Chapter 13: Danger

4.4K 90 5
                                    

3rd Person's POV:

Mula nang malaman ng lahat ang nangyayari kina Lian at Rave ay kaagad na pinulong ni Eagle ang lahat ng mga tauhan.

Maging ang lahat ng underlings ng BPG ay sumali sa gaganaping rescue operation.

Halos lagpas isang libong myembro ng pinagsamang tauhan ni Eagle, Phantom at ng BPG ang naghahanda.

Hinati ang bawat grupo sa tatlo at pinamumunuan ito ng mga kanang kamay ng bawat leader.

Mas lalo nilang napagtibay ang planongbpaglusob nang dumating si Aryana at tinulungan sila.

Kaagad na nahanap nila ang lokasyon ng isla.

Magdadapit hapon nang umalis ang buong grupo at nagtungo sa isla.

Palihim namang pumuslit si Nina at sumama sa grupo ni Phantom.

Halos manginig pa siya sa kaba nang may dumaan sa tabi niya habang nakasiksik sa mga kahon ng baril na dala nila.

"Siguruhing nasa kondisyon ang barko bago tayo umalis.." boses ni Eagle ang narinig niya.

Gusto sana niyang lumabas pero baka pababain lamang siya ni Eagle.

Ayaw pa naman niyang maiwan at gusto niyang makasama si Nick.

"Nakahanda na po ang lahat.." boses naman ni Nick.

Napakagat labi na lamang si Nina.

"Hb...." mahinang sambit niya habang sumisilip sa maliit na siwang.

Naramdaman niya ang pag-andar ng barko.

Tahimik na din ang palibot ng pinagtataguan niya.

Muli siyang sumilip at nang masigurong walang tao ay lumabas na siya.

Inilibot niya ang tingin.

Sa bodega pala siya nakapagtago.

Naupo siya sa mga kahon at hinintay ang susunod na gagawin.

Sa kabilang banda.

Magkasunod ang labin limang barko sa pagbyahe.

Nagbarko sila upang di marinig ang tunog ng kanilang pagdating.

Isang surpresang pag-ataki ang nais nilang gawin.

Nagpupulong ang lahat ng lider sa isang silid ng barko at pinag-usapan ang mas epektibong paraan ng paglusob.

"Kailangan natin ang tulong ni Lion.. Magaling sila ni Brad sa ganitong stratehiya." sambit ni Eagle.

Nakikinig naman si Brad sa kanila habang nakatutok pa din sa laptop na hawak.

Kailangan nila si Lion dahil andun ito sa mansion.

"Natrace ko na ang kinaroroonan nina Lian at Rave." sambit ni Gian at nagpipindot pa sa keyboard.

Ilang saglit lang at bumulaga sa malaking screen ang satellite video ng isla.

May pulang bilog na gumagalaw.

"Nariyan na sila sa pinakagitnang bahagi ng isla. At basi sa galaw nila ay tiyak na pababa na sila. Ang mga itim na bilog ay palatandaan ng tauhan ni Uno." paliwanang ni Lian.

Nakakalat ang mga itim na bilog at basi sa dami nito ay tiyak na halos pantay lang ang bilang nila.

Tumigil sila ilang metro ang layo mula sa isla at isang grupo ang naunang bumaba upang lumusob.

Nagdive ang mga ito sa dagat at nilangoy ang pampang ng isla.

Mula doon ay inisa isa nilang patayin ang mga bantay sa tahimik na paraan.

My Supermodel GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon