Chapter 1: First Meet

8.5K 152 14
                                    

Nina's POV:

"O, Nina tingin dito.. Yan ganyan nga... Okay sa kabila.. Okay ngiti sa camera.. Very good. Nice shot Nina.. Okay pack-up na tayo guys!" sigaw ng aming photographer.

Bumaba na ako mula sa mini stage kung saan kasalukuyan akong kinukunan para sa isang magazine na ako ang magiging cover.

Umupo ako sa loob ng aking tent.

Kaagad naman akong inasikaso ng aking assistant.

"Si Rob dumating na ba?" tanong ko.

Umiling naman si Loisa.

"Wala pa po Ms. Nina.." sagot niya.

Tumango ako at inatupag ang pagtatanggal ng make-up sa harap ng salamin.

Anyways, do i need to introduce myself?

Okay for those who don't know me yet..

Im Nina Jimenez. 19yrs of age.. Currently a 4th year student pf Crimdin Academy.

Sabi nila, its a school for delinquents.

I don't care..

At least doon walang pakialam ang mga students sa status ko.

Isa akong supermodel sa loob at labas ng bansa.

Mapa magazine or runway ay kilala ako.

"Hi babe!" masayang bati mula sa likuran ko.

Napangiti ako at saka tumayo.

Andito na pala si Rob.

Yumakap ako sa kanya at humalik sa kanyang pisngi.

"Let's go?" nakangiti niyang tanong.

Tumango ako at kinuha ang aking bag.

Sabay na kaming lumabas ng tent.

"Derek, uwi na po ako.." paalam ko sa mga kasama.

Kumaway naman sila.

Nakaabresyete ako kay Rob habang papunta kami sa kanyang kotse.

Napakasweet talaga ng bf ko.

Ipinagbukas pa niya ako ng kotse at saka inalalayang sumakay.

Deretso na niya akong inihatid sa condo na tinitirhan ko.

Okay na din at pagod na ko sa maghapong photoshoot.

"Bye babe.." paalam niya ngaihatid ako sa unit ko.

"Bye.. Ingat ka ha?" nakangiti kong sabi.

Isinara ko na ang pinto at naupo sa sofa.

Tinanggal ko ang heels at saka minasahe ang aking paa.

Medyo masakit na ang paa ko.

Nakapaa nalang akong pumasok ng silid habang bitbit ang heels.

Nagbihis nalang ako at saka nahiga.

Krrrrriiiinnngggg....

Napabaling ako sa celphone na nasa mesita.

Sino kaya ito?

Ahh si Monique pala..

"Hello friend? Napatawag ka?" tanong ko.

Sumandal ako sa headboard.

"Pagod ka na ba? Andito kami sa 7/11.. Dali kain tayo.." sagot naman ni Monique.

Napangiti ako.

Itong koreanang ito di talaga mapigil sa lakwatsa..

"Okay wait nyo ko.." sabi ko.

Inioff ko na ang celphone at saka tumayo.

Nagpalit ako ng jeans at tshirt saka isinuot ang sneakers.

Malapit lang naman ang 7/11 kaya lalakarin ko na.

Tanging wallet at celphone ay bumaba na ako ng condominium.

Napangiti pa ang tindera ng makita ako.

Suki kasi kami doon.

"Dito Nin!" malakas na tawag ni Monique.

Kumakaway pa ito.

Andun din sina Jaya at Kate na kapwa nakangiti.

Nasa harap na nila ang mga pagkain nila.

Sumenyas ako na kukuha ng akin..

Agad kong tinungo ang paborito kong kakainin.

Strawberry ice cream..

Sarap talaga nito.

Dumampot din akp ng yugurt pero may nakasabay ako at di niya binitawan ito.

"Akong nauna..." inis na sabi ko at nilingon ang lalaking may hawak ng yugurt na gusto ko.

Nag-iisa nalang kasi ito.

Subalit tiningnan niya lang ako at saka tumalikod bitbit ang yugurt ko.

Waaahhhhh... Gusto ko iyon.

Sinundan ko siya ng tingin habang nagbabayad at naupo sa isang table.

Hmp! Ang yabang...

Nagkandahaba ang nguso kong umupo sa tabi ni Jaya.

"Oh, bat yan lang ang dala mo? Asan yung yugurt?" tanong ni Kate.

"Ba't nakasimangot ka?" si Monique.

Mas lalo akong napasimangot.

"May isa kasing mayabang na kumuha sa yugurt ko.." sabi ko.

Tiningnan ko pa ng masama ang lalaking kumakain ng yugurt ko.

Napamulagat naman si Jaya nang makita kung sino ang tinutukoy ko.

"OMG! Si Nick Yu!" paimpit na tili ni Jaya.

Naglingunan naman sina Monique at Kate sa narinig.

Nick Yu? Sino naman yun?

"Si Nick nga... Alam mo bang sikat sila sa school nila maging sa school natin.." excited na sabi ni Monique.

"Malay ko.. Di ko siya kilala.." sagot ko at nilantakan ang ice cream.

"Paano kasi puro si Rob yang nakikita mo.." panunukso ni Kate.

Nagkibit balikat lang ako.

Nagkwentuhan pa kami ng kung ano-ano hanggang sa matapos ang pagkain namin.

Nauna ng lumabas sila at may bibilhin pa ako.

Saktong bubuksan ko na ang glass door nang may naunang magtulak nito.

Nasagi pa ako nito bago makalabas.

Grrrrr.. .

Nakakainis talaga ang lalaking iyon!

Hmp...

++++++++

A/N: hi guys! Ayan magsisimula na tayo sa ilymg side story...

Sana suportahan nyo rin ito gaya ng pagsuporta niyo sa ILYMG and TLA.

Thank you...

My Supermodel GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon