Chapter 4: Unexpected

5.2K 112 9
  • Dedicated kay ilymg family
                                    

Nina's POV:

As usual, busy na naman ang life ko sa photoshoot..

Gusto ko pa naman sanang dalawin si Lian...

Nasabi kasi ni Gian na nasa ospital ito.

Kaya lang, paano kung andun si Nick?

Baka sumbatan niya ako sa ginawa kong pag-alis bigla.

Aish!

Bakit ba siya ang iniisip ko..

"Nina, fucos! Nasaang planeta ba ang utak mo? Kanina kapa lutang!" sigaw ng aming photographer.

Nagulat ako..

Oo nga pala, nasa trabaho pa pala ako.

"Sorry, Mamita!" hinging paumanhin ko.

Bakla kasi kaya sobrang taray.

"May sakit ka ba?" tanong nito.

Umiling ako..

"Wala po, may iniiisip lang.. " sabi ko.

"Okay lets have a 15 minute break. Ayusin mo munang sarili mo.." sambit ni mamita at buumaba sa kanyang upuan.

Agad naman akong pumunta sa gilid at kinuha ang celphone.

Halos napuno na ang inbox ko sa dami ng text.

Di ko na binasa at mauubusan ako ng oras.

Tinawagan ko nalang sina Monique.

Nakaconference call ako kaya madali lang.

"Wazzup friendshipz?"monique

"Punta tayo kay Lian mamaya.." ako.

Nagsi-oo naman sila kaya napagkasunduan naming magkita sa ospital pagkatapos ko dito.

Ilang saglit pa ay nagsimula  na din kami..

Pinagbuti ko na ang ginagawa upang matapos kami kaagad.

Natuwa naman si mamita.

Agad akong dumeretso sa ospital.

Halos magkasabay lang kaming apat na dumating.

"Ano ba talagang nangayari sa kanya?" Kate.

"IDK.. Kahit ako nagulat ng tawagan ni Nina.." Monique.

"Ako din.. Akala ko nagbabakasyon lang sila..." Jaya.

Tahimik lang ako at nakikinig..

Andun kaya siya?

Anong gagawin ko pag nagtanong siya?

Aiissshhh!

Baka kinalimutan na din niya iyon...

Kaagad kaming nagtanong sa nurse station sa room ni Lian at nang maituro na ito sa amin ay halos takbuhin namin ang floor na kinaroroonan niya.

"Si Rave oh!" sambit ni Jaya.

Nakasandal si Rave sa dingding ng silid at nakapamulsa ang dalawa niyang kamay habang nakayuko.

Medyo haggard din ang kanyang itsura.

"Kumusta na si Lian?" tanong ko.

Tiningnan naman niya kami.

Blangko ang itsura ni Rave.

Hindi ko mabasa kung anong iniisip niya.

"Nasa loob.." mahinang sagot niya.

Pipihitin ko na sana ang doorknob ng may biglang magbukas nito.

My Supermodel GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon