Chapter 14: Second Life... Begin Again

4.6K 89 7
  • Dedicated kay NIna Wattpad
                                    

A/N: Warning! Some scenes are not suitable for minors! Again.... MINORS!

Kaya patnubay at gabay ng matatandang katulad ko ang kailangan...

Hahaha! Walang halong biro...

Ang susunod na eksena ay Rated SPG.

Kailangan ang striktong patnubay at gabay ng mga nakakatanda..

Tandaan..

Ito ay Purong SEXUAL, walang halong karahasan, horror o droga..

Wag basahin kung di sanay sa ganitong eksena at di naman ito nakakaapekto sa storya..

Click Next Chapter if you want to READ..

READ AT YOUR OWN RISK......

Ayan nakabold pa para klaro.

++++

Nick's POV:

Nakadukmo lang ako sa gilid ng kama ni Nina.

Halos sampung oras na ang nakalipas pero hindi pa rin siya nagigising.

Sabi naman ng doktor ay ligtas na siya.

Nina, Hb gumising ka na...

Napabangon ako mula sa pagkadukmo ng maramdaman ko ang pag galaw ng kamay ni Nina.

Pero nang tingnan ko siya ay hindi pa naman ito gising.

"HB.. Naririnig mo ko diba? Gumising kana.." mahinang tawag ko sa kanya.

Muling gumalaw ang kanyang kamay.

But this time ay kasama na ang kanyang mata na unti unting dumilat.

Labis ang tuwa ko.

"Hb... Gising ka na.." masayang sabi ko.

Nagpukos naman ang kanyang tingin sa akin bago ngumiti..

"Hb..." mahinang sabi niya.

"Teka tatawagin ko lang ang doktor.." sabi ko at mabilis na pinindot ang button sa may gilid ng kama.

"Hb... Anong nararamdaman mo?" tanong ko at hinaplos ang buhok niya.

"Hb..." sambit niya.

Pumasok na ang doktor kaya tumabi muna ako.

Ineksamin nila si Nina.

Nagsipasok din sina Lian at Rave na kagagaling lang sa canteen upang bumili ng pagkain.

"Gising na pala si Nina.." sabi ni Lian.

"Oo ngayon lang.." sagot ko.

"Makakahinga ka na ng maluwag niyan tol.." natatawang sabi ni Rave at inakbayan ako.

Ngumiti lang ako sa kanila.

Oo, grabeh ang kaba ko kanina habang di pa nagigising si Nina.

"Stable na ang pasyente.. Kung magtuloy tuloy na angbpag galing niya ay pwede na siyang ilabas sa makalawa." sabi ng doktor sa amin.

"Salamat po dok.." sagot ni Lian.

Lumabas na ang doktor kaya lumapit kami kay Nina.

"Sissy... Mabuti naman at gising kana.." masayang bati ni Lian.

Nagulat naman si Nina sa tawag nito sa kanya at napatingin sa akin.

Nginitian ko siya at tinanguan.

My Supermodel GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon