Chapter 7: Surprise!

4.5K 98 12
                                    

Nick's POV:

Kanina ko pa iniisip kung ano ba ang magandang panregalo.

Aissh!

Ganito ba talaga kahirap magkagf?

Kung ilang beses na din akong napapakamot sa ulo sa inis.

"Abah! Mukhang problemado ang ating mystery guy aah!" pang-aasar ni Louie at inakbayan pa ako.

"Tss.. Tigilan mo nga ako Aragon!" inis kong sabi.

"Alam mo Nick, kung babae lang yan solve na ang problema mo.. Magaling kami ni Gian dyan... Diba tol?" nakangising sabi ni Louie.

Langya! Ba't ba andito tong dalawang ito?

Tumayo na ko at iniwan sila doon.

"Hoy! Nick tutulungan ka namin!" pahabol na sigaw ni Gian.

Tss... Mga gago..

-------

Nina's POV:

Pagmulat palang ng mata ko ay sumilay na kaagad ang isang masayamg ngiti sa aking labi.

It's my day today...

May nakaalala kayang birthday ko ngayon?

Agad kong dinampot ang celphone sa gilid at binuksan.

Napangiti ako nang sunod-sunod na pumasok ang mga text.

Pulos pagbati.

Oo nga pala, birthday din ni Kate ngayon.

Matext nga sila..

"Hi girls! Kagigising ko lang.. Salamat sa pagbati!"ako.

"Goodmorning friendshipz! Happy birthday sa ating dalawa! May party ako mamaya punta ka ha?" sagot naman ni Kate.

Wow! May party si Kate.

Nagreply ako at sinabing darating ako.

Wala naman si mommy kaya di ako maghahanda.

Haayyy... Si Nick kaya?

Alam kaya niyang birthday ko ngayon?

Aisshhh... Sabing wag mafall eh..

Nag-inat pa akong muli at saka tumayo na.

Ginawa ko na ang morning rituals ko saka lumabas bitbit ang shoulder bag.

Magsisimba nalang muna ako.

Pagbukas ko nang pintuan ay muntik na akong matumba nang makita kung sino ang nakatayo sa harap ng unit ko.

Nakasandal ito sa dingding at nakapamulsa ang dalawang kamay.

"N-Nick...? A-ang aga mo yata..." sabi ko.

"Tss.... Ang tagal mo..." sabi niya at umalis sa pagkasandal.

Napatulala nalang ako habang nakatingin sa bawat galaw niya.

Kinuha niya ang isang kamay ko saka naglakad papuntang elevator.

"T-teka? Saan tayo pupunta? May lakad ako eh.." ako.

Sakto namang bumukas ang elevator kaya pumasok na kami.

"Ihahatid kita sa pupuntahan mo.." sabi niya.

Napatitig tuloy ako sa kanya.

Umandar na ang elevator kaya kapwa na kami tahimik.

Palihim akong sumusulyap kay Nick.

My Supermodel GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon