/22/

1.4K 25 0
                                    

First Fight .2

Pagkatapos ng pagkikitang nangyari kahapon sa 7/11 ay agad na kaming umalis nila kuya, but azrael didn't stop there. Nanunuod ako ng movie with eion when an unknown number called me, and when i answered it? it's azrael using claudette's phone. He said sorry numerous times but i didn't forgive him. After the call, i was shocked when kuya silver knocked on my room and handed me a two family size cheesy cheese pizza and an extra large cup of milktea. 

"don't forget to look on your window" that's what kuya silver said kaya naman tumingin ako sa labas ng bintana to see azrael with his car behind him. 

I waved him goodbye and i mouthed thank you before he went home. Pero hindi parin kami bati, and ngayong araw na ito ay ako na ang makikipagbati. I will watch him play basketball and i'll surprise him with my newly baked blueberry cheesecake. yep. his favorite dessert. I choose to wear my Edaline Cropped jumpsuit and a lace up heels. 

"sumabay ka na kaya kay silver anak?" 

"sige po" kinuha ko yung cheesecake sa ref atsaka nagpaalam na kay mama at kay tita leila na mommy ni kuya silver at ni eion. 

"ingat sa pagmamaneho silver ha?" 

"opo ma! ingat kayo diyaan!" umalis na kami ni kuya silver doon at agad kaming dumiretso sa basketball court kung saan probably naglalaro sila eion with the montefalcos, narinig ko ding andun sina hendrix ty. They're good at surfing actually. Sila ng kapatid niyang si pierre. 

"so makikipagbati ka na sakanya?" 

"yep. He already explained his side, and i get it now" sinabi saakin ni azrael na hindi lang naman siya yung pupunta doon sa bahay ng girl, they are a total of nine people, anim yung mga lalaki at para yun sa final project nila sa isang subject. 

"good for you, just tell me or eion or your other cousins if he did something terrible to you ok?" tumango ako at agad niyang ginulo ang buhok ko kaya napasimangot ako at tumawa naman siya.

after how many minutes we arrived at the court and the air on it was intense. Nakita kong magkakateam sina eion at yung ty at ibang varsity ng basketball team ng Xavier. They didn't notice me and kuya silver, nauna ako at napunta sa bleachers na punuan, iba nga talaga ang nagagawa ng mga gwapo lalo na pag marunong mag basketball, this was just a 'game' game pero punuan parin ang court lalo na ng mga babae. 

Matagal bago ako nakahanap ng upuan, and i was saved by klare who is wearing an red chick blouse and a cute black and white plaid skirt. Beside her was claudette whose eyes are fixed to someone particular and it's pierre ty.

Hindi pa ako napapansin nila eion, only claudette, klare and kuya silver knows that I'm here. Nakita kong ipinasa ni azi ang bola kay damon at shinoot yun ni elijah, and that caused klare to stand and clap her hands so hard na para bang boyfriend niya yung nakashoot ng bola. I noticed claudette who looks at klare with her cat like eyes.

"hi aurelia, I've heard from my brother about what happened yesterday, ok na ba kayo? "

"actually makikipagbati palang ako sakanya ngayon. He likes blueberry cheesecake right? "

Napunta ang atensyon ni klare at ni Claudette sa dala dala kong cake. At tumingin ulit saakin,

"yes, he really loves it. Ikaw ang nag bake? "

"Yep. I baked this earlier with the help of my mom" napangiti sila at tumutok ulit kami sa mga naglalaro,

Even when no one notices me here, pansin ko ang pagtingin tingin ni elijah sa pwesto namin, kay klare. And the same thing goes with klare. She looks so proud kay elijah, and pag natutulak or nababangga si elijah, makikita mo ang mabilisang pag iiba ng expressions niya. Natapos ang game at yung team nila hendrix and nanalo, nakita ko si azrael na nakikipagkamay sa mga kalaban kaya naman sabay sabay na kaming bumaba nila klare at pupunta na sana sa pwesto nila azrael ng huminto ako dahil may babaeng yumakap sakanya at mabilisan siyang hinalikan sa labi.

Sa LABI! HINDI SA PISNGI, KUNDI SA LABI!

The world stopped, halos lahat sila ay huminto sa mga ginagawa lalo na ng nakita kong sino ang humalik kay azrael. It's no other than cherry.  Napahigpit ang hawak ko sa box ng cake at nagsimulang humakbang pero napatigil ako ng pumikit si azrael. Muntik ko ng malaglag yung cake pero hinigpitan ko pa ang pagkakahawak doon at huminga ng malalimat marahas na pinakawalan yun. Mas dumagdag pa ang tensyon ng iminulat ni azrael ang mata niya at ako ang unang nahagip ng paningin niya. Agad niyang tinulak palayo sakanya si cherry pero kahit tinulak na siya ni azrael ay tumingin pa siya saakin at kumindat bago dilaan ang labi niya bago umalis ng court. 

agad humakbang papalapit saakin si azrael at hinawakan ako sa balikat at tinitigan ako deretso sa mata ko, 

"aurelia it's no----" ibinigay ko sakanya yung cake at inirapan siya,

"that's yours, wag mong sayangin" tsaka na ako tumalikod at humakbang paalis doon, pupunta pa sana siya saakin ng humarang na sina eion and kuya silver sa daanan, nakita ko din ang pag-iling sakanya ng mga pinsan niya. 

Nasa locker rooms na ako at pinipigilan parin ang pagtulo ng luha ng makarinig ako ng ilang kalabog sa court pero di ko na yun ininda dahil malapit na rin naman ako sa exit ng biglang may humiklat sa braso ko at sapilitan akong hinarap at hinapit papalapit sakanya at ang susunod ko nalang na naramdaman ay ang madiing paghalik sa labi ko ni azrael kaya naman tinulak ko siya at sinampal, tsaka niya ako tinignan pero nung nakita ko ang itsura niya, doon nagsimulang tumulo ang luha ko kaya naman nagulat siya at agad sanang lalapit saakin ng pinigilan ko siya.

"stop. Don't go near me azrael"

"w-what's wrong? "

"you kissed me! You kissed me after cherry kissed you!" he was stunned, so was i. Hindi ko alam kung bakit tulo ng tulo ang luha ko.

"i didn't want her kiss! I am unguarded when she kissed me! "

"and you still accepted it! Hindi mo agad siya tinulak! "

"kinag----"

"save your excuses azrael, i don't want to see you for the mean time" tsaka ako umalis doon at tinahak ang daan palabas.

Pagkakita ko ng trike ay agad akong sumakay at sinabi kung saan bababa. Pinunasan ko ang mukha ko ng dala dala kong panyo at agad na tinignan ang sarili ko sa salamin na nasa loob ng tricycle. I was startled when my phone suddenly vibrated and to see Eion's number, i immediately declined it. Pinatay ko ang phone ko at nung nakitang nasa playground na ako ay bumaba na ako ng trike.

This place holds a special place in my heart. Dito ko nailalabas ang lahat ng hinanakit ko, and no one knows about this, except for him.

"it's nice to see you here again"

------------------------------------------
short update lang! Nakakasabaw ang STEM!

My WomanizerWhere stories live. Discover now