Chapter 12: Grand Ball

4.8K 92 7
                                    

Nick's POV:

Halos hindi mawala ang ngiti sa labi ko hababg nag-aayos.

Shemay! Pati pala lalaki eh kinikilig din pag inlove no?

Okay aaminin ko na..

I love Nina..

I fall very deep for her.

Kaya gusto ko ng tapusin ang pagpapanggap namin.

I want her to be officially mine..

Ngayong gabi ang inihanda kong surpresa kay Nina.

Sana lang magustuhan niya.

"Hoy Nick tara na!" sigaw ni Louie sa labas ng aking silid.

Sinulyapan ko pa ang sarili sa salamin bago tuluyang lumabas ng kwarto.

Chill naman si Gian sa pagkasandal sa railings ng hagdanan.

"Nasaan si Rave?" tanong ko..

Nagkibit balikat naman si Louie.

"May kukunin lang daw sa mansion.. Mauna na daw tayo at kita nalang doon." sagot naman ni Gian.

"Lets go!" sabi ko sa kanila.

Bumaba na kami at kanya kanyang tungo sa sariling kotse.

Nakasunod lang ako sa kanila.

Pagkarating namin sa bahay ni Lian ay tinanong pa kami bg guard.

Masyadong strict ang papa ni Lian at sinasala ang pinapasok sa mansion.

"Papasukin nyo na sila at hinihintay na ni Lian ang mga iyan.." boses ni Darius mula sa gilid ng guardhouse.

Naninigarilyo ito habang nakasandal sa pader.

Hindi siya gaanong maaaninag sa pwesto niya.

Binuksan naman ng guard ang gate at pinapasok kami.

"Salamat..." sabi ko kay Darius at tumuloy na kami sa harap ng mansion.

Pinapasok kami ng katulong at pinaghintay sa sala.

Ilang sandali din kaming nakaupo doon bago ko nakitang nagsibaba sila.

Kaagad naman kaming tumayo at sinalubong ang mga babae.

Ang ganda ni Nina sa suot niya.

Di mo talaga maipagkaakailang modelo siya.

"Hb..." nakangiti niyang sabi.

Medyo namumula pa ang kanyang pisngi at di maitago ang pagbablush.

"You look awesomely beautiful Hb.." bulong ko sa kanya at hinalikan ko pa siya sa pisngi.

Napaigtad pa siya ng konti at namumula pang lalo.

Iniyakap ko ang isang braso sa kanyang bewang.

Napaangat ng tingin kami nang makarinig ng yabag pababa ng hagdan.

Si Lian pala ang bumaba.

"Sorry im late..." biglang may nagsalita sa likod namin na ikinatigil ng lahat.

Tsk! Ano na naman kaya ang inasikaso ni Rave.

"Hb.. Ang ganda ni Lian noh?" bulong ni Nina sa akin.

"Para sa akin HB ay ikaw ang pinakamaganda.." sagot ko.

"Hmp! Nambola kapa." nakaingos niyang sabi.

Napatawa ako nang mahina at mas hinila pa siya papalapit.

Ilang saglit pa ay nagkayayaan ng umalis.

My Supermodel GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon