Chapter 5: I Fall Again...

5.1K 109 3
                                    

Nina's POV:

Ilang araw na din akong abala sa pictorials..

Kanina nakausap ko si Monique at yung isang yun naman, walang ibang bukambibig kundi ang pangyayari sa kanila ni Brad...

Haaayyyy... Namimiss ko na ang mga kaibigan ko..

Kanina ko pa din iniisip kung ano ang ibig sabihin ni Nick sa sinabi niya..

"I wanna wreck the face of your ex. You better not talk to him anymore.."

Is he jealous?

Oh my! Bakit ba sya ang palaging iniisip ko?

Dapat laylow muna ako sa mga lalaki kasi manloloko sila...

But...

Aissshhh...

Nahihibang na ko!

Isinubsob ko ang mukha sa unan at pinagsusuntok pa ang ulo ko..

Aray! Masakit pala...

Tumihaya ako ng higa.

Nick Yu! Ano ba talagang meron sayo at nakakalimutan kong heartbroken ako ngayon?

Biglang nagring ang celphon ko kaya inabot ko ito.

Si manager.. Hala!

Nakalimutan ko na may pictorials pala ako ngayon! Patay!

Natampal ko ang noo at mabilis na bumangon.

Takbo agad ako sa banyo habang sinagot ang tawag ni manager.

Tyak na umuusok na naman yun ngayon sa galit.

*hello, miss sally...*

*where are you nina? Kanina pa kami andito! Anong oras na?*

Sabi ko na nga ba eh...

*papunta na po! 30mins...*

*ano!? Ang lapit lapit nito sa condo mo taz 30 mins? Saang lupalop ka na naman nagsususuot?*

Napapout nalang ako..

Pinatay ko naang celphone kasi mas lalo akong tatagal pag nakinig pa ako sa kanya.

Mabilis akong naligo at nagbihis.

Di na ko naglagay mg make up at lalagyan din naman ako doon..

Hayzzz... Maipaalala nga kay mommy na kailangan ko ng kotse..

Oo nga pala..

Bat di na natawag ang isang iyon?

Malamang kasama na naman si Dad...

Kung bakit pa kasi kailangang itago sa akin eh..

Pumara na ako ng taksi at nagpahatid sa location.

Pagdating ko ay agad akong sinalubong ng sermon ni ms. Sally..

Hinayaan ko na lang.

Maya maya ay dumating na ang partner ko..

Anak daw ito ng bigating negosyanteng intsik at napilit lang nilang makapartner ko dahil restau nila ang epi-feature.

Di na ako sumilip dahil matatagalan na lalo.

Pagkatapos ko ay tinawag na kami ng photographer.

Tumayo na ako sa lounging chair at lumabas ng dressing room..

My Supermodel GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon