/8/

2.2K 32 0
                                    

Tease....

Pagkadismiss na pagkadismiss saamin ng huling prof namin ay agad nagsitakbuhan palabas yung mga kaklase ko samantalang kami naman nila jen ay hinihintay si eba sa pagpapaganda niya, pagbalik nila kanina dito ni Damon ngiting ngiti siya pero yung kasama naman niya e parang sinakluban ng langit at lupa. 

"huy girl kanina ka pa nakangiti diyaan, baka naman mapunit ang bunganga mo niyan"

"oo nga, it's dangerous to smile endlessly"

nag-apir si kara at jen sa mga pinagsasabi nila pero walang narinig si eba at patuloy lang sa pag-aayos ng blush on niya, habang ako naman ay chineck ang phone ko kung merong message at nakita ko ang numero ni azrael doon kaya naman binuksan ko agad ang message niya at halos mapunit din ang labi ko kakangiti.

From: Unknown Number

Hi my one and only star, are you done for today? I'll treat you for lunch, where are you?

Magrereply na sana ako ng biglang tumili sina eba dahil biglang bumuhos ang ulan samahan mo pa ng nakakabulabog na kulog. Hindi na ako nakapag-reply kay azrael dahil dali dali kaming bumaba sa at napansin namin na stranded yung ibang estudyante sa cafeteria, maya maya ay biglang nag-ring ang phone ko at nakitang si papa ang tumatawag kaya dali dali ko yung sinagot.

"papa napatawag ka po?"

"ang lakas ng ulan ah, susunduin kita dyaan mamaya pag uwian niyo"

"hindi na po pa, diretso na po kayo sa bahay at delikado ang daan. Kaya ko na po itong mag-isa"

"o siya, basta alam mo namang one text away lang kaming lahat lalo naman ako ha?"

"opo pa, sige po i need to go"

pagkalagay ko ng phone ko sa bag ay naramdaman ko nalang na may bumalot na mainit saakin at may kumuha sa bag ko, maya maya lang ay nakita ko si azrael na izinizipper ang jacket na nakasuot saakin ngayon, he's holding my bag too just like a pro. 

"baka magkasakit ka nanaman, you should take care of yourself my star"

pagkatapos niyang ayusin ang jacket ay tumingin siya saakin at ngumiti. The smile that gives chills to the girls. 

"Let's go, I'll treat you to lunch before I take you home" kumindat muna siya bago ako kaladkarin paalis doon. 

Habang nasa biyahe kami ni azrael tungo sa i-don't-know-where na sinasabi niya ay pahina na ang ulan, he is smiling from ear to ear that made me smile too. Masyadong nakakahawa ang ngiti ng isang azrael montefalco. 

"what do you want for lunch?"

"want some Italian food, may alam ka bang kainan?"

"of course, i'll take you to my favorite restaurant"

after minutes of driving, nakarating kami sa tapat ng Torch and I must say na there's a lot of people dining in here, the ambience is cozy too even though we're not yet inside.

"let's go"

pinagbuksan niya ako ng pintuan at inalalayang bumaba, gestures that made my heart swoon in happiness, aside from my cousins kasi he's the second guy na gumawa saakin ng ganung gestures. Pagkapasok namin sa resto ay agad kaming iginiya ng waitress sa second floor dahil puno na sa baba, pagkaupo namin ay agad na kaming tumingin sa menu at ako ang pinauna niyang umorder,

"want some philly cheesesteak pizza, a whole of it please and charlie's golden ticket milkshake, thanks"

isinulat naman niya yung order ko at kinuha ang order ni azrael,

My WomanizerWhere stories live. Discover now