Epilogue:

6.6K 110 24
                                    

3rd Person's POV:

Sa loob ngbilang buwang pagbubuntis ni Nina ay tuluyan ng nagsama ang dalawa.

Hindi naman tutol ang kanilang magulang bagkus ay excited pa ang mga ito sa nalalapit na paglabas ng kanilang kauna unahang apo.

Habang papalapit ang panganganak niya ay abala ang magkasintahan sa pag-aasikaso sa pagpapakasal nila.

Isasabay na rin kasi ang binyag ng kanilamg magiging baby.

"Hb.. Excited ka na bang makita ang baby natin?" masayang tanong ni Nina.

Halata ang excitement nito sa mukha.

Nasa OB clinic kasi sila at naka schedule siya na  magpa ultrasound.

Ngumiti naman si Nick at ginagap ang kamay ni Nina saka hinalikan ito sa noo.

"Yes HB.. Excited na akomg makita ang baby.. Ano kaya siya? Sana lalaki noh? Pero okay din pag babae.." tila nangangarap na sambit ni Nick.

Maya maya ay tinawag na sila ng assistant ng doktora.

Magkahawak kamay ang dalawa habang papasok sa clinic.

"Oi! Mukhang excited na ang parent to be ah.." nakangiting bati ni Dok Angie..

"Opo doktora.. Super!" sagot ni Nina.

Pinahiga na siya sa kama.

Nakaalalay naman si Nick sa kanyang tabi.

Sinimulang pahiran ng KY jelly ang tiyan ni Nina at itinapat ang ultraspund dito.

Kaagad na rumihestro ang pigura ng baby sa monitor.

Nimimilog ang mata ng dalawa habang pinapanood ang baby..

"Ayan, ang likot na ng baby nyo.. Babae pala siya.. Tiyak na ang ganda nito.." sambit ni doktora.

Ipinakita at ipinarinig pa sa kanila ng doktor ang iba pang detalyi sa paglaki ng baby.

Labis naman ang tuwa nila..

Kahit na natapos na ang session nila ay patuloy pa ding pinag-usapan ng dalawa ang baby at ibinibida pa ito sa mga kaibigan.

"Tsk! Nang-iinggit ka na ba niyan tol?" pabirong tanong ni Gian.

Nginisihan naman siya ni Nick.

"Bakit naiinggit ka na ba?" balik tanong nito.

Napahalakhak naman si Louie.

"Ako pass muna sa ganyan.. Nag-eenjoy pa kami ni Gab sa pagiging single.." natatawang sabi ni Louie.

Naiiling naman ang dalawa.

Hindi nila mahulaan ang estado ng relasyon ni Gab kay Louie.

Masyadong babaero ang isang ito.

"Ikaw Kate? Kelan kayo pakakasal ni Lion?" tanong ni Nina.

"Tss... Wala naman yatang balak pakasalan ako ng baklang iyon eh.. Gapangin ko nga minsan ng mapikot na!" biro ni Kate.

Nag high five naman sila ni Jaya.

"Tama yan friendship.. Abah baka tumandang dalaga ka sa kahihintay kay Lion.." pangguguyo pa ni Jaya.

"Asus! Nagsalita ang isa dyan.. Eh ikaw hanggang kelan mo hihiritan si Matt? Sa tingin ko Jaya wala kang pag-asa doon.. Parehas kayo ng type eh.. Lalaki.." gagad naman ni Gab.

Napangiti nalang si Nina.

"Sayang wala sina Lian at Rave." Nina.

"Nag-enjoy na yata ang mga iyon sa isla nila eh.."Jaya.

My Supermodel GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon