/25/

1.6K 24 0
                                    

Strength....

Umagang umaga ay napabangon agad ako dahil sa narinig kong ingay sa baba, nagsuot agad ako ng roba at bumaba para tignan na andoon ang pamilyang sumira saamin, nakita ko din ang pamilyar na mukha ng abogado nila. My parents are standing calmly even my tito and tita, ang mga pinsan at kapatid ko naman ay nakikiramdam lang sa mangyayari.

"if you think na makukuha niyo saamin ang pinaghirapan naming kumpanya, well then i'm sorry pero kailangan niyo ng magaling na abogado at mga witness" nakakainis ang paghalakhak na ginawad ni cherry pagkatapos sabihin yun ng mama niya.

"iyun lang, we're going" umalis na sila kasama ang mga bodyguards nila at yung abogado nilang ubod ng panget sa budhi. 

"anong nangyari dito? why are they here?" napatingin silang lahat saakin at si mama na ang nagpaliwanag. 

"balak nilang agawin ang negosyo natin nak, buti nalang at naibigay na satin ni attorney montefalco yung papeles para doon dahil nahold yun saglit sa Mayor's office na kagagawan ata nung pamilyang yun" napailing nalang ako at tinanong sila kung may ginawa ba sakanila yung mga yun pero wala naman daw at maya maya pa ay kumain na kami ng agahan.

Pagkatapos kong mag lotion at gawin ang skin care routine ko ay agad akong nagbihis ng white polo at olive green shorts atsaka ko ipinares ang simpleng ballerina flats bago dumiretso sa kotse ni papa, dumiretso agad kami sa school at pagkababa ko ay dumiretso agad ako sa room namin kung saan nakita kong naroroon si erin, claudette at klare na nasa likuran nakaupo.

"aurelia magsisit -in ata sila dito  kaya magiging blockmates natin sila" hindi na ako nagkomento sa sinabi ni kara saakin at naupo nalang sa may bandang gitna kung nasaan naroroon nakaupo si jen.

"hindi ba nakikipag-communicate sainyo si eba?" umiling silang parehas kaya naman napabuntong hininga nalang ako at nagbasa ng dala dala kong novel.

Nasa kalagitnaan na ako ng chapter 15 nung bumukas ang pintuan at nagtilian ang mga kaklase ko kasama na yung dalawa kong kaibigan, tumingin ako sa harap para makita ang nakangising si azrael saakin, kasama niya si elijah at damon na ngayon ay parang mga maaamong tupa sa harapan.

"so aside from erin, claudette and klare, magsisit-in din sa klase natin sina Azrael, Elijah at Damon Montefalco so girls and boys behave" ngumiti naman silang lahat pero si denise na crush na crush si elijah ay biglang sumigaw pati narin yung mga baklitang friends niya,

"dito ka na umupo sa tabi ko bebe ko!" nagtulakan pa silang magkakaibigan para mabakante yung mga upuan dito na dahilan kung bakit kami nagtawanan lahat.

"oh come on denise, may bench ka na!" sigaw naman ni janus na binabakante din yung isang upuan sa tabi niya. 

"stop it guys, silang bahala kung saan nila gustong umupo ok?" umupo naman agad sila atsaka nagtawanan, 

"sige na mga hijo, you can choose where do you want to sit" at dahil nasa likuran ang mga pinsan nilang babae ay doon sila naupo at nakipagdaldalan agad sa mga pinsan nila. 

"ok so let's start the discussion for this day" habang nagsusulat si ma'am ng lecture sa board ay biglang pumasok ang dean kaya binati namin siyang lahat at inexcuse niya muna si miss Clara. 

Maya maya lang ay pumasok na si miss at tinignan ang buong classroom at nung nakita niya na mayroong bakanteng upuan sa harapan ko ay tumingin siya saaming lahat at may ipinapasok na pamilyar na lalaki saakin.

"Everyone, meet your new blockmate, he's a nursing student too, of course" nagtawanan yung mga kalalakihan at si ma'am pati na yung ibang mga babae pero yung ibang mga babae ay mukhang nahuli na sa bitag ni otep. 

My WomanizerWhere stories live. Discover now