Chapter 6: The Deal

4.8K 107 7
                                    

Nick's POV:

"E-zoom mo pa ang mukha niya.." utos ko kay Gian.

"Hindi na kaya Nick.. Full na.. Malabo pa talaga ang kuha dahil masyadong malayo sa pwesto nyo ang camera.." tanggi ni Gian.

Napatiim bagang ako.

Pinagmasdan kong maigi ang kuha nito.

Sino kabang talaga?

Pakiramdam ko ay kilalang kilala kita.

Napasinghap ako ng marealize kung sino ang lalaking nasa larawan.

F*ck! Siya nga iyon..

"Gian.. Humanap ka ng larawan ni Rio Usawa.." utos ko.

Kaagad namang tumipa sa keyboard si Gian at nagsearch ng pakay ko..

Maya maya ay lumabas ang mga kuha ni Rio.

Isa isa namin itong tiningnan..

"Sabi ko na nga ba... Si Rio Usawa ang lalaking iyan.." sambit ko at dinampot ang jacket na nakalapag sa mesa.

"Teka! Nick! Saan ka pupunta?" pahabol na tanong ni Gian.

Nasa may pintuan na ako saka pa ako lumingon.

"Kay Rave.. Kailangan niyang malaman ito." sagot ko.

Tuloy-tuloy na akong lumabas at sumakay sa kotse.

Habang daan ay iniisip ko pa din kung sino ang nag-utos sa kanya.

Malamang ay galamay siya ng isa sa mafia.

Napaigtad ako nang biglang tumunog ang celphone ko.

Huh!? Si Pamela?

Ano na naman ang kailangan ng babaeng ito?

Dinampot ko ito at saka pinindot ang accept button.

"What now Pam?" ako.

"Chill, bro! Andito sa bahay ang gf mo... Ininvite ni lolo.." pam.

Muntik ko nang mabitiwan ang telepono sa gulat.

Napakunot noo ako..

Mabilis kong minaniubra ang sasakyan palihis sa direksyon ng pupuntahan ko.

Halos paliparin ko na ang kotse sa pagmamadali.

Walang alam si Nina at baka kung ano ang pinagsasabi nina Pam.

Pagkarating ko sa mansion ni Lolo ay halos banggain ko na ang gate.

Nasa garden si Pamela at nakangisi pa at umiinum ng juice habang nakatingin sa akin.

"Hey! Calm down brother... Pqra ka namang susugod sa giyera nyan.. Iba talaga ang kilos nyong mga gangster." nang-aasar na sabi niya.

Mabilis akong lumapit at hinaklit ko siya sa kanyang braso.

"Nasaan siya?" tanong ko.

"Ouch! Let go of me... Masyado ka namang tense.. Di naman yun kakainin ni lolo.." inis na sabi ni  Pamela at tinanggal ang pagkahawak ko sa kanya.

"Nasaan sila?" ako.

Ngumisi lang siya at muling naupo sa garden set.

Naiinis na ako kay Pamela kaya iniwan ko na lang siya at tumuloy na sa loob ng bahay.

"Si lolo?" tanong ko sa nakasalubong kong katulong.

"Nasa library po.." sagot naman nito.

My Supermodel GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon