hindi ko kayang isiping wala na ang aking mga magulang.
Parang isang bangungut lamang ang lahat ng ito.

Anak totoo ang lahat ng ito. Tangapin mong wala na ang iyong mga magulang pakawalan mo na sila ikaw din ang mahihirapan ayaw kong makita kang nagkakaganyan.

Yumakap si Shiela sa kanyang yaya habang umaagus ang masaganag luha sa kanyang namumugtong mga mata.

Sa di kalayuan nakatingin ang naawang si charles sa dalaga sinisi nito ang sarili sa ng yari kong naging maingat lang sana siya at hindi naging pabaya sa kanyang tungkulin di sana'y buhay pa ngayon ang mag asawa.

Lumapit siya sa nakatayong si marissa ito ang namamahala at kumakausap sa mga bisitang dumarating at umaalis.

Marissa may maitutulong ba ako sau. Pagod kana ako ng bahala dito magpahinga ka mona baka kong ma pano ka.

Ikaw pala Charles kaya ko pa naman ikaw ng mag pahinga .
Ilang araw ka nang walang tulog mula ng nasa hospital si shiela ikaw n ang nag asikaso sa kanya.
ikaw ang nangangailangan ng pahinga.

Tumango na lamang si Charles kay marissa. Kung kayat naglakad na lamang siya papunta ka kanyang kwarto upang siya ay makapag pahinga.

Nakatulog si shiela sa balikat ng kanyang yaya. Habang hinahaplus nito ang kanyang buhok.
Napadako ang tingin ni keneth sa kinauruonan ni shiela at ng yaya nito lumapit ito, binuhat si shiela upang dalhin sa kwarto nito ang dalaga ng maging kumportable ang pag tulog nito.

Inilapag niya ang kanyang pamangkin sa kama tinitigan niya ito awa ang kanynag naramdam sa kanyang pamangkin ng mga oras na iyon namumugto ang mga mata nito walang kulay mukha.

Kawawa naman ang pamangkin ko para maranasan ang kalungkutang ito. Magbabayad ang may kagagawan nito sa aking kapated at sa kanyang asawa hindi ako titigil hangat hindi na huhuli ang may kagagawan nito. Hindi ako babalik ng America hangat hindi siya nag babayad pinapangako ko sayo shiela.

Tahimik siyang lumabas sa kwarto ng kanyang pamangkin ng mapnsin niyang nakaawang ang study room ni Hendry may kong anung malakas na pwersa ang nag tulak s kanya para pasukin ang study room na iyon.

Nagkalat ang mga papelis halatang may hinanap sa lugar na iyon kung anu man iyon ay wala siyang Idea bumagsak ang libro naglikha ito ng malakas na ingay.

Si charles na padaan sa study room ay na pahinto dahil sa ingay na nag mumula sa study room ni hendry agad siyang nag bunot ng baril saka dahan dahang pumasok, naabutan niya ang nakayukong si keneth may pinupulot itong libro.

Anung ginagawa mo dito sa ganitong oras bkit nag kalat ang mga gamit dito ni Tito Hendry ang kanyang tanung kay keneth.

Yan din ang pinag tataka ko nag kalat ang mga gamit ni hendry dito maging ang kanyang mga mahalagang papelis ,Nakaawang din ang pintuan kanina kung kayat ako ay pumasok, Mukhang may hinahanap na mahalang bagay ang taong pumasok dito ang wika ni keneth.

Nangunot ang noo ni Charles sa sinabi ni keneth agad niyang na alala ang laptop ni hendry wala ito sa study room. Keneth nakita mo ba ang laptop ni tito Hendry.

Hindi wala akong nakita ng ako ay pumasok dito, bakit? Ang tanung ni keneth
Maaring nandoon ang kanilang hinahanap kung kayat ng hindi nila mahanap sa mga nagkalat na papelis ang laptop ni tito hendry ang kanilang tinangay.
Yan din ang iniisip ko ang sagot ni keneth kay Charles.

Gising na si shiela naligo siya at nagbihis ngayon ang huling araw ng kangyang mga magulang. Susulitin niya ang araw na kasama ang mga ito muling pumatak ang luha sa kanyang mga mata ng maalala ang kanyang magulang.

Mommy daddy sikapin kong maging normal tulad ng date alam kong ito ang gusto ninyong mang yari kahit nahihirapan ako gagawin ko para sainyong ikakatahimik lumuluhang bulong ni shiela.

Ng lumabas siya ay inabutan niya ang kanyang Ninong na si General marten Dizon lumapit siya dito Ninong kanina pa po ba kayo ang kanyang mahinang tanung dito.

Hija ikaw pala hindi pa naman. Kumusta kana hija ikinalulungkot ko ang ng yari sa iyong mga magulang. Hindi ko akalain na mawawala sila sa ganitong paraan ang wika ni mr Dizon.

Muling naginit ang kanyang mga mata sa sinabi ng kanyang ninong.
Tangapin mo ang aking pakikiramay hija gagawin ko ang lahat para mabigyang katarungan ang iyong mga mga magulang.

Maraming salamat po ninong di ko alam kong saan ako mag sisimula kong paanu ko hanapin at panagutin ang may kagagawan nito sa aking mga magulang.

Hija hindi ka nag iisa nandito ako tutulongan kita hindi kita maaring pabayaan lalo't wala na ang iyong mga magulang anytime pwede ka humingi sa akin ng tulog hindi kita bibiguin .
Maraming salamat ninong ang wika ng humihikbing si shiela.

Ilang oras pa ng lumipas isa isang nag paalam kay shiela ang mga bisita.
Maging ang kanyang ninong ay nag palam na rin magilan ngilan na lamang ang nakikita niya ng gabing iyon.

Lumapit sa kanya si marissa may dala itong mainit na gatas shiela inumin mo ito makakatulong ito para bumalik ang ang iyong lakas ngayong nag daang raw hindi man lang nasayaran ng pagkain ang iyong sikmura baka kong mapano ka.

Tinignan ni shiela ang kanyang kaibigan saka niya kinuha ang isang baso ng gatas.
Maraming salamat saiyo marissa napakabuti mo sa akin.

Walang ano man shiela Kong ako man ang nasa iyong kalagayan ngayon alam kong ito rin ang gagawin mo ang wika ni marissa.

My Billionaire's  BodyguardWhere stories live. Discover now