/9/

2.1K 30 1
                                    

the bread winner

Habang naglalakad ako papunta sa room ay iniisip ko parin ang mga litrato na pinadala ni aliyah kagabi, sa dulo kasi ng karton ay merong laman loob ng pusa. Buti nalang at hindi ako ganun katakot sa mga laman loob, naawa lang talaga ako sa pusa, how cruel she is to that.

"huy aurelia kanina ka pa tulaley dyaan!" napatingin ako kay kara na ngayon ay plakadong plakado ang kilay at kasama niya si eba at jen na halata mo din ang kolorete sa mukha kung titigan mo.

"kanina pa ba kayo dyaan?"

"heller oo teh kanina pa, kanina pa nga kami nag-uusap usap tungkol sa mga club e at kanina pa naming napapansin na wala ka sa sarili mo" tumango naman si jen at si eba sa sinabi ni kara ng biglang tumigil si kara at nagform ng big O ang bunganga niya.

"don't tell me may nangyari sainyo ni azrael kahapon ng umalis kayong dalawa?!"

napairap nalang ako ng nagsinghapan din sina eba at jen, their thoughts are somewhat alike with azi's thoughts yesterday. Maruruming mag-isip.

"walang nangyari saamin ano ba! it's about someone you don't know"

"naku buti naman at walang nangyari sainyo!" tumango tango naman yung dalawa ko pang kaibigan bago kami dumiretso sa canteen dahil daw nagugutom tong bruha naming kaibigan na si jen.

Papunta na kami sa canteen ng nakita namin ang magpipinsang montefalco kaya naman itong tatlo kong kaibigan ay parang kinagat ng mga langgam sa sobrang kilig, hayss.

"mauna na kayong maupo ako ng oorder" tumango naman silang tatlo at hinayaan akong mag-order mag-isa, nakita ko namang umupo yung mga montefalco sa mesang inoccupy ng mga kaibigan ko, papunta na ako sa pilian ng pagkain ng may humalik sa pisngi ko,

"Good morning star" napatingin ako kay azrael na wagas kung makangiti kaya naman inirapan ko siya para itago ang pagkakilig ko sa ginawa niya, hindi ko na din naisip yung pinadala ni aliyah kagabi saakin dahil si azrael lang ang tumatakbo sa isipan ko ngayon kahit nandito lang siya sa harapan ko.

"hindi ka ba nagbreakfast?"

"nagbreakfast but then gutom daw si jen kaya bibili ako ng pagkain para saaming lahat"

tumango nalang siya at sabay silang kumuha ng mga pagkaing natipuhan namin, i brought 2 sardine and garlic linguine pasta and 2 roast chicken & mushroom fusili pasta to the cashier, samantalang nasa likod ko naman si azi na mayroong dalawang lasagna sa tray na hawak hawak niya.

"what's your drinks ma'am?"

"4 dark chocolate chip ice blended coffee please" binigay niya saakin ang bill at babayaran ko na sana ng hawakan ni azrael ang bewang ko at iusog ako ng kunti hanggang sa siya na ang nakapwesto sa harapan nung cashier na kung makangiti sakanya ay wagas,

"ako na ang magbabayad, isasabay ko na tong akin" kumindat pa saakin si azrael bago humarap doon sa babaeng nanaginip ata ng gising at nagsalubong ang kilay ko ng nakita kong kumindat din si azrael doon sa babae kaya naman halos dumugo na ang ilong niya sa sobrang pagpipigil sa kilig habang ako dito ay nagpipigil ng inis.

"anong drinks niyo azrael" kung meron lang ako ditong nailcutter ay kanina ko pa kinurot ang singit nito, pag kay azrael ay pangalan samantalang ako miss lang?! e kung tanggalin ko yung mata nya dyaan na kung makatingin kay azrael ko ay par---wait, sinabi ko bang azrael ko? oh well, akin naman talaga sya.

"just a simple espresso"

"coming up, ihahatid ko nalang mamaya sa table niyo" bago siya tumalikod saamin ay nakuha pa niyang kumindat kay azrael at eto namang si azrael ay natawa pa kaya naman di ko na napigilan ang pagkainis ko at dali dali akong umalis doon at kaagad naman akong sinundan ni azrael, pabalik palang ako sa mesa ay nakita kong napatingin na saakin ang mga kaibigan ko kaya napatingin na rin saakin ang magpipinsan.

My WomanizerWhere stories live. Discover now